CHAPTER 2
Gagita ka talaga, self! Nakita mo ba ginawa mo kay Chad? Mygosh! Sumisid ka lang naman sa dibdib niya!
“Lumulutang na naman ang utak mo, Ms. Felicity?” Masamang titig ang natanggap ko sa kaniya.
Ngumiwi ako, parang hindi naman ako minahal nito emz. Charot! Charot lang!
“Ayusin mo ‘to.” Halos lumuwa ang mata ko at hindi makapaniwala sa mga papeles at folders na nasa harap ko.
“Kailangan around 5 pm tapos na ‘yan.” Umupo siya doon malapit sa table niya at iniwan akong nakatunganga.
“YES, SIR. CHADWICK.” Umangat siya ng tingin at umigting ang panga niya.
Gumaganern na siya, mga sis.
“Galit ka ba?” Mabilis akong umiling at ginawa na ang mga pinapagawa niya.
Hindi ko napansin na tapos ko na pala ang pinapagawa ng boss ko. Tumingin ako sa gawi niya na ngayon ay may kausap sa telephone. Kung tatanungin niyo kung bakit kami naghiwalay noon, aba, isa lang ang sagot: ako ang nang-iwan sa amin dalawa. Siguro, about four years ago na rin kaming hiwalay. Actually, hindi ko naman gusto na maghiwalay kami; sobrang mahal ko si Chad noon.
I mean, alam mo ‘yon, pareho kaming nag-aaral pa noon sa college. Ang daming nagkakagusto kay Chad noon, pero ako ‘yong pinili niyang ligawan. Wala akong ideya na mayaman si Chad noon kasi pareho kaming nasa public school. Sa pagkakatanda ko pa, scholar siya sa school namin. Kaya sobrang nagulat ako noon, nang ipakilala niya ako sa parents niya. That time, wala akong nakitang kapatid niya kasi parents niya lang ang na-meet ko. Hindi ko alam kung may kapatid nga ba talaga si Chad.
Of course, nag-ayos ako noon bago ko makilala ang parents ni Chad. Kaso, alam mo ‘yon, nang makita ko sila sa restaurant, gusto kong umatras. Sobrang nakakaliit sa sarili ang mga titig nila. Kaya noong umalis si Chad sa restaurant, nagulat ako nang sinabihan ako ng magulang niya na hiwalayan ko ang anak nila. Parang nasa palabas lang, ano?
Sinabihan nila ako na mayaman si Chad at hindi nababagay sa akin. Nasaktan ako syempre; ayoko sanang hiwalayan si Chad noon. Kaso iba pala talaga galawan ng mga mayayaman. Hindi ko raw na makikita si Chad at sisirain nila ang pamilya ko kung hindi ko hihiwalayan ang anak nila.
Tanda ko pa na September kami naghiwalay noon, halos gumuho ang mundo namin pareho. Naalala ko pa nung humahakbang ako papalayo, rinig na rinig ko ang sinabi ni Chad na hanggang ngayon, naguguilty pa rin ako sa ginawa ko. Sabi ni Chad noon, “Sabihin mo lang na mahal mo ako, iiwan ko ang buhay na meron ako sa pamilya ko. Magsisikap akong mag-isa kung sila ang dahilan kung bakit mo ako iiwan. J-Just please, don’t fckin’ leave me.”
Umiiyak ako noon habang humahakbang papalayo; hindi ko sinagot ang gusto niyang marinig galing sa akin. Natatandaan ko pa na niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya. Umiiyak siya, pareho kaming umiiyak, pero hindi ko kaya na guluhin ng magulang niya ang pamilya ko. Kaya nagmatigas ako noon at iniwan ko siya.
After four years, hindi ko rin aakalain na magkikita kami—at ang nakakainis pa, boss ko siya. Feeling ko, karma ko na ito dahil sa ginawa ko sa kanya.
Naduwag akong ipaglaban siya noon.
“Stop daydreaming.”
“A-ARAY NAMAN!” Masama niya akong tinitigan habang hinahaplos ko ang noo ko.
May boss ba na pumipitik ng noo ng secretary niya? Antipatiko talaga itong kup4l na ‘to!
“Tang4, gumawa ka riyan. Kanina pa kita sinasabihan na gawan mo ‘yan ng soft copy. Kung ano-ano kasi iniisip mo.” Dabog siyang umupo, na ikinangiwi ko.
Grabe ang init naman ng ulo niya.
Habang binabasa ko ang papeles, hindi ko talaga maiwasan na ngumiti. Ang dami na talagang achievements ni Chad.
Pero napawi ang ngiti ko nang magsalita siya.
“Bilisan mo riyan at pupunta tayo sa office ko.”
“Hindi ba office mo na ‘to?” Mabilis niyang hinampas ang lamesa dahil sa katang4han ko.
“Tang4.”
Kaya natatawa akong tumakbo papalabas ng office niya rito sa bahay at nagmamadaling nag-asikaso. Narinig ko ang ilang beses niyang pagkatok sa kwarto ko at sinabihan ako na bilisan ko raw.
Nang lumabas ako ng kwarto, wala na siya ro’n, pero may nakita akong apat na lalaki sa sala. Halos mahimatay ako nang sabay-sabay silang lumingon. Sino itong mga kutong lupa na ito? Nakita ko rin ‘yong playboy na nakaupo sa sofa. Umiwas ako ng tingin at lumabas na sa gate.
“Let’s go.” Hindi ko maiwasang humagikhik nang buksan niya ang pinto ng kotse niya.
Tahimik siyang nagdrive at ako naman ay sinasabayan ang kanta sa radio ng sasakyan niya.
“Tonight I’ve fallen and I can’t get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are
Holdin’ you, holdin’ you, holdin’ you tonight”
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim.
“You’re so loud, Ms. Felicity.” Tinignan ko siya at ngumiti. Nakita ko kung paano sumama ang titig niya sa akin.
Namilog ang mata ko at dinikit ko ang mukha ko sa window ng car.
“Office mo ito?”
“Yes.”
Pareho kaming bumaba sa sasakyan. Napansin ko na hindi siya nakasuot ng office coat.
“Bakit hindi ka nakasuot ng office coat? Hindi ba bawal ‘yan?” Napalunok ako sa masamang titig niya.
“Ako ang boss dito.”
Syempre dahil engot ako at nakalimutan ko na nakasuot ako ng heels, binilisan kong maglakad—dahilan para mawalan ako ng balanse. Alam kong tatama ang pwet ko sa sahig kaya mabilis akong pumikit.
“Ha? Bakit hindi tumama ang pwetan ko sa sahig?” Dinilat ko ang mata ko at halos mamula ako sa nangyari.
Ehe, sinalo pala ako ni Chad. Halos magkatitigan kaming dalawa at nakita ko kung paano titigan ni Chad ang labi ko. Omg? Kissable ba si Chad?
Hahalikan niya ba ako? Pumikit ako at ngumuso. At nagulat ako nang bitawan niya ako, dahilan para bumagsak ako sa sahig.
“ARAY! ANG SAKIT NO’N AH!” Tinignan niya ako at halos mamat4y ako sa titig niya.
“What the fck are you doin’?” Inayos ko ang sarili ko.
“Akala ko hahalikan mo ako eh, ready naman ako.”
Mabilis na umasim ang mukha niya sa sagot ko.
“What the fck?” Malapad akong ngumiti.
Joke lang—baka sabihin niyo ang landi ko, pero what if, ‘di ba?
Nabigla ako nang hatakin niya ang kamay ko at naglakad siya nang mabilis.
“HOY! TEKA NGA!”
Binitawan niya ang kamay ko at huminto kami sa CEO office.
“Fix your hair, para kang nakipag-away sa kanto.” Inirapan ko siya.
Umamin nga siya sa akin. Secretary ba ang trabaho ko rito o para insultuhin niya lang ang kagag4han ko?
Inayos ko ang buhok ko at huminga nang malalim. Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti ng konti. Yes, sobrang konti!
“Introduce yourself professionally. You’ll be meeting my parents inside my office, and they’d like to meet my secretary.”
A-Ano?
Itutuloy…
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
