CHAPTER 11:
Dumating kami sa office at nagulat ako nang yumakap sa akin si Jenny.
“Omg! Dito na ako magtatrabaho! Palagi ko nang makikita si Ian, my love!” Ngumiwi ako, pero mabilis kong sinundan ng tawa ang ngiwi ko.
“Ano bang meron kay Ian? Gustong-gusto mo siya?” Mabilis na kuminang ang mata niya sa tanong ko.
“Eh kasi! Hihihihi! Noong high school kami, talagang deds na deds ako kay Ian. Ang talino niya kaya! Tapos sinayaw niya ako noong JS prom! Tapos noong college, sinundan ko siya. Hays, nagkaroon siya ng girlfriend. Pero now na single siya? HAHAHAHA! Kukulitin ko siya hanggang sa mabadtrip siya sa akin!” Mabilis ko siyang binatukan. Lokaret ’tong gag4ng ito.
Napansin kong mabilis na nawala si Jenny sa tabi ko, at syempre hindi ako nagtaka—hinahabol niya si Ian. Napailing ako. Kung ako naman kay Jenny, hindi ko na ipipilit ang sarili ko kay Ian. Marami namang iba riyan na siguradong makikita ang halaga niya.
“Hello, baby!” Mabilis akong napalingon sa gilid ko at may kumag na umakbay sa akin.
“Ngayon lang kita nakita rito, anong trabaho mo? Gusto mo ba maging girlfriend ko na lang?” Mabilis kong tinanggal ang akbay niya.
Aba, ang yabang nito. Ngumisi ang lalaki sa gilid ko nang irapan ko siya. Hahawakan sana ng lalaki ang bewang ko nang may sumulpot sa likod namin.
“F*ck off. Don’t you dare touch my wife.”
Ngumisi ang lalaki sa gilid ko.
“Mukhang masarap ’tong asawa mo ah. P—”
Hindi pa natatapos ng lalaki ang sinasabi niya nang suntukin siya ni Chad, na ikinagulat ko. Mabilis akong gumitna sa dalawa, pero masyadong malakas si Chad at talagang pinagsusuntok ang lalaki na ngayon ay dugu4n na ang mukha. Nakita kong nasapak rin niya si Chad kaya nagkapasa ito sa pisngi.
Hindi ako makagalaw sa nakita ko. Hindi ko rin napansin na nandito ang ibang empleyado ni Chad.
“Dare me, Jacob? I won’t let you see the taste of tomorrow.” Isang matalim na titig ang binigay ni Chad kay Jacob bago niya ako hinatak.
“Bumalik kayo sa trabaho niyo.”
Hindi ako mapakali sa tingin kay Chad.
“Chad, bakit mo ginawa ’yon? Baka nagbibiro lang iyong tao.” Padabog niyang sinara ang pinto ng office niya at hinampas ang table.
“Binastos ka niya. What do you want me to do? Hayaan siya? F*ck him. Hindi pa kami tapos.”
Umupo siya sa tabi ko at pumikit nang mariin bago ako tingnan sa mata.
“I’m sorry.” Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Mabilis siyang tumayo at umupo sa office chair niya.
“I have good news, wife.” Ngumiti siya sa akin at ibinaling ang tingin sa dyaryo na nasa harap namin.
“Malinis na ang papeles. Hindi na nila masasabing peke ang kasal natin.” Ngumisi siya.
Padabog akong pumunta malapit sa table niya.
“ANO?! HOY! HINDI MO PA TALAGA AKO PINAPAKASALAN!” Mabilis kong natakpan ang bunganga ko at natawa siya sa sinabi ko.
“Pwede naman tayong ikasal. Gusto mo bukas agad?” tanong niya at tiningnan ako sa mata.
“I will do anything for you, wife. Just tell me what you want.”
Tumayo siya at tumingin sa glass windows.
“And my grandma and grandpa want to see you soon.”
Mabilis akong nilamig sa narinig ko. Sinusumpa ba talaga ako ng tadhana? Tang1na!
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
