14

14 4 0
                                    

Chapter 14

"Patawarin mo ang papa dahil hindi kita naturuan ng mga tamang asal, katulad ng pagsisinungaling!" para akong sinaksak sa likod dahil sa gulat at sakit na naramdaman ko sa mga sinabi niya.

Kumunot ang noo ko nang humiwalay siya sa yakap saakin at nakita ko ang mukha niyang napupuno ng galit.

"Ganyan na ba kalala ang mga delusyon mo at dinamay mo pa ang kapatid ko! Kung alam ko lang nung bata ka pa lang na may sakit ka na talaga sa utak edi sana--"

"Edi sana iniwan mo nalang ako sa ampunan? Yan ang palagi mong sinasabi hindi ba?" pagputol ko sa sinasabi niya at naka ngisi siyang iniwan. Dahil tanggap ko na at napagtanto ko na kahit anong paliwanag o ebidensya na ipakita ko sa tatay ko ay hindi siya maniniwala saakin.

Sasabihin lang niya na iniimbento ko lang ang mga iyon, matapos ng mga paghihirap na napagdaanan ko ngayon pa talaga siya aakto ng ganito.

Parang hindi ko na siya kayang muling harapin, hindi ko na siya kayang tignan bilang ama ko. I thought he would actually care for me, even for once... But I fooled myself again.

I tried to fix it, so many times, but today... I'm just so fucking tired, and I cannot let it pass anymore.

Binalingan ko si Lennon at sinabayan naman niya ako bumalik sa kotse niya. Hindi ko na inabala pa ang mga sinabi ng mga pulis dahil tungkol lang naman yun sa tatay ko, bahala na siya umayos sa problema niya.

Lumipas na ang isang linggo pero hindi pa rin nahahanap ng mga pulis si Tito Arwin, umuwi na rin ako sa bahay dahil wala na ang mga pulis doon at kaming dalawa nanaman ni papa ang naiwan sa loob.

Ang daling lumipas ng problema pero yung sakit at trauma na binigay saakin nun ay hindi nawala, I always feel like a paranoid checking the doors if it was locked and I become conservative to my wearing. My night always feels like a nightmare and every time I wake up it's just another nightmare welcoming me.

Our graduation is in two weeks and the results of our exam will be released today, ang ikinakaba ko ay baka hindi ako naka pasa at hindi ako magmamarcha. Kanina pa ako naghihintay ng email ng results kasama si papa. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang sya nagkaroon ng interest sa grades ko.

"Baka kaya walang nag eemail sayo kasi hindi ka naka pasa!" naiinip niyang sigaw saakin at napa tayo pa, hinayaan ko nalang siya lumabas ng bahay habang ako ay naghihintay pa rin nang biglang tumawag ng video call ang dalawa kong kaibigan.

"Meron na ba sainyo?" sabay sabay naming tanong sa isa't isa 

"Kanina pa ako kinakabahan, alam niyo namang hindi ako nakapag review... paano kung hindi ako makapasa... ano na ang mangyayari sa buhay ko kung hindi ako gagraduate--parang sinayang ko lang ang isang taon ko kung uulit pa ako" pag amin ko ng nararamdaman ko sa kanila

"Teh, madami ka namang option either ipagpatuloy mo ang pagkanta o maging stripper ka nalang." biro ni Lexi

"Why not both?" sabay naman ni Jeisha, inirapan ko lang ang dalawa at nirefresh ulit ang phone ko dahil baka meron na. Alam ko naman na nagbibiro lang sila kaya hindi ako nasasaktan.

"If mangyari nga yun, tama lang na ipagpatuloy mo ang pagkanta kasi ganun din naman ang mangyayari--kailangan mong mag focus sa mga tours mo or whatever at mawawala ka sa mga klase. Tapos mag enroll ka nalang ng another sem, diba." naging seryoso bigla si Lexi

"O baka pwede naman natin pakiusapan ang mga prof, ipaalam natin sakanila ang napagdaanan mo bago ang exam kaya hindi ka nakapag review baka bigyan nila ng consideration--"

"Ayaw kong malaman ng kahit sino ang nangyari saakin..." pagputol ko sa sinasabi ni Jeisha.

"Hindi naman nila ishashare sa media ang private information mo, bawal yun. At kung gawin man nila, pwede natin sila sampahan ng kaso." sagot niya at natahimik naman ako.

Flowing RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon