Chapter 3

210 10 0
                                        

CHAPTER 3

Napalunok ako nang umupo sa harap ng magulang ni Chad. Hayop, kung noon natatakot ako, ngayon ay nahihiya ako sa mga titig nila. Walang bago eh, iniinsulto pa rin ang buong pagkatao ko.

"Look, who's here, darling?" Tumawa ang mommy ni Chad at ngumisi.

Bagot naman akong tinitigan ng daddy ni Chad.

"Walang bago, basura pa rin. You may go."

Hindi ako nakasagot sa insulto ng mommy ni Chad. Kaya ko naman sana siyang sagutin, pero edukada akong tao at hindi pumapatol sa mga katulad niya. Mayaman na, matapobre pa.

Nagpaalam ako nang maayos, tinalikuran ko sila nang marinig kong nagsalita ang mommy ni Chad.

"Sa ngayon, papayag akong secretary ka ni Chad. Hindi mo naman kasi siya malalandi. May girlfriend si Chad na magiging fiancée niya."

Pigil akong huminga nang malalim at naglakad papalayo. Nang lumabas ako, nakita kong nakasandal si Chad sa pinto ng office niya. Blangko ang mukha niya na nakatitig sa kawalan.

"What took you so long?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Itsusero ka, Chadwick. Five minutes lang ako nawala, namiss mo agad ako."

"I think you forgot the word 'SIR'."

Nagkibit-balikat ako. Whatever. Pareho lang 'yon, pero sige, mabait ako.

Binati kami ng mga empleyado niya at nakita ko kung paano sila tumitig sa akin. HA HA HA, sige, tumitig lang kayo hanggang madedo kayo.

Lumabas na kami at, syempre, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.

"Maaga kang matulog," mahinahon niyang sabi habang nagmamaneho.

Humagikhik ako.

"Nag-aalala ka ba sa akin?" Masama niya akong tinitigan.

"Tang4, marami kang gagawin bukas." Iniripan ko siya.

Wow, grabe talaga siya. Parang ibang tao ako rito ah.

"Hoy, ikakasal ka na pala?" Mataman niya akong tinignan at binaling ang atensyon sa pagmamaneho.

"Mommy mo nagsabi sa akin." Narinig ko ang malakas niyang paghinga nang malalim.

"Seriously? Chismosa ka pa rin hanggang ngayon. God, Felicity." Natawa ako, ewan ko kung bakit.

Asar na asar siya sa sinabi ko eh. Nang makarating na kami sa gate ng bahay nila, nagtaka ako kung bakit may paslit na nakaupo sa labas ng gate.

Tumayo ang bata at humarang sa gate. Aba, kumag 'to ah. Nabigla ako sa nakita ko, mga sis. Lumabas si Chadwick tapos binuhat iyong batang lalaki.

"Is she your girlfriend?" Sumulyap sa akin si Chad at lumingon sa bata.

"She's my secretary."

Ngumiwi ako nang namilog ang dalawang mata ng batang kumag ito. Hays, namiss ko tuloy bunso namin.

Bumaba na ako sa kotse at lumapit kay Chad.

"You mean sexytary?" Iniripan ko ang lalaking biglang sumulpot. Aba, siya iyong mukhang playboy!

"Shut up, Charles."

Nagulat ako nang lumundag ang bata sa harap ko.

OMAYGAD?

"Hello, my name is Chawlie."

"Charlie, not Chawlie." Gulat akong lumingon sa likod ni Charles.

Wtf? Joke ba ito?

"Shut up, brother Chasen!"

Halos maguluhan ako sa mga kumag na ito. You mean may kapatid siya? Apat sila.

"Zip your mouth, idiot. Anyway, my name is Chase."

Chase? Chasen? Omg, lima pala sila.

"Yeah, we're twins."

Halos mahimatay ako kanina sa natuklasan ko. My goodness, all this time, may kapatid si Chad?

Gumulong ako sa kama ko at tumalon nang paulit-ulit. Oh, 'di ba? Gagita.

"ARGHH! HINDI AKO MAKATULOG!"

Jusko, 3 am na mga sis, ayaw pa rin ako dalawin ng antok.

Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kumatok pa eh hindi naman nakasara ang pinto.

"Pasok." Bumukas ang pinto at lumitaw si Chad.

"Ang sabi ko matulog ka nang maaga. Hindi iyong tumatalon-talon ka sa kama." Masama siyang tumitig sa akin.

"Ha? Pa'no mo nalaman?" Hinampas niya ang noo niya sa tang4ng tanong ko.

"Maybe bukas ang pinto ng kwarto mo?" sarcastic na sabi niya na tawa ang tinugon ko.

"Tuloy ka, upo ka rito sa tabi ko." Nakita ko kung paano niya ako titigan nang matagal.

"I can't." Tinalikuran niya ako at akmang lalabas ng kwarto ko nang tawagin ko siya.

"Wala naman tayong gagawing masama ah. Chadwick, tignan mo 'yon, may libro sa itaas ng cabinet. Kunin mo nga." Umiling siya.

"Inuutusan mo ba ako?" Iniripan ko siya.

"EDI AKO NA!" Tinulak ko siya nang mahina at mayabang na tumingkayad, pilit kong inaabot ang libro na nasa taas ng cabinet.

Teka, konti na lang talaga. Maabot ko na.

Isa.
Dalawa.
Tatlo.

Tumalon ako at, dahil sa katang4han ko, pati isang box na nasa tabi noon ay umuga, dahilan para bumagsak.

Nabigla ako nang may humatak sa akin at tuluyang bumagsak ang kahon at ang libro.

Masamang titig ang natanggap ko kay Chad. Ngumiwi ako at tinignan ang mga nalaglag sa sahig.

Nakita ko kung paano siya lumunok at tinitigan ako-mula sa mata, hanggang sa ilong, pati sa labi.

OMG? LALANDI NA BA 'ME?

Ngumuso ako. Teka, may balak ba siyang halikan ako? Bakit siya tumitig sa labi ko? Omegesh.

Pero nawala ang nguso ko nang may nagsalita malapit sa pintuan, dahilan para pareho kaming magulat.

Imbis na itulak ako ni Chad, nagulat ako sa pwesto namin. Kapit na kapit ako sa suot niya habang nakapalupot ang kamay niya sa likod ko.

"Dude, usong maglock ng pinto." Mabilis sinara ni Chasen ang pinto.

Nahihiya akong umangat ng tingin; pareho kaming nailang sa pwesto namin.

Pero nanatili kaming hindi umaalis sa pwesto namin.

Kinilig ata buong pagkatao ko. Bigla kong naalala na may girlfriend pala siya kaya mabilis akong humiwalay sa kanya at humingi ng sorry.

"Sht." Tinignan niya ako at lumapit sa akin, dahilan para umatras ako.

"H-Hoy, anong gagawin mo?"

This time, ngumisi siya, dahilan para kabahan ako.

"Look what you've done. My mother will get mad at me if that bastard tells her everything that just happened earlier. You need to pay for this, Felicity."

"H-Ha?"

"Since, business proposal ang ipapagawa ko sa 'yo."

Napalunok ako sa mga titig niya, pero napaawang ang bibig ko sa sunod na sinabi niya.

"Bakit hindi marriage proposal? You know, ikakasal na rin naman ako. At ito iyong way mo para bayaran ang ginawa mong katang4han kanina."

Halos malunod ako sa titig niya.

"H-Ha? P-Pwede naman, gusto ko rin makita maging future wife mo." utal na sagot ko.

Ngumisi siya sa akin.

"Hindi siya ang tinutukoy ko, kung 'di IKAW. You know, be my partner, not just in this d4mn business. But as my WIFE."

ANO?!!

Itutuloy...

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon