Chapter 20

139 3 0
                                        

CHAPTER 20

Tatlong linggo na rin ang nakalipas simula nang pumasok ako sa company ni Gavin. Actually, nasa condo pa rin ako niya. Hindi pa rin ako umaalis. Hindi naman sa ayaw kong umalis, pero nanghihinayang din ako sa renta na ibabayad ko.

“Eli, don't get mad at me. But we need to go see Chad right now. He wanted to talk to me about our business.”

Napayuko ako at mabilis na tumibok ang puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko. Isang bagay na kinatatakutan ko ay ang harapin si Chad. Masakit pa rin, at hindi ko pa rin kaya.

“It’s okay,” mahinahon na sabi ni Gavin, dahilan para umangat ako ng tingin.

Huminga ako nang malalim at lumunok nang paulit-ulit. Ngumiti ako kay Gavin at tumango.

“Now, change your clothes and wear this business professional attire.” Inabot niya sa akin ang nasa paper bag.

“I will wait for you outside. Nasa 1st floor ako ng building na ito.”

Tumango ako at ngumiti. Mabilis akong pumasok ng banyo at naligo. Matapos kong maligo, sinuot ko na ang ibinigay niya sa akin.

Mabilis akong lumabas ng banyo at nagulat nang makita kong may makeup kit sa lamesa at may nakasulat sa maliit na papel:

“I know you're beautiful, but put some makeup on your face to look more presentable.”

Napangiti ako sa nabasa ko at ginamit ang makeup na nakalagay. Mabilis akong napangisi nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin.

“Humanda ka sa akin, Chad. Tignan natin kung hindi ka maglaway.” Inayos ko rin ang buhok ko at naglagay ng perfume bago lumabas ng kwarto.

Mabilis akong sumakay sa elevator, at napansin kong tinitignan ako ng lalaki. Tinignan ko siya sa mata.

Natigilan ako nang makitang umiwas siya sa titig ko.

Lumabas ako ng elevator at taas-noo na naglakad. Lahat ng mata ng mga tao ay nakatingin sa akin. Ngumiti ako nang bumati pa sa akin ang guard.

Teka? Binati ako no’n?

Nagulat ako nang makita si Gavin, sobrang formal ng suot. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

“You look like a goddess.”

Namula agad ang pisngi ko. Hayop ‘tong lalaking ito, ang lakas magpakilig.

Naglakad kami palabas ng condo at narinig ko ang bati nila sa amin.

Pinagbuksan niya ang pinto ng sasakyan at pumasok rin ako. Nagsimula nang magmaneho si Gavin.

Tinignan ko siya, tahimik na nagmamaneho. Out of nowhere, hindi ko napigilan ang bibig ko na magsalita:

“Ang pogi mo, Gavin.”

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko habang nanlalaki ang mata ko.

“I'll take that as a compliment.” Tumawa siya nang mahina habang nagmamaneho.

Nagulat ako nang huminto ang sasakyan at napalunok sa nakita ko—nandito na kami sa company ni Chad. Mabilis na lumabas si Gavin at pinagbuksan ulit ako.

Inayos ko ang suot bago lumabas ng sasakyan.

“Are you ready?” Tumango ako at nagsimula kaming maglakad papasok.

Mabilis akong ngumiwi nang makita si Jacob na nakikipaglandian sa mga empleyadong babae ni Chad.

Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita ang galit sa mata ni Ian. Ngumiti ako, ngunit umiwas siya ng tingin, kaya naisip kong baka galit din siya sa akin.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon