CHAPTER 17
Naglalakad ako paalis sa mansyon, alam kong pilit akong hinahabol ni Charlie kanina pero hindi ako lumilingon.
Tumulo ang luha ko nang maalala ko kung paano umiyak at maghabol si Charlie sa akin, pero hindi ko nagawang lumingon sa kaniya.
Hanggang sa makalabas ako tuluyan sa gate ng mansyon. Nakita ko pa kung paano tumitig sa akin ang guard na nasa gate. Hindi ko na lang pinansin.
Natigilan ako maglakad nang maalala ko na hindi ako pwedeng umuwi sa amin. Malilintikan ako kapag bumalik ako sa kanila.
Napalunok ako nang makita ko na madilim na sa daan. Umupo ako sa waiting shed at sumandal sa upuan. Pagod na akong maglakad. Tinitigan ko ang langit na kitang-kita ang mga tala na kumikinang.
Bigla akong tinamaan ng kadramahan ko at talagang umiyak na naman ako.
BADTRIP! AYOKO NANG GANITO!
Imbis na makaramdam ako ng takot dahil walang dumadaan na jeep dito sa kalsada, mas gusto ko pa na mag-isa na lang muna.
Natigilan ako sa pag-iyak nang may lalaking umupo sa kabilang upuan sa waiting shed. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Aba, nasasaktan ako. Wala na akong pakialam kung ano iisipin niya.
Hindi na ako nagulat nang malakas na umulan. Niyakap ko ang dala kong maleta at patuloy na umiiyak. Feeling ko nabasa na talaga ang mga gamit ko sa loob.
Akala ko sa drama lang nangyayari ang ganito. Pero sa totoong buhay rin pala. Grabe, ang sakit lang sa part ko na kung ano-ano ang sinasabi niya sa akin.
Hayop ka talaga, Chadwick. Ang sakit mo sobra.
“Alam mo, iniwan ako ng asawa ko,” mapaklang sabi ko.
Naramdaman ko na tumingin siya sa gawi ko.
“Pinagbintangan pa naman ako na magnanakaw at malandi raw ako,” piyok na sabi ko.
“A-Ang sakit lang, hindi niya ako pinakinggan. M-Mas pinakinggan niya ang magulang niya. Kung sa bagay, magulang niya 'yon eh. Sino ba naman ako, hindi ba?”
Hindi ko pa rin tinatapunan ng tingin ang lalaki. Nakakahiya pero gusto ko talagang magsabi ng sama ng loob.
“May picture pa na nakikipags3x daw ako kuno, tapos picture na nagnakaw ako sa kumpanya niya. Ang kapal ng mukha nila.” Hinawakan ko ang dibdib ko.
“S-Sakit, ngayon hindi ko alam kung saan ako pupunta. A-Ayokong umuwi sa amin dahil ang alam nila mama na asawa ko na siya.”
Lumingon ako sa kalsada.
“Isa pang jeep 'yan, hayop na jeep yan. Wala man lang dumadaan, sumasabay pa sa nararamdaman ko pati 'yang ulan.”
“Sige, stranger. Salamat ah, pinagaan mo loob ko. Aalis na ako kahit malakas ang ulan. Hindi naman siguro mababasa ang gamit ko.” Tumayo na ako at naramdaman ko na sinundan niya ako ng tingin.
Nagsimula na akong maglakad kahit umuulan at nabigla ako nang may humawak sa akin sa bandang braso.
“You can stay at my condo.”
Doon ko na sinimulan tingnan ang lalaki. Napaiwas ako ng tingin. Teka, ang gwapo nitong nilalang na ito.
Biglang dumaloy ang kalandian ko sa katawan. Sa tingin ba niya si Chad? Magpapakatanga ako sa kaniya? Hello? Umasa siya.
“H-Ha?”
Inabot niya sa akin ang suot niyang jacket. Pareho na kaming basa sa ulan.
“Come with me.”
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
