13

20 4 0
                                    

Chapter 13

Tila isang malaking biro kung papangarapin kong maging panaginip lang ang lahat nang nangyari kagabi. Pero sa kamalasan ko sa buhay ay nagising pa ako.

Sakit sa buong katawan ko agad ang naramdaman ko at nakita ang mga dugo sa kumot. Parang hindi ata mawawala sa isipan ko ang nangyari kagabi, sira na ang buong pagkatao ko. Halos walang mapasok sa isipan ko kundi ang umiyak sa sakit at galit.

Hindi ko magawang lumabas sa kwarto ko dahil natatakot ako na baka may mangyari muli, mas lalo lang ako nawalan ng pag asa nang nalaman kong nag iisa nalang ako sa buong bahay. Mukhang tuluyan nang umalis si tito matapos niya akong gahasain. Dapat ay masaya ako na wala na siya, pero wala ng tutulong saakin. 

Paano ako tatayo nang tuwid sa sarili kong paa muli gayung pinilay na niya ako.

Para akong baliw na tingin nang tingin sa pinto kung naka lock ba yun, at sa bawat tunog na marinig ko mula sa labas ay kinakabahan ako na baka pasukin ako. Pinilit kong balewalain ang mga iyon kahit sa bawat katok ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Halos dalawang araw din ako nag kulong sa kwarto at hindi lumabas o kahit kumain lang man, nang dumaan ang lunes ay dun lang muli ako nabuhayan. Dahil pinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay hindi ako liliban sa mga klase.

Mula nung party hanggang ngayon ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na tignan lang man ang phone ko dahil low bat yun, nawala rin kasi sa isipan ko na icharge pa yun. Kaya wala akong kaide-ideya kung ano na ba ang mga nangyari sa mga kaibigan ko.

Gustong gusto kong humingi ng tulong pero binibigo ako ng sarili ko dahil hindi ko man lang mabuka ang bibig ko sa mga taong nakakasalubong ko.

Noon pa man ay pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante kapag nadadaanan nila ako pero hindi ko alam kung bakit iba ang dating ng tingin nila saakin ngayon. Parang may panghuhusga at pag dismaya.

Mabilis akong tumakbo patungo sa cr at hinugasan ang kamay ko at kiniskis yun nang ilang beses, dahil pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko. Na kaya ako pinagtitinginan ng mga tao dahil nadudumihan sila saakin.

Halos magka-sugat na ang kamay ko kaka-kiskis ko nun nang bigla may pumigil saakin. "Roella, anong nangyari sayo! bakit hindi ka namin matawagan? Naka uwi ka ba nang maayos nung biyernes? Pumunta kami sa bahay mo pero mukhang walang tao--saan ka ba nanggaling" sunod sunod ang mga tanong na ibinigay saakin ng dalawa.

"Kasama namin si Lennon 'nun at alalang alala siya sayo, nakapag usap na ba ulit kayo? Hindi ka raw nagseseen sa mga messages at tawag niya. Nakapag review ka na ba sa exam natin--yun ba ang inatupag mo kaya hindi ka nakapag online?"

"Nagmessage rin saamin si Angel dahil hindi ka nila macontact, may meeting daw dapat kayo nung sabado sa Z company pero hindi natuloy dahil wala ka. Mukhang importante pa man din dahil yung mismong boss daw ang kakausap sainyo."

Para akong nadagdagan ng panibagong sako ng problema nang narinig ko ang mga sinabi nila, sa dalawang araw na nawala ako ay dumami lang ang mga problema ko. Ang mas masakit ay akala ko katapusan na ng mundo ko pero nagpatuloy lang ang sakanila.

I feel so left behind.

Halos maiyak muli ako nang nakita ko ang sarili sa salamin, walang buhay ang mga mata ko at bakas na bakas pa rin ang mga pasang binigay saakin ni tito. At dahil nawalan na ako ng oras para plantsahin ang uniform ko ay gusot na gusot 'to ngayon.

Mabilis silang lumapit saakin at pinatahan nang tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko, si Lexi ay isinara ang pinto ng cr para solohin namin ito dahil baka may makakita saakin na ganito ang itsura ko.

Hindi ko magawang mag salita dahil humahagulgol ako, huminga muna ako nang malalim bago ko tuluyang sabihin sakanila ang lahat nang nangyari.

Hindi sila makapaniwala pero sapat na ebidensya na ang mga pasa ko para hindi na dagdagan pa ang mga paliwanag ko.

Flowing RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon