CHAPTER 24
Tulala ako habang nasa sasakyan ni Gavin. Halos hindi ko kinaya ang mga nalaman ko sa mansyon kanina. Para akong dinudurog sa tuwing naiisip ko kung bakit hanggang ngayon ay pilit kaming pinaghihiwalay ng mga taong nasa paligid namin.
Tinignan ko si Gavin na may kausap sa cellphone habang nasa labas ng sasakyan. Nakita niya yatang nakatingin ako sa kaniya kaya pumasok siya sa sasakyan.
“Settled na lahat, you don’t need to worry about him and his wife.”
Niyakap ko si Gavin at nagpasalamat sa kaniya.
“Salamat, para ka talagang savior.” Tumawa siya at nagsimula nang magmaneho.
“Actually, I am not. Tinutulungan lang kita.”
Sinandal ko ang ulo ko sa headrest at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ang lalim ng mga iniisip ko. Kahit wala naman talagang pumapasok sa isip ko, para lang akong lutang, nakatulala sa kawalan. Wala rin katanungan ang naiisip ko dahil halos lahat naman ay nasagot na. Pumapasok lang sa isip ko ay ang mga sinabi ni Chad kanina.
Huminga ulit ako nang malalim habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Gavin.
Naramdaman ko na lumuwag na rin ang mabigat na nararamdaman ko. Kahit masakit, tinanggap ko na ang katotohanan: kahit kailan ay hindi na magiging kami ni Chad. Ayoko rin naman maging kabit; hindi ko pinangarap sa buhay ko ang manghimasok sa buhay mag-asawa.
“Gavin, magkano nga pala ang utang ng magulang ni Chad sa pamilya ni Zayell?”
Matagal bago nakasagot si Gavin.
“Three million.”
Para akong nabilaukan sa sarili kong laway.
“ANO?! MAY PERA KA BANG GANIYAN KALAKI?!”
Natawa si Gavin sa reaksyon ko.
“Yes.”
Kumurap ako at tumingin ulit kay Gavin. Kung iisipin, mayaman talaga siya. Bakit ba ako nagtataka sa mokong na ito?
“Alam mo? Tanggap ko na lahat. Lalo na sa part na hindi na talaga magiging kami ni Chad.”
Hindi ako umiyak. Tumingin ako kay Gavin, na diretso lang ang mata sa kalsada.
“I’m so happy for you, woman.”
Huminto ang sasakyan at hindi ko napansin na nasa condo na pala kami ni Gavin. Mabilis akong lumabas sa sasakyan at gano’n din si Gavin. Sabay kaming pumasok sa loob ng building at tahimik akong sumusunod sa kaniya.
“Do you want to eat?” Mabilis akong umiling at pabagsak na hiniga ang sarili ko sa sofa.
“Grabe! Nakakapagod!” sigaw ko dahilan para tignan niya ako at ngumiti.
Napansin ko na biglang nawala si Gavin sa harap ko at narinig ko na may kausap siya sa cellphone habang nasa balcony.
“Yes, I hope everything is going well with you.”
Nakita ko na naman ang mga ngiti ni Gavin na palaging umaabot sa mga mata niya habang may kausap siya sa kabilang linya.
“Yes, she’s fine. Settled naman na lahat. Ako na lang mismo pupunta sa office niya bukas.”
Pinikit ko ang dalawang mata ko dahil nakaramdam na ako ng antok. Biglang napadilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may bumuhat sa akin.
Pareho kaming natigilan nang makita kong buhat-buhat niya ako. Napalunok ako nang dahan-dahan niya akong ilapag sa kama.
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
