EPILOGUE

319 20 0
                                        

EPILOGUE

Hindi ako makatingin sa lalaking tinatanaw ko sa malayo. Napaatras ako nang makita kong tumingin siya sa akin at kumaway. Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya at yakapin.

“Mag-ingat ka,” bulong ko. Napatawa siya nang mahina at hinalikan ang tuktok ng noo ko.

“Ikaw rin, ingatan mo sarili mo. Katulad ng kung paano kita iningatan noon.” Mabilis kaming nagkatinginan nang marinig namin ang announcement dito sa NAIA.

Napaluha ako at napaiwas ng tingin nang ayusin niya ang maleta niya.

Sabihin ko ba na mahal ko siya?
Handa na ba akong sumugal ulit?
Sabihin ko ba na ayokong umalis siya?

Napatingin ako kay Gavin nang halikan niya ang noo ko.

“May gusto ka pa bang sabihin?” tanong ko. Umiling siya.

“Mahal kita, Eli. Kung babalik man ako, papakasalan kita. Kung hindi man, sana matutunan mo ring mahalin ang lalaking magmamahal ulit sa iyo.” Pinisil niya ang pisngi ko at ngumiti.

Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Mabilis na tumulo ang luha ko nang makita kong umakyat na siya sa eroplano.

Hindi ko nasabi…
Hindi ko nasabi na mahal ko siya.

Mabilis akong tumalikod at pinahid ang mga luha ko na sunod-sunod pumapatak.

“Mahal kita, Gavin. Makahanap ka sana ng babaeng para sa iyo.”

FIVE YEARS LATER…

Limang taon na rin ang nakalipas simula noong huli kong makita si Gavin. Wala na akong balita sa kaniya pagkatapos noon. Nagsisisi ako noon kasi hindi man lang ako umamin sa kaniya na mahal ko rin siya at hindi ko siya binigyan ng chance. Secretary pa rin ako, pero sa ibang kumpanya na ako nagtatrabaho.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung kumusta na si Gavin o kung may girlfriend na siya. Hindi man lang niya ako naaalalang padalhan ng sulat o kahit update man lang. Nakakainis, pero siyempre, sino ba naman ako, hindi ba?

Umupo ako sa tabi ni Jacob na ngayon ay kumakain ng corndog.

“Kadiri ka talaga kumain!” iniripan ko siya habang tumatawa.

“Masaya ba maging single?” tumaas ang kilay ko sa tanong niya.

“Oo, bakit?” Tumawa siya at umiling.

“Wala lang. Ako kasi hindi eh. Pero mas masaya ako sa iyo kasi may kahati ako sa lahat.” Mabilis kong tinaas ang gitnang daliri ko.

“Tarantado talaga itong mokong na ito.”

“Ang sama talaga ng ugali mo!” tumawa siya.

“Hoy, wala ka bang balita kay Gavin?” Kumagat muna siya ng corndog bago magsalita.

“Wala, pero sa pagkakaalam ko may girlfriend na siya at magpapakasal na sila.”

Mabilis na kumirot ang puso ko. Aray, may girlfriend na pala ang hinihintay ko at magpapakasal na siya.

Nagkibit-balikat ako at huminga nang malalim. Gusto kong magpakalasing at isigaw ang sakit na nararamdaman ko.

“Pst, inom tayo maya kapag tapos na trabaho ko. Ayain mo sila Zayell,” tumawa si Jacob sa narinig niya.

“Parang umiinom ka, narinig mo lang na may iba na si Gavin,” iniripan ko siya.

“WOW? MANHID LANG?! NASASAKTAN IYONG TAO OH!” tumawa siya at napailing.

“Ikaw kasi eh, nasa harap mo na. Pinakawalan mo pa talaga si Gavin. Ayan tuloy, nakahanap na siya ng iba.”

Minsan naiisip ko kung bakit sobrang tanga ko dati at talagang hinayaan kong umalis si Gavin.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon