Kabanata 26

1.1K 46 9
                                    

Veronica

“Nica Tisay!”

May pumukaw sa akin na ikinalingon ko. Isang tumatakbong Elson ang nakita ko, hinahabol ang limang taong gulang na anak na tumatakbo papunta sa direksiyon namin.

Napahagikgik tuloy ako. Ang tangkad talaga ni Elson. Tall, dark, and kind talaga.

“Musta na?! Parang hindi nanganak, a!” maligalig na anito na ikinangisi ko lang.

“Ganiyan talaga kapag mapera at spoiled ng asawa!” ganting pagyayabang ko na ikinahalakhak nito.

Pagtapat nito sa akin ay parang hindi pa ito makapaniwala. Kumikislap ang mga mata nito sa tuwa dahil ngayon lang din kami nagkita matapos ang isang taon. Kada bisita ko kasi rito simula nang mapunta ako sa puder ni Gabriel ay hindi ko na ito natitiyempuhan.

Pamilyado na rin ito at nauna pa sa akin. Maagang natali sa babaeng nadisgrasya niya.

“Gagi, napakasuwerte ni Gabriel sa iyo. Suwerte mo rin sa kaniya. Halatang alagang-alaga ka niya, a,” komento nito at binuhat ang anak para ipakita sa akin. “Anak ko, Nica,” anito na ikinangiti ko.

Kamukha niya kasi, pati ang kulay.

“Hi, liit. Baka mas matangkad ka pa kaysa sa tatay mo paglaki mo, a.” Hinaplos ko ang ulo nito bago balingan ang tatay at ngumisi.

“So, kumusta ka na, Nica? Parang wala ka talagang ipinagbago, a. Parang hindi tuloy ako makapaniwala. Iba talaga magmahal ang isang Gabriel Marquez,” anito pa na ikinahagikgik ko.

Tuwang-tuwa naman si Kimmy buntis sa tabi ko habang kumakain.

“Okay na okay ako, boy. Basta, happy ako sa bisig ng aking sweetypie sugar plum-plum plok-plok!”

Dagliang nahigit ni Kimmy ang dulo ng buhok ko kaya napasimangot ako. “Gaga!”

Pero biglang tumigil ang mundo ko at nabitiwan ang iniinom na softdrinks. Biglang hindi ko maramdaman ang tibok ng puso ko, at nahirapan akong huminga.

Natulala ako sa mga pamilyar na mukha na kay tagal ko nang hindi nasisilayan.

Nanlabo ang mga mata ko nang samu’t saring emosiyon ang lumukob sa akin.

“H-Hala!” bulalas ni Kimmy na windang na windang.

Sunod kong nakita ang sarili na naglakad-takbo papunta sa mga kapatid ko na feeling artista sa daan. Ang lahat ng nakakasalubong ng mga ito ay tuwang-tuwa sa pagbabalik nila rito sa lugar namin.

“K-Kuya!” palahaw ko at agad na sinugod ang mga ito ng yakap.

Nakalaya na pala sila! Hindi man lang nagsabi!

Umiiyak na pinalo ko ang dibdib ni Kuya Damian habang masamang nakatingin sa mga ito.

“M-Mga walang hiya kayo! Iniwan ninyo ako rito!” sumbat ko at napahagulgol na.

Kay tagal kong hinintay ang araw na ito. Ang makita silang muli. Gusto kong sabunutan ang mga ito dahil sa sobrang gigil na naipon nang ilang taon.

Dahil sa ilegal na pinasok nilang trabaho noon, nakulong sila! Ilang litro ba ng luha ang nailuha ko noong malaman kong nakulong sila? Gaano ba ako napagod sa pagwawala dahil hindi ko matanggap ang sinapit nila? At wala akong magawa dahil alam kong mali rin ang ginawa nilang desisyon!

“Oi, oi. Napakaiyakin ni Maria. Pangit mo umiyak,” pang-aasar sa akin ni Kuya Damien na ikinasinghot ko.

Hinila ako nito pauwi kaya nagpaalam ako sa mga kausap kanina. Pag-uwi namin sa bahay ay hindi na ako mapakali.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon