Chapter 10

168 4 0
                                        

CHAPTER 10:

Inis akong tumingin kay Chad nang nagpaalam na kami kay Mama.

“Pambihira ka naman, ‘what’ll be gentle’? Gagx!” Tumawa siya.

“Why? Is there something wrong with what I said earlier?”

Hinampas ko siya nang malakas sa balikat, parang wala lang.

“Oo, kabastusan!”

Pinisil niya nang mahina ang mga pisngi ko.

“I don’t think so.”

Nagkibit-balikat ako.

“Anyways, hahayaan kitang pumunta rito sa pamilya mo. Kung gusto mo, sa bahay ko na lang sila tumira.” Mabilis akong umiling at tinignan siya.

“Gagx ka talaga. Galit na galit na nga sa akin nanay at tatay mo, tapos dadagdagan mo pa.”

Naglakad kami papunta sa kotse niya. As usual, siya ulit ang nagbukas ng pinto.

“Holy sht! What the f*ck is wrong with this damn car!”

Hinampas niya ang manibela. Ayaw ba naman umandar ng sasakyan niya.

“May isa pang option, pwede tayong mag-LRT, kaso sasakay ka ba ro’n?” Nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko.

“Malamang.”

Habang naglalakad kami patawid sa kabilang kalsada, nakita ko isang babae na lumapit at kinausap si Chad.

“Hello, tara, sandali lang oh.” Masamang titig ang binigay ni Chad, pero malanding ngumiti ang babae.

“Sige na, baby.” Akmang hahawakan ng babae si Chad nang hawiin niya ang kamay nito.

Gulat na tumingin ang babae kay Chad.

“Don’t you DARE.”

Hinawakan ni Chad ang kamay ko at umakyat kami sa taas ng station. Tahimik siya, nakatingin sa paparating na tren.

“Ma’am, pahintay na lang po, huling tren na po kasi ‘yan.”

Tumango kami, nakita kong pinaglalaruan niya ang kamay ko habang hawak niya ito.

Marahan niyang hinahaplos at pinipisil ang kamay ko.

Napangiti ako. Bigla kong naalala noong bago pa lang kami—hindi siya nagbago, sweet pa rin katulad ng dati.

Sumakay na kami ng tren at, kung minamalas ka, last train pa lang, punuan na. Pareho kaming nakatayo. Pwede sana ang bus, pero malayo masyado sa bahay nila Chad—dalawang jeep pa ang kailangan.

Magkatabi kami ni Chad habang nakahawak sa handrail. Kumunot ang noo ko nang may naramdaman akong kakaiba sa likod ko. Nang tumingin ako, napansin iyon ni Chad. Ramdam ko ang masamang titig niya sa lalaki.

Marahan akong hinatak ni Chad at sinandal sa pinto ng train, sa kabilang side na hindi bumubukas.

“F*ck that man.” Umigting ang panga niya at huminga nang malalim.

“Did he f*ckin’ touch you?” Mabilis akong umiling.

Habang tumatagal, nababawasan na ang mga tao sa train. Hanggang sa ilang tao na lang ang nandito—walang pakialam at tulog pa sila; may isa pa na nakasuot ng earphones. Wala pa rin kaming upuan dahil ‘yong mga nakaupo ay hindi pa bumababa.

Nagulat ako nang makita ko ang lapit ng mukha ni Chad.

“A-Anong ginagawa mo?” Dinampian niya ng halik ang labi ko at sinandal ang ulo sa balikat ko.

TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon