Chapter 15

147 4 0
                                        

CHAPTER 15

Napahampas ako ng noo ko nang makita kong inaaway ni Ian si Charlie kaya umiiyak.

“Ian, bakit nga pala hindi ko na nakikita si Jenny?” Natigilan siya sa tanong ko, dahilan para tumakbo si Charlie papalayo sa kaniya.

Umupo ako sa tabi ni Ian.

“Umamin ka nga sa akin, Ian. Ano bang nangyari sa inyo ni Jenny?” Matagal niya akong tinitigan.

“Umalis na siya,” mahinang sabi niya.

Tahimik ako, iniisip ang narinig.

“Ian, hindi sa pakialamera… pero gusto ko lang sabihin sa iyo na sobrang mahal ka ni Jenny. Sana, kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa, linawin niyo.”

Yumuko si Ian at tinitigan ang sahig.

“Ian, ikaw naman. Kung ayaw mo talaga kay Jenny, sabihan mo siya.”

“Nasabi ko na, pinagtabuyan ko na rin siya para tigilan niya ako.”

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Hinawakan ko ang balikat niya.

“Ian, may gusto ka ba kay Jenny?”

Natigilan siya nang may tubig na pumatak sa sahig—luha pala niya iyon.

“Akala ko, wala eh. Akala ko mas magiging masaya ako kapag walang nangungulit sa akin dito sa office… Akala ko lang pala…”

Humarap siya sa akin at sunod-sunod ang pumatak na luha niya.

“Pero noong araw na sinigawan ko siya at pinagtabuyan, hindi naalis sa isip ko ang mukha niya, lalo na ang mga mata niya. Umiiyak siya, hindi niya ako sinumbatan o sinigawan. Umiiyak lang siya habang nakatitig sa mga mata ko. At ayon sa huling araw na nakita ko siya, hindi na siya pumasok sa office. Ang sabi ni Chadwick, nagpasa raw ng papeles si Jenny at umalis na ng company. Akala ko biro lang iyon kasi kilala ko si Jenny. Palagi niyang sinisira ang araw ko.”

Hindi ko alam pero nangilid ang luha ko nang makita ko kung gaano miserable tignan si Ian.

“Ilang linggo na rin no’ng huli siyang nangulit sa akin. Inaamin ko na namimiss ko siya.” Mapaklang ngumiti si Ian at tumingin sa kawalan.

“Inaamin ko na namimiss ko lahat ng mga bagay na ginagawa niya sa akin. Akala ko desperada lang talaga siya para makuha ako. Pero sobrang nagkamali ako.”

Niyakap ko si Ian at narinig ko ang mahihinang hikbi niya.

“Dahil huli na rin nang marealize ko na mahal ko siya, at ayon sa araw na hindi ko na nakita ang presensya niya, gusto ko siyang hanapin at manghingi ng sorry. Gusto kong yakapin at magpasalamat sa kanya dahil nagawa niya akong patawanin sa araw na malungkot ako. Gusto kong sabihin sa kanya na m-mahal ko siya.”

“Ian.” Tinapik ko ang likod niya.

Pumatak ang luha ko rin. Hindi ko alam pero ang sakit siguro iyon—ang marerealize na mahalaga sa ’yo ang isang tao, pero wala na siya.

“Ian, hanapin mo si Jenny. Hindi pa huli ang lahat.” Tumango siya at kumalas sa yakap ko.

Pinahid niya ang luha niya at sinuot ang eyeglasses niya.

“Sorry at sa iyo ko nasabi ito, Mrs. Rivera.” Ngumiwi ako.

“Felicity na lang! Ano ka ba!”

Mabilis na napalunok si Ian nang pumasok si Chadwick. Naningkit ang dalawang mata nito nang makita kaming magkatabi ni Ian.

“S-Sir, lalabas na po ako.” Mabilis na lumabas si Ian at bumaling ang tingin sa akin ni Chad.

Napalunok ako nang hindi nagsalita si Chad, tinitigan lang niya ako. Gusto kong mag-explain pero naisip ko na baka magalit siya sa akin.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon