Terminologies

44 10 0
                                    

Nagkakasunod-sunod ang mga ito ayon sa mga nabanggit sa kuwento.

____________________________________

Mors – Ang islang parang inukit sa bungo ng kamatayan na nababalot ng kababalaghan at pinangingilagan din ng karamihan. Ang isla kung saan patutungo ang hukbo nina Kapitan Aurelio para makipagsapalaran.

Carolina ­– Pangalan ng piratang barko ni Kapitan Aurelio. Parehongputi't itim ang kabuuan ng naturang barko at may suot-suot na itimna watawat na may puting bungo na nangangahulugang kamatayan at dalawangnakasalansang buto sa unahan upang ipahiwatig ang dala-dala nilang panganib sasino mang kanilang matatambangan.

Bermuda – Isang maliit na bayan na kadalasang kuta ng mga pirata at bukod dito'y may bahay-aliwan din sila na kapangalan mismo ng lugar na matatagpuan sa sentro. Ito ang Bermuda,  isang establishment para sa mga kasiyahan at inuman na dating pinagta-trabahuan din ni Tikboy bilang service crew.

Isla ng Kanyon – Islang naging isa sa mga biktima nina Kapitan Aurelio matapos nila itong salakayin upang mangalap ng pandagdag para sa kanilang imbak nang sa gayon ay hindi sila magutom sa kanilang paglalayag papuntang Mors.

Mga Banog – Isa sa mga matitinik na pangkat ng mga piratang mahigpit ding kaaway nina Kapitan Aurelio. Sila rin ang pumaslang sa kaniyang ina.

Katubigan ng Barang – Isa sa mga eksaktong daan papunta ng isla ng Mors sa silangang bahagi ng karagatan.

Isla ng Kanue – Ang isla kung saan pansamantalang tumigil sina Kapitan Aurelio para palipasin ang pangalawang bagyo sa kanilang paglalayag papunta sa Mors at tlad ng Bermuda, hindi na bago sa islang ito ang mga piratang gaya nila.

Karagatan ng Azura Batan – Isa sa mga ruta papuntang Mors.

Arko ng mga Sirena – Tila sinadyang itayo upang maging daanan palabas at papasok sa isla ng Mors. Bukod sa makakapal na mga hamog ay mabato ito't makipot na sapat lamang upang makapasok ang mga barkong kasing laki ng Carolina.

Moryan – Ito ang tawag sa mga sirenang isinumpa ng Bathalang Coroo matapos na umibig sa isang mortal. Ang Moryan ay ang halimaw na kakambal ng mga isinumpa.

Isla Ng MorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon