CHAPTER 18
Nagising ako nang makaramdam na para akong naiihi, kaya bumangon ako. Natigilan ako nang makita kong nakahiga sa gilid ko si Gavin. Hindi sa higaan—nakaupo siya, tapos nakahiga ang ulo niya malapit sa ulo ko.
Tumingin ako sa bintana. Malakas pa rin ang ulan. Hindi ko alam kung may bagyo o ano.
Tumayo ako at nagulat nang hawakan ni Gavin ang braso ko.
“Nawiwiwi ako!” Hinaplos niya ang noo ko at nakita ko kung paano siya huminga nang malalim.
“Okay.”
Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa banyo. Mabilis kong sinara ang pinto at saka nagbawas… umihi mga sis ah.
Lumabas ako ng banyo at nakita kong nasa balcony siya.
“Ayon lang ba ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay?” Natigilan ako sa tanong niya.
Umupo ako sa kama at tinignan ang likod niya. Nakatalikod kasi siya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.
“Oo, at saka ayaw talaga sa akin ng magulang ng ex ko na 'yon. Siniraan yata ako.”
Matagal siyang hindi sumagot.
“Eli, are you talking about Mr. Chadwick Louis A. Rivera?”
Mabilis akong nakaramdam ng panginginig at hindi makapagsalita. Lumingon sa akin si Gavin at mabilis na lumapit, hinawakan ang magkabilang braso ko.
“Tell me.” Tinignan niya ako sa mata.
Mabilis akong tumango. Dito nagbago ang ekspresyon ng kanyang mata.
“D4mn it.”
“Kilala mo siya?” tanong ko.
Tumango si Gavin.
“Yes. Kaaway namin ang pamilya niya sa business. Magkaaway ang magulang namin when it comes to business. Pero nag-uusap pa rin kami ni Chadwick tungkol lang sa company nila at sa amin. Kasundo ko naman si Chadwick. At nakita na kita before, kasama mo si Charlie. Nabanggit din sa akin ni Chadwick na kasal na nga raw siya sa iyo. That's why I didn't ask your name the first time I saw you at the waiting shed.”
Nanlaki ang mata ko. Mabilis akong nalungkot nang banggitin niya si Charlie.
Natigilan kami pareho nang marinig ang malakas na katok mula sa pinto ni Gavin. Mabilis na pumunta si Gavin at may sinilip siya doon sa maliit na screen bago buksan.
“DUDE! NOOD TAYO NG CINE! NAKABILI AKO NG TICKET! LIBRE KO NA! A—”
Nang lumingon sa akin ang lalaki ay pareho kaming tumili.
“Dude? What the f*ck was that?” Tinitigan ako ng lalaki simula ulo hanggang paa at may binulong kay Gavin. Kabahan ako.
“Dude? Magpapakamatay ka ba? Asawa ni Chadwick 'yan!” malakas na bulong niya.
“Shut up, Jacob. Manggugulo ka na naman ba?” Tumango siya at hinubad ang sapatos sabay talon sa sofa.
“Bakit nandito ka? Papatayin ni Rivera iyan si Gavin kapag nalaman na nandito ka.” Mabilis akong umiling.
Napansin ko na wala ang playboy side niya.
“Hiwalay na kami.” Nanlaki ang mata ni Jacob at lumapit sa akin.
“WHAT THE HECK?! TOTOO ANG CHISMIS SA OFFICE?! HIWALAY NA RAW KAYO KASI NILOKO AT NINAKAWAN MO RAW SI RIVERA?!” Mabilis kong hinampas ang braso niya.
“Kup4l ka ah, hindi totoo ang binibintang nila sa akin!”
Umupo sa tabi ko si Gavin, dahilan para maningkit ang mata ni Jacob.
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
