Kabanata 4

1K 45 7
                                    

Veronica

Parang hindi na maganda ang mood ni Gab nang magpatuloy kami sa paglalakad. Ito na ang nagbitbit ng lechon manok habang mabagal ang bawat lakad.

Napakamot tuloy ako ng sentido. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin dahil parang ang awkward.

Akala ko ay hindi na ito iimik pa kaya nang magsalita ito ay napalingon ako rito.

“May mga nanliligaw na ba sa iyo?”

Umalsa bigla ang mga kilay ko. “Oo, pero hindi ko ine-entertain kasi ayoko mabuntis nang maaga kapag sinagot ko at naging boyfriend. Baka itakwil ako ng tatay ko at mga kuya.”

Muli itong huminto nang may madaanan kaming bentahan ng doughnut at drinks. Inaya niya ako roon kaya napasunod naman ako.

“May mga kuya ka nga pala. Ano ang mga pangalan nila?” aniya habang namimili ng bibilhin. “Pili ka ng sa iyo. Anything you want.”

Shems! Puro libre na ako ngayong araw, ha! Baka puwedeng sagarin na niya pati agahan ko!

Matapos kong makapili ng doughnut at milktea ay nilingon ko na ito. “Oo, may mga kapatid pa ako. Actually, kambal iyon sila. Sina Damian at Damien.” Ibinaling ko rin sa harapan ang tingin nang mapansin na naman ang malalalim na tingin ng lalaki.

Tumango-tango ito. “Saan ka ba banda nakatira?”

Hilaw akong natawa sabay kamot ng ulo. Ayoko sanang sabihin pero dahil ilang beses na niya akong nilibre, go lang. “Doon sa may ano, sa may pinamumugaran ng mga gangster. Basta malapit lang ang bahay namin banda sa punerarya. Ilang bahay lang bago mo makita iyong may bakuran na kawayan, tapos ang pinto namin ay may nakasulat na Montehermoso Fam.”

Natigilan ito at bumakas ang pag-aalala sa mga mata. “I heard about that place before. May mga gangster nga raw at madalas nag-aaway ang mga iyon, nagpapatayan. It’s a dangerous place, Veronica.”

Sinundan ko ang pagdukot nito ng pera sa wallet at inabot iyon sa tindera. Pagkatanggap ng sukli ay nagpasalamat pa ito sa tindera bago ako yayain paalis.

“Oo, delikado nga roon. Iyong ibang kapitbahay namin, katropa ni Papa. May mga barumbado, may bagong laya sa kulungan, at iyong mga bayolenteng tao. Sila ang mga nakakaaway ng Tropang Macho mula sa kabilang baryo. Marami nang namatay dahil sa away ng mga iyan.”

“Hindi ka ba napapahamak doon?”

Marahas akong umiling sabay buntong hininga. “Hindi naman. Hindi naman ako nakikisali sa mga gang-gang na iyan. At saka tropa ni Papa at ng mga kapatid ko ang Tropang Adonis, malapit ako sa mga taong iyon kasi mula pagkabata ko ay kilala ko na sila. Mababait naman ang mga iyon sa amin. At saka hindi sila ang nag-uumpisa ng away. Iyong Tropang Macho lang naman ang nag-uumpisa kasi dumadayo sa amin para mambato ng mga bote at kung ano-ano pa,” kuwento ko pa.

Pumasok kami sa loob ng park na nadaanan namin at naghanap ng puwesto. Sa ilalim ng puno kami naupo na may upuan na sementado. Inabot naman nito sa akin ang paperbag ng doughnuts at inumin kaya nagpasalamat ako.

“Pinsan mo si Thylane?” mayamaya ay tanong nito.

Marahan kong kinagat ang doughnut at saka tumango rito. “Oo, tatay ko at tatay niya ay magkapatid. Bakit? Magkakilala kayo?”

“Ah, no. Kilala ko lang siya kasi anak ng gobernadora. Akala ko nga noong una ay kambal kayo.”

“Ha? Ang layo naman ng mukha ko roon. Pero sabagay, same lang kami na maganda.” Natawa kami pareho sa sinabi ko.

“Parehas kasi kayo ng middle name at last name, kaya akala ko magkapatid kayo,” aniya kaya sandali akong natahimik.

Tinanaw ko ang mga puno sa kalayuan at sumimsim sa inumin. Iyon din ang inaakala ng iba sa amin ng mga pinsan ko na sina Thylane at Zach Martin lalo na at parehas lang kami ng school na pinapasukan. Akala nila magkakapatid kami dahil bukod sa mukha raw kaming mestisa’t mestiso, parehas pa ng middle name at last name.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon