CHAPTER 4
Hindi ako tumitingin kay Chadwick. Ano siya, baliw? Anong marriage proposal?
“Simula ngayon, ayan ang kailangan mong asikasuhin. Ang marriage proposal NATIN.” Mabilis ko siyang binato ng unan. Dahil mabilis ang kutong lupa, aba’y nakailag.
“What the fck, WIFE?”
Namilog ang mata ko sa narinig ko. Utang na loob, hindi ito ang pinasok ko. Ano na naman bang katang4han ang ginawa ko at ito ang bunga?
Kung dati puro masamang titig ang inaabot ko, ngayon ay puro ngisi.
“Ayoko! Hindi ako papayag! Baka mamaya kung ano gawin mo sa akin!” Niyakap ko ang sarili ko.
Imbis na mailang siya sa sinabi ko, tumawa siya nang mahina.
“Kasama sa gagawin natin ‘yon. Malamang, magiging ASAWA mo ako.”
Halos umiyak na ako rito. Ano bang sinasabi niya?
“Pap4tayin ako ng magulang mo. AYOKO!”
Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
“Hindi ko hahayaan na bastusin nila ang magiging ASAWA KO.” Tumayo siya.
“Matulog ka na, sasama kita sa office bukas.”
Akala ko aalis na siya, kaya humiga ako sa kama ko, pero nakatitig lang siya sa akin, dahilan para magtalukbong ako ng kumot.
ANO BA?! HINDI KO NAMAN GINUSTO ITO.
“What is the date today, my wife?”
Mabilis akong nagtaka sa tanong niya at inalis ang kumot sa katawan ko.
“September 20, 20xx.” Mabilis kong tinakpan ang bibig ko.
BAKIT AKO SUMAGOT? UNANG-UNA, HINDI NIYA AKO ASAWA. PANGALAWA, ‘YONG DATE NA NABANGGIT KO AY AYAN ANG DATE KUNG KAILAN KAMI NAGHIWALAY NOON!
“Tsk, tsk, tsk. My goodness, wife. I think you forgot something.”
Nilamutak ko ang pisngi ko. AYOKO NA! PLEASE! ANO BANG MGA PINAGSASABI NIYA?!
Ngumisi siya at tinuro ang kanang pisngi niya. Bigla akong nanigas sa kama ko.
Bigla kong naalala ‘yong ganiyan niya.
“He needs your kiss. I think he deserves a kiss from you.” Lumapit siya sa akin at pumantay sa mukha ko.
“Would you mind to kiss my cheeks, darling?” Halos mahimatay ako sa mga pinagsasabi niya.
Hindi ako nakagalaw, lalo na sa sumunod na ginawa niya.
Isang nakaw na halik mula sa labi ko ang ginawa niya.
“Taste like strawberries.” He chuckled.
Lumabas na siya ng kwarto ko at iniwan akong tulala. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Masaya akong dinilat ang mga mata ko at sa pagdilat ko, may batang kumag na nakahiga sa dibdib ko at nakayakap pa.
Kaninong anak ‘to?
Sinilip ko ang mukha ng bata.
“C-Charlie?”
Ililipat ko sana siya sa kama nang higpitan niya ang yakap sa akin.
Aba, kumag ito ah.
“Good morning, w-”
Hindi niya natapos ang sasabihin niya. Gulat itong tumingin sa kapatid niya at pati sa akin.
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
