2

35 4 0
                                    

Chapter 2

Gabi na rin ako nakauwi matapos ng una naming practice kasama ang mga kabanda ko. Nagulat pa nga ako na mas maaga pa akong naka uwi kaysa kay Papa. Lasing nanaman sya at bukambibig ang pagiging walang kwentang anak ko habang nanghihingi ng pera pang sabong.

When will my life's going to be over?

"Pa, sa sabado pa po ang sweldo ko, wala na talaga natira saakin." sabi ko pero mas lalo lang sya nagalit at nagbasag pa ng mga gamit.

"Huwag kang magsinungaling saakin, Roella! Alam kong tatlo ang trabaho mo kaya imposibleng wala kang pera ngayon!" sigaw pa nya saakin at dun na ako sumagot dahil napuno ako sa galit.

"Yun na nga pa eh, ako yung anak pero ako ang nagtatrabaho para buhayin ka! Bakit? Senior ka na ba? Hindi ka na ba maka lakad?? Halos lahat pa ng sweldo ko kinukuha mo tapos ngayon tatanungin mo ako kung bakit wala nang natira??" nilabas ko na ang lahat ng saluobin ko tungkol sa pera, hindi lang yan ang meron ako... Kung alam niya lang kung gaano karami ang tinatago kong galit..

Agad akong naka tanggap nang malakas na sampal sa mukha mula sa kaniya. Natawa nalang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Ang kapal ng mukha mo sumagot sagot saakin ngayon ah?!! Nakalimutan mo na ata na ako ang nagpalaki sayo? Siningil ba kita?? Siningil ba kita, ha?!!"

"Hindi pa ba paniningil ito??! Pinarusahan mo ako nang sobra sobra, hirap na hirap na ako Pa... sana alam mo yun."

"Alam ko, kung hindi ka lang iniwan saakin ng Nanay mo edi sana wala na akong pabigat na binubuhay ngayon."

"Pabigat??? Binubuhay??? Talaga ba Pa?? Talaga???" Sa tingin ko ay nawala na talaga ako sa sarili, alam kong pagsisisihan ko rin na ginagawa ko ito ngayon.

Ang tanga mo, Roella!

"Ayaw mo naman pala saakin eh, kaya pala... Sana iniwan mo nalang ako sa ampunan, mas gugustuhin ko pa lumaki doon kaysa tumira kasama ka." nagkulong ako sa kwarto ko at nilabas ang mga iyak ko.

Sumigaw ako sa ilalim ng unan dahil hindi ko talaga kayang ilabas yun nang harap harapan kay Papa. Wala pa sa kalahati yon. Senior high palang ako, dala dalawa na trabaho ko! Pineke ko pa sa resume na 18 na ako para matanggap ako sa mga hiring! Hindi lang puro inom ang alam ko sa buhay!

Kinabukasan ay expected ko ng maga ang mata ko, pero pumasok pa rin ako dahil,

"Hoy, defense natin ngayon bakit ka nagpuyat!!" bungad saakin ni Lexi

"Nag aral ako." simpleng sagot ko at inunahan nalang sya maglakad. Wala ako sa mood para makipagkwentuhan, masyado pang mapait saakin ang nangyari kagabi.

"Wait lang!" tumakbo sya para sabayan ang lakad ko.

"Ano ba talaga nangyari? Bestfriend mo naman ako ah, bat ayaw mo ichika??" pag kulit nya pa.

"Sa susunod na lang, huwag muna ngayon please kailangan pa natin mag ready."

"Pero--" Paakyat na kami sa hagdan nang may nabunggo nanaman ako ng naka red hoodie na lalaki.

"Tang ina naman! Hindi ka ba marunong maglakad??!!" sigaw ko kay Lennon at diretsong umakyat nang naka busangot.

Hindi na ako kinulit ni Lexi dahil napagtanto nyang wala talaga ako sa mood. Pero narinig ko siyang nag sorry kay Lennon para saakin, nagkwento pa na meron daw ako kaya naiirita ako.

"Ilugar mo yang galit mo ah, baka mamaya murahin mo ang panelist." saway saakin ni Jeisha

"Alam ko."

"Hmm," inabutan nya ako ng yakult at walang ibang sinabi.

Flowing RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon