Chapter 21
Limang araw na rin ang nakalipas simula nang huling makita ko si Chad. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung mahal pa rin ba niya ako.
Mabilis akong nagising sa realidad nang tumawag sa pangalan ko.
“Woy? Bingi ka ba? Tawag ka ni Jax kanina pa!” Ilang beses akong kumurap sa boses ni Jacob.
“Alam mo, bastos ka talaga!” Iniripan ko si Jacob at naiilang akong ngumiti nang makita si Gavin na nakatitig sa akin.
“Are you okay?” tanong niya, halatang nag-aalala.
Nakita ko kung paano kami titigan ni Jacob at umiling.
“Dude, ayoko siyang maging girlfriend mo. Sinabihan akong bastos! Pasalamat ka talaga na babae siya!”
“Hoy! Parang hindi mo ako tinawag na baby no’n!” Mabilis na natigilan si Jacob at umiling.
“Sinapian lang ako ng demonyo no’n, k bye!”
Mabilis siyang umalis sa harap namin, iniwan kami ni Gavin.
“Are you okay?” tanong niya ulit. Mabilis akong tumango at pilit na ngumiti.
Ngumiti si Gavin at inaya akong sumakay sa kotse niya. Ngayon ko lang napansin na gabi na pala. Nang sumakay kami, tahimik kaming pareho.
Tahimik din na nagmamaneho si Gavin.
“Gusto kong uminom ng alak!” sabi ko bigla. Nagulat si Gavin at lumingon sa akin.
“Sure ka?” Tumango ako.
Nagmaneho ulit siya, pabalik sa condo. Katulad ng dati, pinagbuksan niya ulit ako.
Mabilis kaming binati ng guard nang pumasok sa condo. Sumakay kami sa elevator at tumungo sa kwarto ni Gavin.
Mabilis akong pumunta sa kusina at naghanap.
“Herencia Historico 27 De Mayo XO, Mexican Tequila?”
Aba, yayamanin. Napatingin si Gavin sa akin.
“Magkano ito? Nasa 1k?” Tumawa siya at umiling.
“6,190.” Nanlaki ang mata ko at mabilis binalik sa refrigerator ang hawak ko.
“SALAMAT NA LANG, ACTUALLY SABI KO NGA MATUTULOG NA AKO!”
Tumawa siya nang mahina at napailing. Mabilis akong naglakad papalayo sa refrigerator, ngunit natisod ako at natamaan si Gavin. Halos gumuho ang mundo ko sa sakit ng paa ko.
Pareho kaming natumba at sa hindi inaasahan… bumagsak ako sa ibabaw niya at…
NAHALIKAN KO SIYA SA LABI!
HINDI! HINDI PWEDE ITO! NAKAKAHIYA!
Pareho kaming hindi makagalaw agad, nagulat, at nakatitigan ang isa’t isa. Nakadikit pa rin ang mga labi namin at hindi makapaniwala.
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at napaupo sa gilid ng sahig. Naramdaman ko ang kirot ng paa ko nang subukan gumapang.
“S-Sorry!” Hinawakan ko ang labi ko at sumandal sa dibdib ko.
Ang bilis ng pintig ng puso ko.
Nakita kong tulala rin si Gavin at nakaupo sa lapag. Walang kumibo sa amin, dahilan para mapalunok ako.
“You're my first kiss.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Konsensya ko, attack mode agad.
Mabilis akong lumapit kay Gavin at humingi ng sorry.
“Gavin, sorry! Hindi ko sinasadya!” Ngumiti siya at umiling.
“Nah, it’s okay.”
Tumayo siya at pinagpag ang suot niya. Sinubukan ko rin tumayo ngunit napangiwi ako sa sakit ng paa ko. Napalunok ako nang yumuko si Gavin at dahan-dahang binuhat ako.
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomantikAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
