Kabanata 25

1.1K 43 25
                                    

Veronica

“Gab,” tawag sa kaniya ni Boss Ruel nang makaalis ang mga tao. Sa akin nakadapo ang tingin nito na para bang nagtataka kung bakit kasama ako ng dear brother niya.

Ramdam ko naman na ayaw niya rin sa akin, pero hindi naman ito katulad ng mga babae sa pamilya nila na kulang na lang ay saksakin ako sa sobrang pagkaayaw sa akin.

Pero sa ayaw at sa gusto niya, magiging brother-in-law ko siya sa susunod.

Papatayin ko sila sa asar dahil huhuthutan ko ang kapatid nila.

“Kuya,” anang Gabriel at hinila ako paupo sa sofa na naroon.

Umalis naman sa counter ang kapatid niya at lumapit sa amin na ikinatikhim ko. Sandaling napatitig sa akin si Ruel, bago tawagin ang asawa nito na nasa loob pala ng isang room.

Kung gayon, dalawa pala silang nagtatrabaho rito.

Nang lumabas si Jelyn ay agad na tumama ang tingin nito sa akin na ikinasalubong ng mga kilay nito. Inalis nito ang mask bago maupo sa tapat ko. Kasunod nito si Gianna na napanganga pa.

Psh. Chaka pa rin.

“Gabriel, what’s this?” Natawa nang bahagya si Gianna na tila ba hindi makapaniwala sa presensiya ko. “Is she the reason you suddenly want to take a week off?”

Napa-flip hair ako sa narinig sabay ayos ng upo.

“Yes, and I’m getting married next week.”

Sapat na iyon para gumuho ang mundo ng mga basher ko.

“W-What?” Hindi na makangiti si Gianna sa mga oras na iyon. “You’re just joking, Gabriel, right?”

Humigpit ang pagkakapulupot ng braso nito sa baywang ko, tuloy ay napadikit ako lalo rito. 

“No, Ate. I’m serious here.”

Doon na tumalim ang tingin ng kapatid nitong babae, pati na ni Jelyn. Parang mananakal na ang dalawang babae, at ako ang gusto nilang patumbahin.

Humalukipkip tuloy ako at umangat ang ibabang labi. Ah, nakakatuwa talaga ang mga nanggagalaiti nilang mukha.

“Your life was already ruined by that witch, and now you’re repeating that mistake?” hindi makapaniwalang anito na ikinanguso ko.

“Yeah,” balewalang sagot ng katabi ko na ikinaawang ng bibig ng ate niya. “Anyways, I just wanted to let you know. No need for your approval.”

Umiwas lang ako ng tingin at tumikhim. Pero nang mapasulyap ako sa mga kaharap ay nasa akin na ang lahat ng atensiyon nila.

Halatang-halata ko ang disappointment sa mukha ni Ruel na ikinanguso ko lalo.

“Are you really that stupid in love, Gabriel?” Namumula na ang mukha ng babae sa sobrang galit. “Ipagpapalit mo ang lahat sa buhay mo para lang sa bitch na ’yan?”

Napantig pareho ang tainga namin ni Gabriel doon, pero mas nag-init ang ulo ko rito. Ako? Bitch?

Tinaasan ko ito ng kilay habang pinakukulo pa ang dugo. Kaunti pa, masasakal ko na ito.

“Hoy! Tadyakan ko kaya ’yang dede m—”

Napahinto ako nang takpan ni Gabriel ang bibig ko. Inis ko itong tiningnan bago tabigin ang kamay nito.

Akala ko ba, may basbas na ako para awayin ang kapatid niya?

“She really looks like she’s going to drain your wealth, Gabriel. Why her? Ang dami-dami namang babae sa mundo,” komento ni Jelyn na napapailing na sa pagkadismaya.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon