Chapter 5
Halos hapon na rin ako nagising dahil inumaga kaming tatlo sa club. At ang tawag pa ni Lennon ang nagpagising saakin na malapit na raw siya rito para sunduin ako. Napatingin ako agad sa oras at nakitang 4:10 pm na!!!! Siguro, kung hindi siya tumawag ay gabi na ako magigising!
"Shit!" Hindi na ako naligo pa at nagpalit nalang ng damit. Kinuha ko ang unang damit na nakita ko sa aparador ko, black cardigan at black pants.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang naka busangon, "Pwede na yan." Sakto naman na nag bumusina ang kotse ni Lennon sa labas ng bahay namin! May kumalat pa na mascara sa mata ko! Tinakpan ko na lang yun ng sunglass at kinuha ang bag ko tsaka lumabas.
Wala si papa sa bahay, hindi ko alam kung bakit kaya wag niyo na ako tanungin. Paglabas ko sa pinto ay bumungad saakin si Lennon na nakasandal sa kotse niya habang hinihintay ako. Pansin kong iba ang kotse niya ngayon kumpara sa nakaraan. I think it's a bugatti chiron. Kung ang kotse niya nung nakaraan ay vintage vibes, eto naman ay billionaire vibes!
"Hi... Sorry kung napaghintay kita." pagbati ko at ngumiti naman siya.
Sabay kaming pumasok sa loob at sinuot ang seat belt. Tahimik lang ang byahe namin at kung hindi niya ako tatanungin ay baka nakatulog na ako.
"Do you have a song in your mind?"
"Uhh... wala pa." pag amin ko at kinuha ang cellphone sa bag para maghanap ng kanta na iduduet namin sa intrams.
Shit! Lowbat pa pala ako, nakalimutan kong icharge! 14 percent. Wala pa akong data! Pinatay ko nalang yun at nag isip nalang ng pwede namin i-cover.
"Until I found you?" suggest ko, hindi naman siya umimik pero plinay niya yun sa speaker.
"Sabayan mo ako..." utos niya at napa tango naman ako
"I would never fall in love again until I found her." he then raised his hand, signaling me to stop.
"I said, I would never fall unless it's you I fall into." pagkanta niya at tinuro naman ako, sinasabing part ko na.
"I was lost within the darkness, but then I found her." awit ko at napa ngiti naman siya habang tumatango.
I like it! We both like it!
"I found you..." sabay namin
"Hmm." pag hum ko sa dulo
"Now imagine playing this with electric guitar." nasasabik niyang saad at naalala ko namang hindi ko pala dala ang gitara ko!
"Damn it, I forgot my guitar. Can we go back?" nahihiya kong sabi
"No, it's okay. You can use mine... If that's cool with you--"
"Yeah, it's fine." umiling ako at napa kagat sa labi.
"Nandito na rin kasi tayo." aniya at pinark ang kotse.
Of course! How stupid of me!! Nakakahiya tuloy! Sorry kakagising ko lang!
Pagdating sa elevator ay tahimik lang kami as usual, but then I remember our first encounter! That was so random! Pero napaka awkward talaga na magduduet kami neto, because I hated him. The annoying red hoodie that he still always wears. And the unexpected bumping that we just laugh about now. How did we overcome it, it happened so fast!
"Sorry nga pala nung thesis week, naalala ko lang. I was just not in the mood at that day and nakakainis pa na nagkabanggaan nanaman tayo for like four times?" paghalakhak ko at natawa rin naman siya.
"I used to think that it wasn't a coincidence." saad niya
"I know right!" sabat ko, sakto naman ang pagbukas ng elevator kaya pumunta na kami sa unit niya. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/336778492-288-k838408.jpg)