Chapter 20
"Ano kaya mo pa ba? Sabihin mo lang kung hindi na, pwede naman ako nalang ang pumalit sa'yo." natatawang biro saakin ni Lotte.
Sunod sunod kasi ang schedule ko for photoshoot, commercial, and music video shooting for my new album. I actually don't know how that happened as well, nalaman ko nalang bigla nung niremind ako ng p.a. ko na si Marie.
"Even if I can't anymore, I have to. Kailangang i-promote ang bagong product ng Fuerte, and it has a deadline." napahawak nalang ako saaking sentido, pinipilit na kumalma kahit patong patong na gawain na ang nakaabang para saakin.
"But why did Abuelo chose you to be the calendar girl? Why not other celebrity or model that are in demand today." inaalala nya kasi ang image ko bilang artist, baka isipin nila ay puro na ako pasexy ngayon compare noon na puro lang ako kanta.
"I guess... that's part of my job as an ambassador." tumikhim nalang ako at sinandal ang ulo sa upuan habang minemake-upan ako.
"Ma'am, pang limang request na ata saakin 'to ng Z company, iniinvite ka po nila na mainterview eh kahit ilang beses ko na rin sinabi sakanila na ayaw mo." nagulat naman ako sa sinabi ni Marie, hindi nya pa saakin nainform ang tungkol 'don nung first request nila.
Siguro ay inakala nyang hindi ako papayag dahil sa history ko sa kompanyang yon, pero hindi ko rin mapigilang isipin na wala naman sigurong masamang mangyayari kung pumayag ako sa gusto nila.
Tutal ay interview lang naman yun.
Marami naman ng uminterview saakin pero... iba kasi ang Z company.
Hindi naman parte ng trabaho ni Marie na asikasuhin ang mga iyon para saakin, pero dahil wala akong manager ay sya na ang umako nun.
It was my choice to not hire a manager for me. Pinanindigan ko kasi ang pagiging independent ko.
"Set a date, Marie." sabi ko na ikinalaki ng mata nya, nagulat silang pareho ni Lotte na pumayag ako.
Hindi agad sila nakasagot at parang binabasa nila ang mukha ko kung seryoso ba ako, "Ah! Yes ma'am." aniya tsaka umalis.
Inikutan naman ako ni Lotte at pinagmasdan ang buong katawan ko habang nakakrus ang dalawang braso.
"Paano kung magkita uli kayo? Ready ka na ba?" nang aasar ang tono nya habang sinasabi nya yun saakin, mabuti nalang at tahimik lang ang make up artist ko at hindi pinapansin ang pinag-uusapan namin ni Charlotte.
Halos nakwento ko na kasi sakanya ang buong buhay ko, para ko na siyang best friend at kapatid. At kahit malayo ang agwat ng edad namin ay parang nagkadikit nalang iyon dahil sa closeness namin. Magpinsan pa rin naman kasi kami.
"Imposibleng magkita uli kami, pupunta lang ako 'don para sa interview. Ipopromote ko lang ang new album ko at ang new product ng Fuerte. Diba, sobrang responsible ko?" nginisian ko siya nang sinabi yun.
"Miski na, ihanda mo pa rin ang sarili mo kung sakaling makita mo siya." ngumiwi siya saakin at nagpaalam ng aalis.
"Bakit ka pa kasi dumaan dito, eh alas tres ang flight mo 2:30 na!" panenermon ko sakaniya, uuwi kasi siya sa Spain dahil may aasikasuhin siya sa Fuerte.
"Tsk, I own the jet. Bye, babe." niyakap niya ako tsaka umalis na.
Sumunod naman na pumasok sa pinto ang isang staff at tinawag na ako dahil hinahanap na raw ako ng director.
Gabi na rin natapos ang shoot dahil naka ilang sets pa kami.
Hindi na ako umuwi sa Flora Vista dahil sa pagod at malayo, dumiretso nalang ako saaking penthouse sa Deliciae.
![](https://img.wattpad.com/cover/336778492-288-k838408.jpg)