Chapter 8

160 5 0
                                        

CHAPTER 8

Humiga ako sa kama ko at hindi mapakaling tumingin sa kisame. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napaisip ako kung tama ba ang desisyon ko kahapon sa sinabi ni Chad. Masyadong mabilis ang pangyayari, pero siyempre, nagsabi ako ng “oo.” Sino ba ako para tanggihan si Chad Louis A. Rivera? Ang iniisip ko lang ay kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko sa mga pinaggagawa ko.

Tumingin ako kay Chad na busy sa laptop niya. Narinig ko ang malalim niyang paghinga habang tinitipa sa keyboard. Hanggang sa may malakas na kumatok sa pinto, dahilan para lumingon kami.

“KUYA! KUYA!”

Mabilis na tumayo si Chad at galit na binuksan ang pintuan.

“What the fck?!”

Nakita ko ang tatlong kumag na nakatayo sa pintuan. Pareho silang taranta at lumingon sa akin at kay Chad. Nagulat ako nang makita kong umiiyak sina Chase at Chasen. Iba rin ang aura ni Charlie.

“What the hell is this all about?! Bakit ganoon ang itsura niyo?”

Hindi ko alam, pero kinakabahan ako sa mga titig nila sa akin at kay Chad.

“K-Kuya, Charlie was m-missing. Wala siya sa playground ng school nila. Wala rin nakakita kung lumabas siya ng school.”

Pareho kaming natigilan at nagulat ako nang mabilis na lumabas si Chad sa kwarto. Sumunod ako nang mabilis. Narinig ko ang yabag ng tatlo na sumunod sa amin.

“Fck!” Dabog na pumasok si Chad sa kotse at mabilis akong sumakay.

“Magreport kayo sa police station,” malamig na sabi ni Chad sa mga kapatid niya.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan at hindi na hinintay ang sagot ng tatlo.

“I’ll ki11 myself if something bad happens to Charlie.”

Nakita ko ang panginginig ni Chad habang nagmamaneho.

“Where the fck are you, Charlie?”

Mabilis akong nangilid ang luha nang makita kong pumatak ang mga luha ni Chad. Isang malakas na preno ang ginawa niya, muntik na akong tumalsik sa upuan.

“D4MN IT!” Hinawakan ko ang braso niya.

Nawala ang kayabangan, ngisi, at masamang titig niya. Para siyang tatay na umiiyak ngayon dahil nawawala ang anak niya.

“H-Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. I do not fcking know!” Hinampas niya ang manibela.

Mabilis ko siyang niyakap.

“Mahahanap din natin si Charlie.”

Umangat ng tingin si Chad, at mabilis kong pinahid ang mga luha niya.

Nilibot namin ang mga lugar na pwedeng puntahan ni Charlie—simula sa labas ng school at mga kalapit na lugar—pero wala.

Tumawag na rin si Charles, na hindi raw talaga nila mahanap si Charlie at nagreport na sila sa police. Hanggang sa naalala ko na may school ID si Charlie.

“I think tatawag ang taong makakapulot sa kaniya since may contact number doon sa ID niya.”

Pumikit nang mariin si Chad. Ilang minuto kaming walang kibo hanggang sa may tumawag sa cellphone niya.

“Hello? Who the fck is this?” Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Chad nang sumagot ang nasa kabilang linya.

“I’m with my wife,” kalmadong sagot ni Chad.

“Yes, thank you. Please wait for us.”

Mabilis na pinaandar ni Chad ang sasakyan.

“Nasa mall daw si Charlie.” Ngumiti ako at hindi kumibo.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon