Chapter 18
Nagkita kita kaming lahat sa room ni Magnus dahil nag aya itong doon kami mag breakfast, hindi naman kami tumanggi ni Lennon dahil mamayang tanghali pa naman kami aalis.
Halos magkatabi lang din ang room namin kaya hindi na kami nahirapan pang pumunta doon. Pagkapasok ay ang ingay agad nina Raven, Jax, Magnus at Winona ang sumalubong saamin.
Tumutugtog sila at si Winona ang kumakanta.
Ang aga aga eto agad ang trip nilang gawin!
"I didn't know you could sing." hindi makapaniwala kong tingin kay Winona na nagpahinto sakanila.
"Uh..." she acted surprised effortless, which was an act that she really cared.
"No seriously, continue!" natutuwa kong sabi at sinunod naman nila ako
Hindi ko inaasahang maganda pala ang boses niya, sa paninigaw ba naman niya saamin araw araw ay akala ko napaos na siya pero hindi.
Atleast now we found a reason to like her.
"Why hide it... I mean, is this the reason why Z hired you?" Lennon asked like he couldn't believed that Winona has a potential.
"Uh... yeah, they know...But they want me to experience the whole thing first..." she bit her lip, feeling awkward by the topic.
Alam ko na agad na naiilang siya dahil hindi naman siya ganito in normal basis dahil palaging naka kunot ang noo niyan.
"Tara! Kain na tayo!" I saved the tension in the room.
Matapos kumain ay tumambay muna kami at nag kwentuhan hanggang sa nag tanghali na at umalis na kami ni Lennon.
Bumalik kami sa room namin at nag palit ng damit na hindi kami makikilala ng mga tao, nag hoodie lang kami at nag shades at mask.
Nasa kotse palang kami pero hindi ko na mapigilan ang excitement ko dahil kay tagal na talaga nung huli kong kain sa karenderya at hindi na ako makapag hintay!
"There are so many! Saan tayo diyan?" andami naming nadadaanang karenderya pero lahat yun ay puno ng mga tao.
"Sa hindi crowded." nagpatuloy siya sa pag drive hanggang sa may nahanap kaming tagong kainan.
Medyo nakakatakot lang dahil malayo sa hotel namin pero ayos na rin dahil lahat ng kinecrave ko ay nandito!
"You never tried this before?" tanong ko at umiling naman siya.
Agaw pansin ang magara niyang kotse kahit pinark na niya ito sa tabi ng puno.
"I will for the first time, just for you." cheesy niyang sabi at nag order na rin.
Umupo na kami sa malapit at kumain, hinintay ko naman ang reaksyon niya bago nagtanong. "So? How was it? Rank it!" oa kong sigaw at natawa naman siya saakin.
"It's good, ten out of ten." aniya at napa tango pa,
"Weh? Seryoso ba? Baka naman ineechos mo lang ako dahil maooffend ako." tinaasan ko siya ng kilay.
"Maooffend ka ba?" he fired back at agad naman akong umiling.
"Seriously, it's good. I like it." he honestly said so I smiled,
"Thank you for coming with me, and trying new things for me." I said in between of my chewing.
"As long as you're happy." aniya tsaka pinunasan ang labi ko na may kanin sa gilid!
Ooh, that's embarassing!
"Hydrate yourself, please." sambit niya dahil nagsasalita ako habang kumakain nang sobrang bilis.
![](https://img.wattpad.com/cover/336778492-288-k838408.jpg)