Chapter 3
Today is monday, sa friday ang deadline ng poster and video commercial namin for botb. So far hindi pa uli kami naguusap ni Lennon dahil nga sa defense kaya naging busy din kami. So far, okay na ang lahat sa banda namin. Pati yung ledger record ay tapos na rin namin. Next week na rin kasi ang elimination kaya medyo napadali na namin ang club.
Ang inaasikaso nalang namin as a whole section ay yung booth, pero decorations nalang din naman na iyon kaya tumulong nalang kami.
"Sabihin mo na kasi! Ano ba pinag usapan nyo, ah? Baka mamaya may namamagitan na pala sainyo." nung nakaraan pa ako kinukulit ng dalawa na ikwento kung ano ang pinag usapan namin ni Lennon nung nakaraang linggo.
Dahil maissue sila ay medyo kumalat tuloy na may crush ako sakaniya. Ako pa talaga!
"Paulit ulit? Yung commercial nga lang for botb, ang kulit naman ng pagkatao mo eh." irita kong saad sakaniya.
"Yun lang ba talaga?" tinignan pa nila ako nang nakakaloko. Hindi ko sila sinagot at inunahan nalang sila maglakad. Papunta kami ngayon sa canteen para kumain malamang ano pa ba. Pipila na sana ako nang hinarangan ako ni Johann.
"Huwag na, Roella. May binili na ako para saiyo." malambing niyang inabot saakin ang paper bag ng Mcdo! Paano ko matatanggihan 'to, basta libre walang tanggi!
"Hoy, kumupit ka nanaman kay mama noh??!!" sigaw ni Jeisha sakaniyang kapatid.
"Siya lang ba talaga binilhan mo, Johann? Hindi ba kami kasama diyan?" nag pout pa si Lexi kay Johann. Napa hawak naman sa batok ang binata at ngumiti, "Yan lang kasi kasya sa BAON ko eh." diniinan niya talaga ang salitang iyon para iparinig sa ate niya.
"Johann, huwag mo sayangin ang baon mo para lang pag gastusan ako. Baka magalit si Tita at sisihin pa ako na hindi ka kumakain, pero salamat..." pag saway ko sakaniya.
Nililimitan ko rin naman ang pag kulit sakin ng isang 'to, baka kasi isipin ni Jeisha na ginagamit ko ang kapatid niya para sa mga gantong bagay eh. Magkaibigan kami pero kapatid niya si Johann.
Wala akong gusto sakaniya, pero naaappreciate ko ang paghanga niya saakin. Hanggang dun lang yun, hindi ko rin kasi makita ang sarili ko na makipag date sa mas bata saakin. And I will never date my best friend's little brother.
Iniwanan na rin kami ni Johann matapos niyang iabot saakin ang paper bag. Umupo na ako sa usual spot namin habang ang dalawa ay pumila sa bilihan. Sigurado ako na ako ang pinag uusapan nila, siyempre magkaron ba man sila ng napaka gandang kaibigan.
Hindi ko alam kung bakit ang tagal umusad ng pila, mukhang dismissal pa matatapos ito kaya kumain na ako. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang gutom, hehehe. Dumaan ang ilan sa mga kaklase namin at binati nila ako, para tuloy akong tangang kumakain mag isa dito!
Ang tagal naman kasi nina Lexi at Jeisha eh!
"Can I sit in here? There's no other left tables available." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Lennon sa harapan ko.
Rinig ko ang mga bulungan ng ilang mga estudyante, iniisip siguro nila na may something kami ni Lennon dahil puro yun din naman ang nakikita ko sa twitter simula nung kausapin niya ako mag isa sa room last week!!!
I was about to say that this seat is taken pero agad na siyang umupo sa harapan ko. Wala ba siyang ibang kasama? I usually see him with his friends but he's alone this time.
"Are you free on wednesday??" tanong niya bigla. Napa isip naman ako kung bakit pero agad akong umiling.
Tinignan ko ang pilahan kung nasaan sila Jeisha at ikinagulat ko na ngumingisi silang dalawa saamin ni Lennon at naki upo sa iba!! Napaka plastic na kaibigan!!