34

74 2 0
                                    

"Mapapatay ka ng kakambal mo oras na mauna syang magising kaysa kay francesca sinasabi ko sayo devash!"

"Alam ko naman yon mahal pero anong gagawin ko ni hindi ko nga kayang kontrolin kaibigan mo pinag papahinga ko naman sya pero ayaw nyang makinig sakin atsaka mahal naman alam mo namang pati si freya inaalagaan ko di ba mahal, wag ka namang ganyan sakin hmm."

"Sapakin kita jan eh! Oo na naiintindihan na kita pero hindi pa din ako mag so sorry sayo! Hmp! Hinayaan mo si fran na maging ganyan pano na lang kung may mangyaring masama sa baby nila ni drevon pano na lang yung kakambal mo na nasa ICU!?--"

"Ako buntis?" takang tanong ko natigil naman silang dalawa sa pag tatalo nila saka ako tiningnan agad naman akong tiningnan ni ella saka tinanong ng kung ano ano gaya ng ano masakit sakin may gusto ba akong kainin nauuhaw ba ko o naiinitan at kung ano ano pa.

"Sagutin mo ko ella, ano yung narinig ko? Buntis ako?"

Nag katinginan silang dalawa ni devash saka ako tiningnan ulit. "Actually sabi ng doktor samin buntis ka at maselan daw ang pag bubuntis mo, and you are 2 months pregnant fran and you need to be extra careful with your health lalo na ng baby mo." ella said napahawak ako sa tyan ko at agad na bumuhos ang mga luha sa mga mata ko.

Buntis ako, at si drevon ang ama ng dinadala ko masaya ako sobrang saya ko pero nawala din yon dahil sa isang bagay, hindi pa din nagigising si drevon pano ko sasabihin sa kanya na mag kaka anak na kami.

"Congratulations francesca." ella said saka nya ko niyakap ng mahigpit gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

"Umuwi na muna kayo mahal kailangan ni francesca na mag pahinga sa bahay na kayo nila mommy umuwi nasabi ko na don muna kayo." sabi ni devash samin.

"Pano si freya? Baka hindi nya ko matangap." nag aalalang tanong ni ella kay devash.

Niyakap sya ni devash. "Freya is here waiting for you nasa labas sya na explain ko na ang lahat sa kanya wag kang mag alala matalino ang anak natin kaya naiintindihan naman nya ang nangyari." sabi ni devash sa kanya lumabas na kami ng kwarto kung saan ako naka confine at don namin nakita si freya na naka upo at nilalaro ang paa nya ng makita nya ko ay agad syang tumakbo sakin at niyakap ako nasa gilid naman si devash at ella hindi sila kita ni freya dahil medyo malayo layo na ko sa kanila.

"Tita fran sabi po ni daddy kilala na ko ng mommy ko tita ang saya ko po magiging complete na po ang family ko tita fran gaya po ng magiging family nyo ni tito drevon sabi po pala ni daddy may baby ka na daw po sa tummy mo sana po maging playmate kami." masayang sabi ni freya sakin ngumiti naman ako at hinipo ang ulo nya.

"Excited ka na bang makita ang mommy mo ulit freya?" tanong ko sa kanya.

Magana naman syang tumango tango "Opo tita fran excited na po ko makita ulit si mommy, hihi.. Sobrang miss na miss ko na po sya sabi po ni daddy mag kasama daw po sila kaya po nag wait ako dito." sabi nya sabay turo don sa inuupuan nya kanina matalinong bata nga.

Maya maya pa lumabas na si devash at ella kung saan sila nag tatago ang kaninang naka ngiti na si freya ay ngayon ay umiiyak na. "Mommy.." tawag nito kay ella tumango naman si ella kaya agad syang sinugod ng yakap ni freya naging emosyonal ang pag kikita ng dalawa kaya pati ako ay naiiyak na din.

"Mommy, bumalik ka po gaya ng promise mo. Wag ka ng aalis ulit mommy dito ka na lang po samin ni daddy promise po hindi na po ako magiging bad girl mommy hindi na po ako pasaway hindi na po ko magiging bad wag ka lang po aalis ulit mommy wag mo na kaming iwan ni daddy ang sad po kapag hindi complete yung family po." sunod sunod na sabi ni freya habang umiiyak wala namang nagawa si ella kundi yakapin ang nawalay na anak at paulit ulit na sumasagot ng oo at humingi ng tawad dahil sa pag iwan sa anak.

Matapos yun ay dumating na sila tita ash saka kami dinala sa bahay nila at don nila pinaliwanag sakin ang lahat ng dapat kong malaman tungkol sa organisasyon na meroon sila naiintindihan ko naman ang bawat detalye at ang mga responsibilidad na kailangan kong gawin at gampanan oras na tanggapin ko ang posisyon na naiwan ni drevon matapos ang lahat ng yon ay pinag pahinga na nila kami.

Kinabukasan ay sabay sabay kaming nag agahan at binigayan nila ako ng magandang balita, wala na sa ICU si drevon nasa normal room na lang sya nag papahinga pero tulog pa din daw mas maigi na daw na tulog si drevon dahil mas kailangan pa daw ng katawan nya yon dahil sa treatment na kakailanganin nya matagal tagal na treatment daw yon kaya asahan daw namin ang pag bagsak ng katawan nya.

"Sigurado ka bang ikaw na lang ang pupunta don? Okay lang naman kung sasamahan ka namin nila devash." sabi ni ella sakin nasa ospital kami ngayon dahil may check up ako ngayon at napag pasyahan ko din na ako na ang papalit muna kay devash sa pag bantay kay drevon.

"Okay lang ako mauna na kayo sa kwarto ni drevon susunod na lang ako don pagkatapos kong mag pa check up." nakangiting sabi ko kay ella wala naman syang nagawa kundi ang sumunod sakin. Dumiretcho na ko sa obgyn nag pa check up lang ako saka ako binigyan ng mga dapat at hindi dapat gawin at kainin binigyan din ako ng mga vitamins para mas lumakas ang kapit ng baby ko at maging maayos ang pag bubuntis ko nag pasalamat ako saka umalis don.

"OMG francesca!?" tawag sakin ng isang boses ng lingunin ko nakita ko si trishia nagulat ko dahil ang laki na ng tyan nya.

"Oh trishia! Ikaw pala" gulat ko din sabi sa kanya agad naman nya kong nilapitan at niyakap.

"Ang tagal na nung huli tayong nag kita! OMG ka girl! Anong nangyari sayo nung huling contact ko kay ella ang sabi may kumidnap sayo tapos ngayon makikita na lang kita dito at buntis ka!?" hindi makapaniwalang sabi nya sakin.

Hindi na ko sumagot at agad ko na lang syang hinila sa cafe na malapit dito sa ospital at don kami nag usap.

--

Your mine , mine aloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon