CHAPTER 7
“FCK! FCK! FCK!” Malakas niyang hinampas ang lamesa na nasa harap niya at masamang tumitig sa kawalan.
“Hoy, anong nangyayari sa ‘yo?” Huminga siya nang malalim at tumingin sa gawi ko.
“Hug me, wife.” Kumunot ang noo ko pero niyakap ko na lang siya.
“Nandito na si Jenny sa Pilipinas.” Tumawa ako nang mahina.
“Ano naman?” Pinitik niya ang noo ko.
“Idiot.” Malakas ko siyang hinampas sa braso.
“Masakit ah!”
Masama pa rin ang mukha niya kaya may naisip akong kalokohan. Mabilis akong tumingkayad at hinalikan siya sa labi.
Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Nagkatinginan kami sandali bago siya umiwas ng tingin at bumalik sa pwesto niya. Kaya lumapit ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya.
“Bibilhan lang kita ng kape, hubby.” Tatalikuran ko sana siya nang marahan niyang hatakin ang kamay ko, dahilan para mapaupo ako sa lap niya.
Nanlaki ang mga mata ko at gulat na tumingin sa kaniya. Pinalupot niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko.
“Five minutes, wife. Then you can go outside.”
Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Para akong nakukuryente sa bawat hawak niya sa akin.
Hindi ko alam, pero parang ang bagal ng oras. Napansin kong lumuwag ang yakap niya sa akin.
“Do you want me to come with you?” Mabilis akong umiling at tumayo na.
“Kaya ko naman.” Tumango siya.
He kissed my forehead.
“Take care, wife. I love you.” Ngumiti siya.
Tumalikod na ako pero bago ako lumabas ng pinto, lumingon ako sa gawi niya.
“I love you too.” Umangat siya ng tingin.
Sumilay ang ngiti niya sa labi niya. Nang lumabas na ako sa pinto ng office niya, napansin ko na may lalaking nakatayo sa harap ko.
“Andiyan ba si Sir Chad?” Tumango ako at ngumiti.
“Thank you, ma’am.” Kumatok muna siya bago pumasok sa loob.
Lumabas na ako, hanggang sa makalabas ako ng building ng office ni Chad. Hindi pa man ako nakakalayo, may nabunggo akong babae.
Pareho kaming natumba.
“OMG! SORRY!”
“Halah, sorry!”
Tumayo ako at inalalayan siyang tumayo. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako.
“Hello! My name is Jenny Marie C. Willson!”
Kumunot ang noo ko.
“Pustahan galing ka sa ibang bansa, ano?” Tumawa siya at humagikhik.
“And you’re Felicity, right?” Nagulat ako at tumingin sa kaniya nang matagal.
“How did you know my name?” Umakbay siya sa akin at nagulat ako nang naglakad kami pabalik sa office.
“Asawa ka ni Chad?” Nanlaki ang mga mata ko.
SIYA SI JENNY?
Tumango ako, nagulat ako nang tumalon-talon siya at niyakap ulit ako.
“OMAYGAD! HINDI KO SIYA KAILANGAN PROBLEMAHIN! MAY ASAWA NA SIYA!”
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
