Chapter 6

190 11 0
                                        

CHAPTER 6

Nagising ako nang may kumalabit sa pisngi ko. Mabilis kong hinampas ang kamay nito dahilan para may kumag na sumigaw.

"O-Ouch!" Dinilat ko ang mga mata ko at pareho kaming nagulat ng batang kumag na nasa harap ko.

Si Charlie pala.

"Come on, mom, I don't want to bother your sleep, but I want to play with you."

Ngumiti ang kutong lupa abot hanggang mata niya. Mabilis kong naalala ang bunso namin dahil sa pisngi ng kumag na ito.

"Halika nga rito." Mabilis na humiga si Charlie sa dibdib ko at pinisil ko naman ang matabang pisngi ng batang ito.

Ang pogi ni Charlie-mukhang maraming iiyak na babae sa future nitong bata.

"Ilang taon ka na, Charlie?" Tinaas niya ang pitong daliri niya at humagikhik.

"Siguro nasa private school ka, ano?" Tumitig siya sa akin.

"Nope." He pouted his lips. Mabilis akong kumurot nang mahina sa pisngi nitong kumag at hinalikan.

"Ang cute mo." Niyakap niya ako.

"Ang yaman-yaman mo tapos nasa public school ka lang. Kung ako kasi mayaman, mas gusto kong nasa private ang mga kapatid ko." Tiningnan niya ako.

"Mabait naman po teacher ko sa school. She treated me like I'm his own son, unlike my mom."

Natigilan ako sa sinabi ni Charlie. Kaya pala parang sabik na sabik siya na magkaroon ng nanay kahit meron naman siya.

Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan sa noo.

"Gusto mo ba ihatid kita minsan sa school?" Lumaki ang mga mata niya at tumango.

"YEHEY!" Tumalon-talon si Charlie sa kama, dahilan para bumangon na ako.

Sinuot ko ang tsinelas ko at binuhat si Charlie. Ang bigat ng batang ito.

"Charlie, where the heck are you?" Natigilan ako nang makita ko si Chad sa kusina.

Pareho kaming tumitig sa isa't isa, pero mabilis na naningkit ang mga mata niya nang makita si Charlie na buhat ko.

Humigpit ang yakap sa akin ni Charlie.

"Charlie, how many times do I need to call your name before you go here?" inis na tanong ni Chad sa kumag niyang kapatid.

Mabilis kong binaba mula sa buhat ko si Charlie at pumunta ito sa kuya niya.

"I didn't hear anything, I swear!" Mabilis na huminga nang malalim si Chad at pumantay sa batang makulit.

"Fine, sige na. Call me when you need something, okay? Today is Saturday, do your homework before you play alone."

"Okay, brother. How about my brothers? Where are they?"

Umigting ang panga ni Chad sa tanong ni Charlie.

"They go somewhere, go ahead."

Tumakbo si Charlie paalis ng kusina at naiwan kaming dalawa rito.

Pinatong ko ang dalawang siko ko sa parang lamesa rito sa kusina nila.

"How's your sleep, wife?"

Nagulat ako nang makita siyang naghihiwa ng sibuyas.

"Magluluto ka?" He chuckled.

"Idiot, obviously."

Namilog ang mga mata ko.

"Marunong ka?" He nodded.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon