29

66 1 0
                                    

"Oh dev napatawag ka? May problema ba jan sa manila?" tanong ko kay devash pagkatapos kong sagutin ang tawag nya.

"Hinahanap na nila si francesca drevon kailan mo ba sya ibabalik dito? Hindi mag tatagal baka malaman na din ng iba pa nating kaaway ang kinalalagyan mo mabubulgar ang lahat ng pinag hirapan natin mas malala baka mapahamak ka, kayo." sabi ni devash sakin napatingin ako kay francesca na payapa na natutulog sa kama ko wala syang damit ilang linggo na din meroon nangyayari samin at sigurado akong may mabubuo kami sisiguraduhin kong sakin ang bagsak nya kahit na umuwi pa kame ng manila.

"Matatagalan pa kame dito bro alam mo na gagawin mo." cold na sabi ko kay devash I  heard him sigh.

"Ayaw mo maging selfish pero ano tong ginagawa mo ngayon, pag isipan mong mabuti ang ginagawa mo drevon it's not you anymore hindi lang tayo pinapakelaman pa nila mom and dad but I know sooner or later they will, wala akong idea sa plano mo pero kung ano man yan sana lang ay talagang hindi mo pag sisihan ang ginagawa mo at naging desisyon mo I support you brother but when it comes to different things na alam nating mali hindi na ko papayag ng ganito." mahabang sabi ni devash sakin.

"Malaki na ko dev mag focus ka na lang kay freya at paano mo sasabihin kay ella ba o maria ang tungkol sa anak nyo wag mo na kong intindihin." Nakangiting sabi ko.

"Aba't gusto mong sapakin kita o gusto mo alugin ko na lang yang ulo mo!? Pwede ba drevon tigilan mo ko?! That woman is a psycho! Hindi mo ba naalala yung sinabi ko tungkol sa kanya ha!? Siraulo ka talaga! Lagot ka sakin kapag naka punta ako jan sisiguraduhin kong aalugin ko ng todo yang ulo mo!" sigaw ni devash kaya wala akong nagawa kundi ilayo ang cell phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw nya isabay pa ang pag iyak ni freya namimiss na daw nya ko at gusto nakong pauwiin.

"Just deal with your own kid devash konti na lang baka ako na kilalaning tatay nyan sige ka sabagay kamuka ko naman yang anak mo hehe wala namang problema." Pang aasar ko pa sa kakambal ko.

"Tangina mo drevon hindi ka nakakatulong at asa kang ibigay ko sayo ang prinsesa ko ulol!" sigaw nanaman nya saka ako pinatayan ng tawag natawa naman ako sa inakto ng kakambal ko.

"Sinong kausap mo?" tanong ni fran saken gising na pala sya she looks really hot with her just woke up look.

"Devash called me hinahanap na daw ako ni freya." sagot ko saka lumapit sa kanya saka binigyan sya ng halik.

"hmm.. Alam ko saan papunta yan tama na yan masakit na ang katawan ko at inaantok pa ko idagdag mo pa yung gutom ko please prepare something for me." she said while she's doing her puppy eyes and look I can't help but to smile at her.

"Alright saan ba tayo kakain sa beach ba o dito na lang?" tanong ko sa kanya nag isip naman sya saka tumingin sa labas.

"Beach na lang tayo gusto ko din mag swimming yayain mo si sep at julio, gustong gusto ko talaga ang batang yon ang cute parang si freya." naka ngiting sabi nya tumango ako saka sya hinalikan sa noo at labi.

"Freya is a cute kid but a devil one just like his dad, muntik na maubos ang buhok ni julio dahil kay freya." sabi ko sa kanya habang pinag aasikaso ko sya ng dadalhin namin papunta sa beach.

"Omg!? What?? Why?" gulat na tanong nya natawa naman ako sa naging reaksyon nya.

"Julio accidentally broke freya's favorite bear naalala mo yung nakuha natin nung nasa amusement park tayo?" tanong ko nag isip sya saka tumango. "Oo naalala ko yung nakailang ulit syang mangulit sayo kunin mo lang yon." nakangiting kwento nya tumango ako. "Julio played it and when freya saw it she grab it fast and julio on the other part didn't let go the bear in the end they play thug of war the foot of the bear almost rip when freya attacked julio and pull out his hair." naiiling na kwento ko. "Halos mabaliw si devash nun dahil parehong umiiyak ang bata hindi nya alam sinong uunahin naawa na ko kaya tinulungan ko na pinatahan ko si julio at sya naman kay freya." pag tatapos ko sa kwento.

"Woah, I guess freya got your attitude when it comes to owning a property" francesca said hindi na ko nakapag react pa dahil agad na syang lumabas at iniwan ang bag na dadalhin nya nailing ako at lumabas, pinatawag ko na sa kanya si sep at julio at ako naman ay dumiretcho na sa kusina para kumuha ng mga kukunin nag patulong na ko sa mga ibang guard na kasama namin dito.

Nauna na sila sa yate kaya sumunod naman ako kasama ng ibang guard, ako ang nag maneho ng yate at tinuruan ko naman si francesca na mag maneho nung una ayaw nya pa pero hindi rin nag tagal ay nag paturo din sya madali lang naman turuan si francesca kaya hindi ako nahirapan sa pag turo sa kanya ng makontento sya sa lugar na gusto nya ay tumigil na kame don nag luto na ko habang sila naman ay nag pasya ng maligo.

"Ano palang meroon sir drevon at nag aya kayo na maligo dito?" tanong ni sep habang nanonood sa dalawa na nag lalaro sa tubig.

"Francesca said that she wants to have fun with your son and also with you wala namang masama kung pag bibigyan ko sya." sagot ko ng hindi sya tinitingnan.

"Hanggang kailan kayo dito sir drevon? Sabi sakin ni tom at july hinahanap na daw si ma'am francesca sa kanila hindi ho ba kayo nakokonsensya na kinukuha nyo ang buhay na dapat na sa kanya?" tanong ni sep sakin na nakapag patigil sakin sa kung anong ginagawa ko.

Napatingin ako kay francesca she looks happy.

"Alam ko po sir na nakikita nyo syang masaya pero sir hanggang kailan po ba ang kasiyahan na yan? Hanggang dulo po ba ay kaya nyong panatilihin na masaya si ma'am francesca hindi po sa nang hihimasok ako pero tingin ko po sir kailangan nyo na pong gumising sa magandang panaginip na to." sabi ni sep sakin saka ako iniwan at sumabay sa dalawa.

Dapat ko na ba syang ibalik..

Your mine , mine aloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon