Kabanata 22

1.1K 55 17
                                    

Veronica

Ano naman ang gagawin ko roon? Puwede na ako sa isang salamin na nakasabit sa dingding. Suklay at pulbo lang din naman ang ginagamit ko at nag-iisang panali sa buhok kaya hindi ko rin magagamit ang mga kabinet doon.

Pero binili niya pa rin. Pansin ko sa bahay niya kanina, wala masiyadong gamit. Ang laki-laki pa naman ng espasiyo.

Bumili rin ito ng malaking closet para iisa lang daw kami ng lagayan ng mga damit. Pati mga bagong damit, underwear, sandals at sapatos ay binilhan ako nito. Gusto nito na pati damit na pantulog ay same kami. Bear ang design na kulay brown at ako ang pumili. Parehas din kami ng tsinelas pambahay, magkaiba lang ng size.

Nang mapadpad kami sa supermarket ay kumuha ito ng push cart. Kakapit sana ako roon kung hindi lang nito kinuha ang kanang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Luh! Napaiwas tuloy ako ng tingin at marahang nakagat ang ibabang labi.

Kumuha ito ng mga shampoo at conditioner doon at kung ano-ano pang lotion na mababango. 

“Umiinom ka ng gatas?” anito nang may madaanan kaming puwesto ng mga gatas.

Marahas akong umiling. “Hindi, pero ’yong kapitbahay ko, oo.”

Tiningnan lang ako nito bago mapailing.

“How about instant oats? Para sa almusal mo,” anito pa kaya muli akong nag-angat ng tingin dito.

“’Di ko na kailangan ng mga ganiyan. Marami namang damo roon sa bakuran mo, e. ’Yon na lang.”

Napatigil na ito sa paglalakad at may diin akong tiningnan. He pursed his lips. Kumuha pa rin ito ng instant oats at inilagay iyon sa cart namin habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.

“Do you want your lips to be swollen, huh? Or you want to be a mother after this?”

Napatakip naman ako ng bibig at kunwaring nahintakutan. “Ay, we? Natatakot na tuloy ako ngayon. Hu-hu!” pang-iinis ko pa na ikinailing na lang nito. “Pero paanong wala ka pang nagiging asawa o girlfriend man lang? Ano ’yon? Imposible namang wala kang natipuhan doon! Ang dami kayang magagandang babae roon!”

“Kasalanan mo naman, don’t be surprised.”

Mabilisan ko itong siniko bago simangutan. “Nanisi ka pa, ha. Ni hindi na nga tayo nagkita matapos ng huling kita natin noong nasaksak ka, e. Hindi na ako nagpakita para makalimutan mo na ako.”

Virgin na virgin pa pala ito kung sakaling totoo ngang wala pang ibang babae na dumaan sa buhay nito. Nahihiwagaan tuloy ako kung papaano niya natiis ang ganoon. I mean, walong taon? Para lang balikan ako rito?

Tulad ng tanong ko noon sa sarili. Ano ang mapapala niya sa isang tulad ko? Bakit ako pa rin?

“How can I forget you? You’re my first,” malambing niyang turan na ikinatigil ko.

“Hindi ka galit sa akin?” paniniguro ko. Sinilip ko ang mukha nito nang tangkain nitong umiwas ng tingin.

“Hindi ako nagalit kailanman sa iyo. I was actually mad with myself for letting you feel that way, and with my Mom who hurt you.”

Marahan akong tumango habang nakatingala rito. Nakababa na rin ang tingin nito sa akin na naghihintay ng reaksiyon mula sa akin.

Alanganin akong ngumiti rito nang maalala ang eksena sa hospital noon.
“Hindi ka ba talaga galit sa akin dahil napahamak ka noon?” paniniguro ko pa.

“No, it’s actually my fault. Kasalanan ko naman kung bakit ako na-hospital. Matigas ang ulo ko, right?”

Tango ang itinugon ko.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon