12

20 4 0
                                    

Chapter 12

R-18

"Sulitin natin itong celeb party na 'to ah, dapat lasing na lasing tayong uuwi!!" hiyaw ni Jeisha saamin, hindi matago sakaniyang mukha ang pagka tuwa.

"Dalawa ang icecelebrate natin, una ang pagkapanalo nating lahat, pangalawa ay ang pagiging official Z artist ni Roella!" dagdag naman ni Lexi

"Tatlo kamo! Dahil official couple na sila ni Lennon!!" napa padyak pa sa kilig si Jeisha nang sinabi niya iyon, wala pa kaming naiinom kahit isa pero parang lasing na agad ang babaeng 'to!

Nasa sasakyan kami ni Lexi papunta sa Sunrise Chasers kung saan kami magkikita kita ng The Rock Stars at ng The Red. Bumabagabag tuloy sa isipan ko kung magiging okay ba sina Lexi at Jax mamaya pag nakita sila.

"Sure ka bang kaya mo na siyang harapin?" seryoso kong tanong kay Lexi na katabi ko.

"Sakaniya dapat itanong yan." taas noo niyang sabi at napa buntong hininga lang ako, first time ata magkaroon ng legit boyfriend si Lexi pero ngayon pa talaga nagkagulo. Dati pa man din ay mataas na ang pride niya kapag nag aaway sila ng ex niya dahil gusto niyang sinusuyo siya. 

Nakapa arteng babae!

"Kung hindi man maging okay, iinom mo nalang!" pandedemonyo ni Jeisha sa harap namin, katabi niya ang driver ni Lexi na tumatawa lang saamin.

"Ano ba ang tatargetin natin tonight? Anong cinecrave mo?" tanong ko sakaniya at naging oa nanaman ito.

"Margarita, Sex on the beach, Vodka, COCKtails--"

"Ay bet ko yan!" pagputol ni Lexi sakaniya. Grabe naman parang inuhaw nang tatlong buwan sa alak ang dalawang ito!

"Hoy, don't give us judgemental look ganto ka rin dati before you met Lennon. Feeling dalaga ka ngayon eh!" aniya nang nakita niya ang pag make face ko.

"Wag ka, nagpa ligaw yan nang isang linggo."

Natahimik nang ilang segundo ang kotse nang nagkatinginan kaming tatlo atsaka malakas na tumawa. "Oo na puta, sex on the beach tayo!" 

"I'm a Martini girly, babe." maarteng sagot saakin ni Lexi

"Sus, gin bilog nga lang tayo dati tsaka pineapple juice!" saad ni Jeisha at muli kaming nagsitawanan. Totoo naman kasi yun, dati nga mas trip ko pa ang pulang kabayo.

Hindi ata mauubos ang energy ko kapag kasama ko ang dalawang ito, I could never find a friend same as them. Iba sila dahil naka tatak na sila sa puso ko.

Parang buong estudyante ng Diliciae University ang laman ng Sunrise Chasers nang nakarating kami doon kaya nahirapan pa kaming hanapin ang mga kasama dahil marami kaming kakilala na binati.

Isa sakanila ang nagturo kung nasaan sina Magnus kaya nagpunta kami sa direksyon na iyon. "Queen is here!" hindi ko alam kung sino ang nagsigaw nun dahil sa dami ng tao pero naging dahilan yun ng pag sigaw nila sa pangalan ko.

I particularly chose this bar to have a private party pero mukhang invited ata ang lahat kahit ang mga pabigat sa research paper namin noon!

"My gift for you, congratulations." nilahad saakin ni Magnus ang isang basong vodka at hindi ko naman tinanggihan yun at ininom ng isahan lang.

"Where's Lennon?" tanong ko agad sakaniya nang naka get over na ako sa isang shot na yun.

"You'll see later." nginitian lang niya ako saka umalis na at pumunta sa iba niyang tropa. Napansin kong halos lahat din ng tao dito ay kakilala niya, apo ba naman ng dean.

Matagal na nagka eye contact si Lexi at Jax at parang sira ulo na biglang tumawa sa isa't isa at naghalikan sa harap namin ni Jeisha!!

Parang kahapon at kanina lang ay galit na galit sila sa isa't isa at ayaw magkita pero ngayon ay hindi na sila mapagkahiwalay. Nakakapagtaka talaga kung tatagal ang dalawang ito eh.

Flowing RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon