Chapter 19
"I might be late for the show tomorrow... Can you cover up for me?"pakiusap ko kay Lennon at tumango naman ito kaagad.
"Hahabol ako."
Sigurado akong marami ng issue ang lumabas matapos ng nangyari kanina, bigla nalang kami umalis sa stage at hinayaan si Winona na ang magpatuloy ng show.
That was so unprofessional.
"Take care." naghiwalay na kami ni Lennon dahil kay Tito na ako sumabay at babalik na si Lennon sa concert.
"I-I can't believe that this day would come... They would be so surprised." natutuwang sabi ni Tito habang siya ay nagmamaneho.
"Hindi ko po alam kung paano ko sila haharapin, o kung anong sasabihin ko kapag nagkaharap na kami. Ang alam ko lang ay gusto ko silang makita..." wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa bintana.
"Just follow what you heart says, we're a family." sagot naman ni Tito.
"Saan po ba kayo nakatira? Mukhang malayo pa ang byahe natin ah." takang tanong ko dahil hindi pamilyar ang lugar na dinaanan namin.
Nakita kong ngumisi siya bago sumagot nang maikli, "Flora Vista."
Agad naman na umuwang ang bibig ko sa gulat at sa hindi pagkapaniwala, pamilyar saakin ang lugar na iyon dahil puro mayayaman ang mga nakatira doon at halos lahat sila ay may pag aaring lupain bukod sa kanilang mansyon.
At isa ang Asuncion sa mga nakatira doon?!
Nung una ay akala ko may kaya lang sila mula sa kwento saakin ni Tito Arwin at parang inexaggerate niya ang pagiging oa sa yaman ng Asuncion pero higit pa pala yun sa kwinento niya.
Nakita ko naman na tumawa si Tito sa reaksyon ko at parang normal nalang sakaniya na ganito ako magrereact.
Nanahimik nalang ako at nakatulog dahil sa haba ng byahe, sa maikling oras ay nakapag pahinga na rin ako sawakas. Sobrang daming nangyari sa araw na ito, at bilib akong nasurvive ko ang lahat ng 'yon.
Nagising lang ako nang huminto na ang kotse sa tapat ng malaking mansyon at pagkababa namin ay kinuha ng isang lalaki ang susi at siya ang nagpark ng kotse ni Tito.
"Welcome to your home." wika ni Tito na tumagos kaagad sa puso ko. Pinaramdam niya agad saakin na parte na ako ng pamilya kahit kakarating palang namin.
"Halika, pasok." ngumiti siya saakin at inalalayan akong maglakad.
Sumalubong saamin ang mga babaeng naka uniporme na ang hula ko ay kasambahay nila. Pero bakit ang dami?
"Where's Mom and Dad?" tanong ni Tito sa isa sakanila.
"They're in Dining Hall, Sir." matikas na sabi nung babae at may accent pa!
Napansin kong nakatingin sila lahat saakin at nagtataka na may bisita pa si Tito ng gantong oras.
"Oh... Roella, this is our housemaids."
"Uh--Hello po."
"She is the real Roella." sabat pa ni Tito bago nila ako binati na may gulat ang mukha. Kung ganoon, alam din pala nila ang tungkol saakin...
"Good evening, Ma'am." sabay sabay pa nilang sabi na ikinailang ko.
"Let's go?" anyaya ni Tito at inunahan na ako maglakad. Dumiretso kami sa Dining hall na sinabi kanina nung babae.
Pero bago pa kami pumasok ay huminga muna ako nang malalim at hinanda na sa isip ko ang mga sasabihin ko sa kanila.
"Loosen up, this is not a research defense. You're just meeting your family." biro saakin ni Tito bago kami pumasok sa loob.