CHAPTER 23
Nakita kong tumango si Gavin at ngumiti sa akin. Mabilis akong lumabas ng sasakyan.
“Kung mahal mo, ipaglaban mo. I know how much you love Chad. I can see it through your eyes.”
Natigilan ako at lumingon kay Gavin na nasa labas na rin ng sasakyan niya.
Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Mabilis akong tumango at patakbong pumasok sa gate nila Chad. Nakita ko sina Charles na pilit nilalaro si Charlie na tulala sa gilid.
“Charlie!”
Nakita kong ilang beses kumura si Charlie bago lumingon sa gawi ko.
Mabilis itong tumakbo sa akin at niyakap ako. Pumantay ako kay Charlie at tiningnan siya sa mata.
“Mommy!”
Mabilis kong pinahid ang luha nito at pilit na ngumiti.
“Namiss kita. Kumusta na kayo?”
Nakita ko kung paano pumantay sila Charles sa akin.
“Babalik ka ba?”
Natigilan ako sa tanong ni Charles.
“We are waiting for you to come back.”
Pumikit ako nang mariin at tiningnan sila. Mabilis kong tinuro si Charlie na paalisin muna kasi baka marinig niya ang pag-uusapan namin. Mabilis na tumayo ang kambal at nilibang si Charlie.
“Charles, hindi ako ang mahal ng kuya mo. Ilang beses na akong naghabol sa kaniya, katulad kahapon. Lumuhod ako sa harap niya, pero wala… ginamit niya lang daw ako.”
Ilang beses kumurap si Charles sa narinig niya, parang hindi makapaniwala.
“You must be joking,” sabi niya, halatang hindi makapaniwala.
Pilit akong ngumiti at umiling.
“Nandito ako para magpaalam nang maayos sa inyo. Gusto ko sanang makausap ang kuya mo sa huling pagkakataon.”
Nagulat ako nang yakapin ako ni Charles.
“Kung ’yan ang desisyon mo, hahayaan ka namin, ate.”
Napangiti ako nang tawagin niya akong “ate.”
“Sana, dalawin mo pa rin si Charlie. Ikaw palagi ang hinahanap niya. Akala namin hindi na siya magsasalita ulit. Noong nakita ka niya sa office ni kuya, nagsimula na siyang magsalita ulit.”
Mabilis niya akong sinamahan sa loob ng bahay. Naabutan ko si Jhenina na inaayos ang mga gamit sa sala, dahilan para kumunot ang noo ko.
“Charles, ikaw pala… pumasok na kayo rito. Nagluto ako ng masarap na ulam para sa inyong lima.”
“Sure, hintayin mo na lang kami, Zayell.”
Mabilis akong lumingon sa pangalang binanggit ni Charles.
“Anyways, nandito si ate Felicity. Gusto niya raw kausapin si kuya Chad.”
Lumingon sa akin si Jhenina.
Mabilis akong natigilan nang tumango ito at ngumiti.
“H-Ha? Ano ba’ng nangyayari rito?”
“Sigurado ka, Jhenina?” tanong ko.
Mabilis siyang tumawa.
“Jhenina is not my real name. Zayell C. Liu is my real name.”
Gulat akong lumingon sa babaeng kaharap ko. ANO RAW?!
Tinuro niya ang hagdan at mabilis na tumango sa akin. Humakbang na ako papunta sa hagdan at hinayaan ako ni Charles. Nagulat ako nang sabayan ako ni Jhenina—este, si Zayell—at mabilis na kumapit sa braso ko.
“Tulungan mo kami, please.”
Mabilis akong natigilan sa narinig ko at nakita kung paano mangilid ang luha niya.
“J-Jhenina?”
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
