1

45 4 0
                                    

Chapter 1

Hindi ko alam kung bakit sobra naman ata ang pagkamalas ko ngayong araw. Pinipilit ako nina Papa na magpakilala sa mga tropa nya.  Kung sa school nga iniiwasan ko ang introduce yourself! Dito pa kaya sa bahay namin! Like what am I supposed to say? 

"Si Roella nalang talaga pag asa ko sa buhay, hinihintay ko nalang magtapos yan at gagana na talaga ang buhay ko." saad ni papa sakanyang mga kaibigan. Peke akong ngumiti sakanilang lahat, para akong kamatis na ginigisa ngayon.

"Tama, sa tagal mo ba naman yan binuhay mag isa." sabat naman ni Tito kasabay nang pag ngisi ni papa. Tahimik nalang akong umupo sa gilid, at ayokong may sabihin pa sila saakin kaya iniwasan kong makipag eye contact.

"Ilang taon ka na ba, hija?" tanong ng isa nilang kasama.

"17 po." maikling sagot ko at tinanguan lang naman nya ako at nginisian.

Halos inantok na ko sa kwentuhan nila kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko nang medyo nalasing na sila. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang nararamdaman ko ngayon, I have this thing na every time I feel something unsual, I write it as a poem. I don't do this often since feeling uncomfortable is rare for me.

Empty

Waiting for stars to hear me

Broken heart now I see

Pressure is up on me

They're waiting for me to succeed

Wake me up in the morning

When everything is shining

Gotta start believing

To the dream, I want to be in

Hanggang dyan lang ang kaya ko, at palagi kong hindi natatapos ang mga ginagawa kong tula. Tinry ko naman ipagsama ang iba kong draft as one pero hindi bumabagay, at ang meaning ay hindi parehas.

I'm scared of finishing it. Feel ko rin kasi hindi maganda ang kalalabasan, and It's not like this is a job for me to finish. I just do it whenever I want to. I sometimes share it on my twitter account, and that's how I got my followers.

My followers were telling me that they could always relate to my poems, and they were begging me to tweet more often. But I can't give them that, because I'm scared of failure... Maybe, they will feel bad about one of my tweets and bash me.

But again, it's not like it's a big deal for me. I charged my phone and went to sleep in peace because finally tulog na sila Papa. Sabado bukas at wala kaming plano gumala nila Lexi kaya dito lang ako sa bahay, wala naman ako choice. Buong araw lang ako inutusan ni Papa na linisin ang mga kinalat nila kagabi. Ngayong araw na rin kasi aalis si Tito kaya medyo maganda ang mood ko kahit pagod ako sa paglilinis.

Ganun kabilis lumipas ang isang buwan saakin dahil hindi ko sila masyado iniintindi.

"Bilisan mo naman dyan, andami pang kalat dito oh!" sigaw saakin ni Papa, patago naman akong umirap.

Funny how he said nice things about me to his friends last night but he treats me like his slave. Kung may kapatid lang talaga ako, sakanya ko iuutos ang lahat ng ito.

Mga alas tres din ako natapos sa paglinis at tumigil lang nang tumunog ang phone ko. Tinabi ko na ang mga ginamit kong pang linis at umupo sa sala para tignan kung ano yung nag notif.

Galing sa twitter, comment ata... Pinindot ko yung notif na yon at direkta naman nya ako pinunta sa mismong comment section.

Lennon De Chavez @lemonDC  35s

ang asim

veveezc @violetcruz  22h

u never disappoint us

Flowing RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon