Chapter 16

140 5 0
                                        

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER – CHAPTER 16

Patakbo akong lumabas ng office at hindi makapaniwala sa mga nangyari kanina. Nang makalabas ako sa company, lumingon ako muli. Umaasa akong baka sundan niya ako at bawiin ang mga sinabi niya, pero walang Chad ang sumunod sa akin. Umiiyak ako habang tumatakbo sa kawalan, hindi ko alam kung saan pupunta. Kailangan ko ring bumalik sa mansyon para kunin ang mga gamit ko, kaya tuloy-tuloy lang ang pagtakbo ko.

Umupo ako sa waiting shed at niyakap ang sarili ko. Hindi ko sinubukang ipahid ang mga luha ko, hinayaan ko lang silang bumagsak. Habang umiiyak, hindi ko namalayan na umuulan na pala nang malakas.

Napangiti ako nang mapait habang pinagmamasdan ang ulan. Umaasa ang puso ko na baka hinahanap ako ni Chad. Kaya kahit malakas ang ulan, naglakad ako papunta sa mansyon. Nagtataka kayo bakit hindi ako sumakay? Wala akong dalang pera—naiwan ko ang gamit ko sa office ni Chad.

Hanggang sa huminto ako sa entrance ng gate nila Chad. Tinignan ako ng guard bago ako pinapasok.

Hindi pa man ako nakakalapit sa mansyon, ramdam ko na ang bigat ng bawat hakbang ko. Nang makarating sa gate, nagdalawang-isip ako kung papasok ba o hindi. Pero syempre, pumasok na rin ako—kailangan kong kunin ang mga gamit ko.

Napalunok ako nang makita kong nanonood ang apat sa sala mula sa bintana. Mabilis akong kumatok sa pintuan at bumukas ito. Bumungad sa akin ang apat, nagtatakang tumingin.

“Dude? What happened?” Kunot ang noo ni Chase nang makita akong basang-basa dahil sa ulan.

Umiling ako.

“P-Pwede bang pumasok?” Tumango sila.

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.

“Why are you crying, mom?” malungkot na tanong ni Charlie, ngiti lang ang tinugon ko.

Nagulat ako nang hawakan ni Charles ang balikat ko.

“You’re not okay. What happened?” Umiling ako at mabilis na umalis sa harap nila.

Habang umaakyat ako, hindi ko mapigilan ang maliliit na hikbi at umiiyak nang tuloy-tuloy. Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Chad.

Naligo ako sa guest room, hindi sa banyo sa kwarto ni Chad. Pagkatapos maligo, sinimulan kong kunin ang mga gamit ko at ilagay sa maleta.

“M-Mommy, are you going to l-leave me?” Mabilis na pumasok si Charlie sa kwarto ko at niyakap ako.

Malakas siyang umiyak habang nakayakap sa akin.

“Don’t leave me, please. Iniwan na po ako ng tunay kong magulang, pati ba naman ikaw?” Gulat akong lumingon sa kanya at niyakap si Charlie.

Nagulat ako nang lapitan ako ni Charles at mataman ang tingin sa akin.

“Charlie, lumabas ka muna. I need to talk to your mom.” Hinalikan ko si Charlie sa noo bago ito lumabas.

“What the heck is wrong with you? Nag-away ba kayo ni kuya Chad?”

Hindi ko mapigilan ang luha ko nang marinig ang pangalan niya. Hindi ako sumagot, yumuko lang ako habang umiiyak. Pinilit kong ilagay ang mga damit ko sa maleta.

“Tell me, what happened between you and kuya Chad?” Umangat ako ng tingin.

Kumibot ang labi ko nang marinig na binanggit niya si Chad.

“H-Hiwalay na kami, Charles.” Gulat siyang tumingin sa akin.

“You must be joking, Felicity.” Umiling ako.

“What the fck?! You won’t go anywhere! Dito ka lang! Hahanapin ka ni Charlie kapag umalis ka!”

Hindi ako kumibo at sinara ko ang maleta ko nang makuha ko na lahat ng gamit ko.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon