Chapter 19

148 4 0
                                        

CHAPTER 19

Ayoko sanang pumayag, kaso wala naman akong choice. Ngayong araw ang simula ng trabaho ko sa company ng mga Evans.

Nandito na ako sa office nila. Inaabangan na lang namin ang parents ni Gavin.

Ganda ng apelyido nila, ano? Siguro may lahi itong mokong na ito.

“May lahi ka ba?” Tumawa siya at humarap sa akin.

Naalala ko tuloy si Chad sa suot niya tuwing pupunta kami ng office.

“Actually, yes. Sa side ng mother ko, she's pure Korean. Sa side naman ng father ko, 1/4 American. Kaya Evans ang surname ko.” Napamaang ako.

Wow.

“Ikaw?”

“Meron din.” Tinignan niya ako.

“Half Pili, Half Pino.” Kumunot siya sa sinabi ko.

“I didn't hear those words before. May ganiyan ba?” Kunot noo niya nang tanungin.

Tumawa ako nang malakas, halos mahulog sa sofa sa office. Kunot noo niya lang ako tinitignan at napailing.

“Pilipino kasi 'yon! HAHAHAHAHA!”

Imbis na magalit siya, natawa siya nang mahina.

“The fxk.”

Ngumiti siya at kamot ulo habang binaling ang tingin sa laptop niya.

“Are you prepared?”

Nawala ang tawa ko nang tanungin niya ako.

“Bakit? Akala ko ba ipapakilala mo lang ako bilang secretary mo?” Natawa siya at umiling.

“I don't think so. Perhaps my mother loves to ask some random questions.”

Parang huminto ang tibok ng puso ko nang may kumatok sa office ni Gavin.

“Come in,” mahinahon na sabi ni Gavin, dahilan para lumitaw ang dalawang magaganda at gwapo na tao.

Mabilis akong tumayo at yumuko.

“Good morning po.”

Tumayo si Gavin at lumapit sa gawi ko.

“Good morning mother and father. She's Felicity Raya C. Hernandez. My s—”

Hindi pa natapos ni Gavin ang sasabihin niya nang yakapin ako ng nanay niya.

Ano ito?!

“OMG! I'VE BEEN WAITING FOR YOU SO LONG! IS SHE YOUR GIRLFRIEND, JAX?! OMG! LOOK AT YOUR SON! HE HAS A GIRLFRIEND NOW!”

Pareho kaming nagulat ni Gavin sa kanila. Nakita kong nag-'yes' ang tatay niya, tapos ‘yong nanay niya ay tumatalon-talon na yumakap sa akin.

“Mom! She's not my girlfriend!” Nakita ko ang pagkadismaya ni ma'am Evans sa sinabi ni Gavin.

“She’s my secretary.”

Napahampas naman ng noo ang tatay niya.

“Wala ka bang balak mag-girlfriend, son? Mamatay na lang ba kami ng mommy mo na hindi ka mag-girlfriend?” Tumawa si Gavin at tumingin sa amin.

“Akala ko girlfriend mo itong si Felicity. Magandang bata! Maganda ang magiging lahi natin sa kaniya!”

Mabilis akong kinilabutan sa sinabi ng mommy niya. Jusko, ano na naman itong pinasok ko?

“Mother, she's just my secretary.”

Inalok akong umupo ng parents ni Gavin sa tabi nila. Kaya kahit naiilang ako, umupo ako.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon