Chapter 9

164 4 0
                                        

CHAPTER 9:

Nakaramdam ako ng init mula sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto. Kaya dinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita si Chadwick na tulog nang tulog. Pero namilog ang mga mata ko sa posisyon naming dalawa. Nasa ibabaw pa rin ako ni Chadwick at yakap-yakap niya ako. Mabilis na nag-init ang mukha ko sa sitwasyong iyon dahil sa hiya. Kaya sinubukan kong alisin ang dalawang kamay niya na nakapalibot sa bewang ko.

Isa...

Dalawa...

Tatlo!

Yes! Naalis ko ang kamay niya sa bewang ko! Mabilis akong bumangon at dahan-dahang bumaba sa kama. Hindi pa ako nakakahakbang pababa nang mabilis niya akong hinila, dahilan para bumalik ako sa posisyon ko sa ibabaw niya.

"Chadwick!" Nakapikit ang mga singkit niyang mata.

Mabilis niyang pinalupot ang mga braso niya sa bewang ko.

"Dito ka lang," paos niyang sabi.

Mabilis kong naamoy ang hininga niya. Bigla akong nahiya sa sarili ko, feeling ko amoy tae ang sa akin. Nakakahiya ang amoy ng hininga ko, habang amoy menthol naman ang sa kanya.

"Malalate ako sa trabaho!" Dinilat niya ang mga mata at tumitig sa akin.

"What's the rush? You're my wife. Work can wait."

Iniripan ko siya.

"Ikaw? Hindi ka ba papasok?" Umiling siya, ikinagulat ko.

"I know what you're thinking. I run my own company. Why would I even worry about going to work? My office is right here."

Akmang tatayo na ako nang higpitan niya ang hawak sa bewang ko.

"Chadwick!" Umiling siya.

"That's not my name, wife." Tinignan niya ang kabuoan ng mukha ko.

Ngumiwi ako, parang tinitignan niya ang kaluluwa ko.

"Tell me, how much do you love me after leaving me four years ago? Or better, tell me how much you love me now." Hinaplos niya ang buhok ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa tanong niya. Hindi ako nakasagot at napalunok sa bigat ng tanong.

"Because if you're going to ask me how much I loved you before and now, I don't think I can describe it. You turned my world upside down; you taught me so many things; you made me the happiest man. I can't even put into words how much I love you. It's... more than that."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano bang pinakain ko rito at bakit ganoon siya?

"More than everything I own and everything I treasure right now."

Tinignan niya ako sa mata. Para akong nalulunod sa titig niya.

"Bakit ka ganoon?" tanong ko, naguguluhan at nagtataka.

He cupped my cheeks.

"I just want you to know exactly how I feel. Right now, this moment... it's all real." Hinaplos ko ang pisngi niya at pinagdikit ang tungki ng ilong namin.

Mariin akong pumikit at dahan-dahang pumapatak ang mga luha ko na matagal ko nang pinipigilan. Guilty ako-hanggang ngayon, hindi ko nagawang ipaglaban si Chad, at ngayon natatakot pa rin ako.

He kissed my tears away.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa bintana ng kwarto ni Chad. Ilang beses akong naguguluhan sa nararamdaman ko.

Mahal ko pa ba siya? O mahal ko lang siya kasi mahal niya pa ako hanggang ngayon?

Umiwas ako ng tingin nang makita ang apat na naglalaro sa garden. Nabigla ako nang may yumakap sa akin mula sa likod.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon