CHAPTER 5
Halos hindi ko siya pinapakinggan kahit nandito siya sa kwarto ko at kinakausap ako.
“Are you listening?” Mabilis akong umiling, dahilan para guluhin niya ang buhok niya.
“My goodness, wife. I’m talking for almost 30 minutes here, yet you’re not listening to what I’m saying.” Umupo siya sa tabi ko.
“Hoy, pwede ba, CHADWICK? Maghanap ka na lang ng iba na pwede mong gawing asawa kuno mo!” Ngumisi siya.
“I can’t do that.” Masama akong tumitig sa mga mata niya.
Habang naglalaban kami ng tingin nitong mokong na ito, nagulat ako nang may nagsalita sa labas ng pintuan. Halos manigas ako nang maalala ko kung kaninong boses iyon.
“What is this all about?!” sigaw ng mommy ni Chad.
Mabilis itong sumugod sa akin pero bago pa siya makalapit, nahablot siya ni Chad.
“Don’t you DARE TO HURT HER!” sigaw nito, nang-uutos at malakas.
Dahilan para matahimik si Ma’am Cynthia.
“SHE’S MY FCKIN’ WIFE! IF YOU CAN’T RESPECT HER, MOM, THEN FORGET ME AS YOUR D4MN SON!”
Halos malagutan ako sa hininga sa mga pinagsasabi ni Chad. Hindi makapaniwalang tumitig sa akin ang mommy ni Chad.
Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at pangungutya.
“H-How come? I told you, son, you don’t deserve her. Mas bagay kayo ni Jenny!” Umigting ang panga ni Chad sa sigaw ng mommy niya.
Kahit ako ay nagugulat sa away mag-ina. In fairness, masaya pala manood ng ganito, tapos ikaw ‘yong rason kung bakit sila nag-aaway.
“We’re now married, mother. Sa ayaw at sa gusto mo. Asawa ko na siya.” Isang malakas na dabog ang iniwan sa amin ng nanay ni Chad.
Natahimik ako, pakiramdam ko parang totoo ‘tong ginagawa ni Chad ngayon. Kasi kung totoo man o hindi, guilty pa rin ako sa nangyari sa amin noon. Hindi kasi ako ganitong katapang para ipaglaban siya noon sa magulang niya.
“Chad.” Hindi siya lumingon sa gawi ko. Nakatingin pa rin siya sa labas ng pinto ng kwarto.
“Mr. Chad.” Kumbit-balikat siya at hindi nag-abalang tumingin sa akin, dahilan para mainis ako sa kaniya.
“HINDI KA BA LILINGON?” Umiling siya.
“Bakit mo ba ginagawa ‘to, hubby?” Smirked form on his lips.
“I love the way you said those cute words. Can you please say it again?” Umupo siya sa tabi ko.
“H-Hubby.” Yumuko ako habang napalunok nang paulit-ulit.
Tumawa ang mokong at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
“Come with me.”
Hindi pa man ako nakakasagot, hinatak niya ako nang marahan at naglakad sa isang pasilyo na may kwarto malapit sa isa pang hagdan ng bahay nila.
Nagulat ako nang diinan ng daliri niya ang isang bilog na umiilaw sa ilalim ng doorknob at boom—kusang bumukas.
Natigilan ako nang makita ko kung ano ang nasa loob.
“This is my room, but this is yours too now.” Kumunot ang noo ko at tuluyan na pumasok sa kwarto. Kusang nagsara ang pinto dahilan para matigilan ako sa ginawa ko.
“Hindi akin ito, engot ka ‘ata.” Umiling siya at umupo sa kama niya.
“Of course, you’re my wife. Mine is all yours, and yours is also mine.”
Mabilis akong napahampas sa noo ko dahil sa sagot niya.
“Hindi mo nga ako asawa!” Tumawa siya at may papel na kinuha sa brown envelope.
“Kasal na tayo.” Namilog ang dalawang mata ko nang nabasa ko ang isang bagay na humugot ng lalamunan ko.
BAKIT MAY MARRIAGE CERTIFICATE NA RITO? AT BAKIT AKO NAKAPIRMA RITO?
“H-Hindi ko pinirmahan ‘yan.”
“Yes, you did.” Mabilis akong napaisip sa sinabi niya.
Hindi kaya ayon ‘yong...
“OMAYGAD?! BAKIT HINDI MO SINASABI SA AKIN NA MARRIAGE CERTIFICATE ‘YON?! SIGURO PAKANA MO ITO, ANO?!” Natigilan ako nang tumawa siya nang sobrang lakas.
“My goodness, wife. Where did you get that sht?” Patuloy pa rin siyang tumatawa.
“Naalala mo ba ‘yong mga papeles na pinapagawa ko sa ‘yo? This paper shouldn’t be included in your folder. Ewan ko kung paano napunta sa ‘yo. Nagulat din ako na pinirmahan mo ‘yan. Actually, naghahanap talaga ako ng pwede kong maging asawa para hindi makasal kay Jenny.”
Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kaniya at mabilis na panaghahampas siya.
“KUMAG KA! KASALANAN MO ITO! ANO NA LANG SASABIHIN SA AKIN NG MGA MAGULANG KO?! MAY ASAWA NA AKO TAPOS ANO ANAK NA ANG SUSUNOD?!”
Napaupo ako sa kama niya at halos maiyak sa mga nangyayari sa buhay ko. Ano ba ito? Karma ko?
Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako nang kalmado.
“About your parents, alam nila na ako ang asawa mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
“PAANO NILA MALALAMAN IYON EH WALA NAMAN AKONG SINASABI?!” Ngumisi siya.
“I can do whatever I want, wife. But in our case, pumunta ako sa bahay niyo at sinabi ko na kasal na tayo. Noong una, nagulat sila. Pero naalala nila na ako ‘yong gwapo mong ex before na palaging dumadalaw sa inyo noon.” Halos kilabutan ako sa mga pinagsasabi niya.
“N-Naalala ka nila?” Tumawa siya nang mahina.
“Idiot.” Iniripan ko siya.
Mabilis niyang pinitik ang noo ko.
“Bakit mo ba ginagawa ito? Ginagantihan mo ba ako dahil sa iniwan kita noon? Hindi ko naman ginusto iyon! Nagbanta sa akin ang mommy at daddy mo na malilintikan daw ang pamilya ko kapag pinagpatuloy ko ang relasyon ko sa iyo.”
Halos makuryente ang buong katawan ko nang haplusin niya ang pisngi ko.
“Alam ko.”
H-HA?
Huminga siya nang malalim at dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko at labi ko.
“A-Alam mo?” Tumango siya.
Tumahimik ang paligid namin. Mabilis na namuo ang mga luha ko. Bakit parang ang sakit?
“A-Alam mo pero hindi mo ako pinaglaban?”
Mabilis niyang hinaplos ang mga luha sa pisngi ko.
“Hindi ba at dapat ako ang magtanong niyan? All the things that I’ve done are all for you. Palagi kitang pinaglalaban but I never saw you that you’re willing to fight for me, for us.”
Tumayo siya at tumalikod sa akin. Matagal siya bago humarap muli.
“Kahit dito lang, bumawi ka sa akin. Kapag okay na ang lahat, you may now leave.”
Tumingin siya sa akin at pinisil ang pisngi ko.
“But if I were you, huwag.”
Bumalik ang ngisi niya. Humiga siya sa kama niya, kung saan nakaupo ako.
“Bakit hindi? Sino ka ba ha?”
Halos magulat ako sa sunod na nangyari. Hinatak niya ako, dahilan para mapunta ako sa ibabaw niya.
“I’m your husband, your handsome husband. I bet you can’t find someone like me out there.”
Itutuloy…
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
