Prologue
"Roella, hinay hinay lang sa pag inom. Baka mamaya hindi ka na makauwi nyan." my friend Jeisha scolded me.
"Come on, we're celebrating!" hinila ko ang kamay nya at sumayaw.
Kakapanalo lang namin sa debate and we deserve to celebrate after all the hard work we've been through! Lalo na ang paghihirap saamin ni Sir Asuncion! Muntik ko na nga sya isumpa kung hindi nya kami ipapanalo eh!
"Girl, pagagalitan ka ng papa mo. For sure lasing nanaman na uuwi yon. Baka sabay pa kayo sumuka sa isa't isa, bonding nyo na ba yan?" pag asar saakin ni Lexi habang tumatawa
Napatigil ako sa pagsayaw tsaka sya inirapan at kinuha na ang bag ko sa upuan.
"Gusto mo ba magpahatid kay Johann?" tanong ni Jeisha, tinutukoy ang kapatid nya na may gusto saakin.
Palagi akong kinukulit non, ewan ko ba simula nung pumunta ako sa bahay nila Jeisha ay naging crush na nya ako. Samantalang tuwing nakikita nya ako noon wala naman syang pakealam sakin!
"Don't even start with me." wala sa mood kong sabi at sinuot nalang ang bag ko at nagpaalam sakanila.
Sumakay ako ng jeep at pagbaba sa palengke ay bumili na ako ng lulutuin para kay papa. Ayaw kasi nun na umuuwi nang walang pagkain sa bahay. Inaabonohan ko nalang ang pangbili dahil wala naman binibigay na pera si papa saakin. Nang nabili ko na ang lahat ng kailangan ko ay dumiretso na ako sa bahay, malapit lang naman yung talipapa saamin kaya hindi na ako nahirapan.
Mabuti nga na hindi ako masyado lasing dahil baka wala na akong magawa na matino. Nagulat ako nang pagpasok ko sa pinto ay si Papa na agad ang bumungad saakin.
Naunahan nya ako umuwi!
"Maglinis ka ng bahay, uuwi si Arwin dito bukas. Tas bili mo na rin ako ng yosi." utos nya saakin at nilapag ang barya sa lamesa tsaka sya nanood ng tv.
"Mga ilang araw makikitulog si tito dito, 'Pa?" takang tanong ko.
Mukhang gaganahan nanaman ako pumasok araw araw para hindi ko makasalamuha si Papa at Tito dito sa bahay.
"Anong araw, dalawang buwan kamo!" natatawa nyang sagot sa tanong ko.
Napatahimik nalang ako at umiling. Nilapag ko ang mga pinamili ko sa lamesa tsaka bumili ng yosi ni Papa. Pagbalik ay nagluto na ako, at pagkatapos namin kumain ay naglinis na ako habang si Papa ay natulog na agad. May research pa pala akong gagawin mamaya, magpupuyat nalang ako.
Mga alas onse rin ako natapos sa paglinis dahil nag breakdown pa ko habang naglilinis. Naligo ako at nag skin care nang mabilisan bago chinat sina Lexi at Jeisha.
roellaellera:
girl san na kayo, pasok na kayo sa docs tapusin na natin to ngayon
jeishamae:
here na me, edit mo access
lexi.on.top:
inaantok na ko, pwede ba gawin nalang natin to bukas sa lib
jeishamae:
hoy bukas na pasahan neto
roellaellera:
mas antok na ki kesa sayo naglinis pa ko ng buong bhay
jeishamae:
ayan inom pa
lexi.on.top:
tite ikaw nga nagyaya
jeishamae:
ay