CHAPTER 22
Nang makauwi kami galing Star City, walang kumibo ni isa sa amin simula kahapon. Aba, ayaw ko nga! Nakakahiya ‘yong ginawa ko sa kaniya—kahit kahapon pa ‘yon!
“Eli? Iyong nangyari kanina… kakalimutan ko na lang. Ayokong hindi ka comfortable kausap ako.” Ngumiti siya, dahilan para takpan ko ang mukha ko.
MALANDI KA, FELICITY! PINAGTATAKSILAN MO SI CHAD!
Eme, siya nga may girlfriend na eh.
Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang dalawa kong kamay at marahang ibaba ito.
“Eli? Sabi ko, kakalimutan ko na lang ‘yong nangyari kahapon. Ayoko lang na hindi ka comfortable sa akin tapos magkasama pa tayo sa condo ko.”
NO! PARA AKONG KINUKURYENTE SA HAWAK NIYA!
“May lagnat ka ba?” Hinaplos niya ang noo ko.
“Wala naman eh, pero pulang-pula ang pisngi mo.” Pinisil niya ang pisngi ko dahilan para manigas talaga ako sa upuan.
Hindi ko na kaya! Mabilis akong tumayo at tumungo sa balcony. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. HAYOP! MAMAT4Y AKO RITO!
Unang-una, kinuha ko ang first kiss niya. Pangalawa, hinalikan ko siya sa Giant Star Wheel. ANONG PANGATLO?!
“Ayaw mo naman akong kausapin eh, ikaw na nga ‘tong humalik sa akin.” Ngumuso siya habang nakatingin sa labas ng balcony.
HUWAG MO NANG IPAALALA! NAHIHIYA AKO!
Napalunok ako at humarap sa kaniya.
“Sorry, nahihiya lang kasi ako.” Tumawa siya nang mahina at humarap sa akin.
“Anyways, invited tayo sa kasal ng ex-husband mo.” Mabilis na nanlaki ang mata ko.
Hindi agad akong nakapagsalita. Mabilis na nagtubig ang mga mata ko. Joke ba ito?
“Seryoso ba?” Tumango si Gavin sabay haplos ng luha sa pisngi ko.
“Hindi ka naman kasabwat ni Chadwick, hindi ba? Hindi mo naman pakana ito?” Kumibot ang labi ko habang nagsasabi.
Matagal niya akong pinagmasdan.
“Kahit kailan, hindi magiging masama ang intensyon ko sa iyo. Alam mo ‘yan, kasi kung masama ang intensyon ko… noon pa lang, hinayaan na kita nang nagkita tayo sa waiting shed.” Ngumiti siya at hinaplos ang luha ko na paulit-ulit tumulo.
“Gusto ko lang din sabihin ngayon ang kasal nila.” Mabilis akong napaupo sa narinig ko.
G-Gano’n na lang ba ako ibinasura ni Chad? Pumantay sa akin si Gavin.
“Nakita mo ba iyon?” Turo niya sa dress na nakahanger pa.
Tumango ako.
“Ayan ang isusuot mo kapag kinasal si Chad mamaya.”
Pinisil niya nang mahina ang pisngi ko at natigilan ako nang marahan niyang hinalikan ang kamay ko.
“Huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita hahayaan na umiyak sa kasal ng ex-husband mo mamaya. Pero syempre, minsan nakakagaan ng loob kapag iniiyak mo.”
Nang bumaba ako sa 1st floor, nakita kong nakikipag-usap si Gavin sa mga empleyado niya. Pareho kaming natigilan nang makita namin ang isa’t isa. Matagal akong tinitigan ni Gavin bago siya lumapit.
“Ready?” Pilit akong ngumiti at tumango.
“Ready!”
Inalok niya ang braso niya, sensyales na ipalupot ko ang kamay ko roon, na ginawa ko naman.
BINABASA MO ANG
TAKE ME BACK TO SEPTEMBER (COMPLETE)
RomanceAfter a year, I met my ex again. And to make things worse, he's going to be my boss at the company I applied for as a secretary. What happens when two ex-lovers reunite? What if, after all these years, you find out your ex still loves you? Would you...
