Chapter 8
"Sorry guys, 'di muna ako sasabay. May maghahatid saakin eh." malandi kong pagmamayabang kina Lexi
"Hoy teka, sa fri ba afterparty?" pahabol na tanong ni Jeisha nang pasakay na ako sa kotse ni Lennon.
"Oo, takam na takam ka naman uminom!" natatawa kong sigaw sakaniya tsaka kumaway at sumakay na sa loob. Sinoot ko agad ang seatbelt at nilagay sa lap ko ang mga flowers na natanggap ko ngayong araw.
"I love your smile, you look so happy." wika ni Lennon
"Sorry kung natalo namin kayo, hindi ko sinasadya." seryoso kong saad sakaniya. Hindi ko rin inaasahan na matatalo namin ang banda nila. Ang alam kasi ng lahat ay sure win na sila eh.
"It's fine, para ikaw naman ang manlibre ngayon." biro niya
"Baka naman sa mamahalin mo gusto kumain ah, 'di ko kaya yun." sabat ko at napayakap sa bulaklak.
Ngumisi lang siya saakin at nag focus na sa pagmaneho. Chineck ko naman ang cellphone ko at nakita kung gaano karami ang mga notifs. May mga nakapag post na pala ng botb awards kanina at cinongratulate kami. Tinadtad naman ako ng messages ng mga friends ko sa fb. Pinasalamatan ko sila pero hindi lahat dahil sobrang dami nila. Mukhang kakailanganin ko na maglagay ng account control.
Nakita ko ang video ng performance namin kaya pinanood ko 'yun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa itsura ko o mahihiya! Parang ang over confident ko naman kanina! Ang mas nakakagulat ay yung views nung video! Juskopo! Bakit naman umabot agad ng 3k views eh kanina lang 'to pinost!
Pinagshashare nanaman siguro 'to nina Lexi! Tama nga ako! Nakalagay pa "Ang beshy kong napaka ganda kumanta, pa share naman po thx" Para naman akong uhaw sa likes and comments para sa isang peta!
"Your voice is really addicting." nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Lennon.
Naka loud speaker nga pala ako at naririnig niya kung ano ang pinapanuod ko! "Kanina mo pa ako binobola." naka ngiti ko syang inirapan
he said, "I won't get tired of listening to you"
"Kung 'yan ang paraan mo para makuha ako, I'm telling you... it won't work." napa iling nalang ako sakanya. Tumahimik tuloy ang eksena namin.
Nung tanga pa kasi ako sa pag ibig, sa bola lang ako nakuha ng mga lalaking dumaan sa buhay ko. After nung last ex ko, hindi na ako sumubok pa muli.
Mas nag focus ako sa mga responsibilidad ko. Dahil iyon ang mas kailangan kong unahin. In short, napa aga ang pag tanda ko. Alam ko naman na hindi ako ang mayroon na pinaka malas na buhay. Pero sa sitwasyon ko, mapapa dalawang isip ka nalang talaga kung gusto mo pang bumangon sa umaga.
May mga sumusubok naman na lumapit saakin pero hindi ko sila pinapansin.
But it's different with Lennon. His way of courting me is way too unnatural. Kung sa iba ito, baka sa text lang mapapa 'I love you' ka na agad sa panliligaw nila. But he used the old style of courting.
And I liked that about him.
Because to me, it means so much to treasure the value of your loved one. He respects me.
"Sa paanong paraan ba kita makukuha?" seryoso ngunit mapusok niyang saad
"Bakit? Bagay ba ako para basta basta mo nalang kunin?" napa taas ang isang kilay ko sakaniya.
"No, but you and I... we're bagay." conyo nyang sabi! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa pickup line niya o kikilabutan!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa sa sinabi niya. Alam ko naman na biro-biro lang niya ang mga ito, pero deep inside seryoso talaga siya saakin. Hindi ko naman kinekwestyon yun.