36

97 1 0
                                    

"Masaya ka ba kay drevon?" tanong sakin ni tito napatingin ako sa kanya saka ngumiti at tumango tango naman ako.

"Opo tito masaya po ako kay drevon maliban po sa niligtas nya ko sa isang pag kakamali na magagawa ko pag sisihan ko ay tinuturing nya din po akong mahalagang tao sa buhay nya tito at mahal ko po sya." sabi ko saka ko nilabas ang resignation letter ko.

"Tito mag re resign na po ako bilang pulis para po sa magiging anak ko to at kay drevon para po ma protektahan ko sila pareho salamat po sa lahat lahat tito." I said saka ako sumaludo ganon din ang ginawa nya saka ako niyakap.

"Mag iingat kayo lagi balitaan mo din ako sa mangyayari lagi lang akong andito para sayo fran oo wala na ang mga magulang mo pero andito ako lagi para sayo." sabi ni tito saka ako pinakawalan.

"Alam ko po tito at sobra pong nag papasalamat ako sayo at opo babalitaan ko po kayo, mag iingat ka din lagi tito alam ko po gaano po ka delikado ang trabaho natin kaya mag iingat na po sana tito." paalala ko sa kanya natawa naman sya saka ginulo ang buhok ko.

"Para ka talagang mama mo, hay. Kung andito pa si ate sigurado akong matutuwa yun para sayo lalo na at buntis ka pa bisitahin mo muna ang mga magulang mo bago ka umalis ng bansa." sabi nito tumango naman ako saka nag paalam sa kanya.

"Sana may ganyan din akong tito gaya ni chief ang supportive super sayang ampon lang kasi ako but anyways bakit hindi mo nabanggit sa tito mo na kakausapin mo si miguel?" si ella.

"Mahirap na baka pigilan nya ko alam mo naman na mainit ang dugo ni tito kay miguel lalo na sa ginawa ni miguel satin pero hindi ko naman siguro masisi si miguel pero kailangan ko muna pakinggan bakit nya ginawa satin yon ayaw ko naman maging one sided kaya kausapin muna natin sya" sabi ko kay ella pero hindi sya sumagot dumiretcho na kami sa interrogation room kung saan nag aantay si miguel ella have some connections kaya madali na lang samin yon.

Ng makita ako ni miguel ay agad naman syang lumapit sakin saka ako niyakap pero hindi ko sya niyakap pabalik na sya namang naging pala isipan sa kanya kaya nag tataka nya kong tiningnan kitang kita ko sa mga mata at bakas sa muka nya ang pag ka gulo, pagod at pag sisi kahit ang pagka gulat na makita ako ay nakita ko din.

"Umupo muna tayo miguel." sabi ko sa kanya sumunod naman sya sakin alam kong nakikinig samin si ella.

"Saan ka nang galing bakit ka nawala nung kasal natin? At bakit ang tagal mong nawala ipaliwanag mo naman sakin ang totoong nanyari fran ano ba talagang nangyari." tanong nya sakin hindi ko alam kung saan ako mag sisimula o kung dapat ko bang sagutin ang tanong nya.

"It was a long story miguel, but can I you something instead of me answerin your questions."

"Mas pinili mo si drevon kaysa sakin yun ba ang gusto mong sabihin?" medyo galit na sabi nya sakin nagulat pa ko ng bahagya dahil sa tinanong nya.

"Miguel hindi yon, alam naman nating pareho kung sino ba talagang mahal ko miguel kaibigan kita at alam mo kung gaano ko ka mahal si drevon pero dahil sayo kaya nawala sya sakin."

"Dahil hindi kayo bagay kaya dapat lang yon sa kanya! Isa syang kriminal sya dapat ang andito at hindi ako! Ginawa ko lang lahat yon dahil yon ang nararapat dahil dapat ay sakin ka lang francesca hindi ka dapat mapunta sa kanya hindi ka nya kayang pasiyahin! Dahil buong buhay nya tumatakbo lang sya na para syang daga na takot sa pusa! Sila ng kapatid nya dapat silang mamatay! Hindi sila nararapat na mabuhay!" sigaw ni miguel sakin nagulat ko dahil natumba sya yun pala sinapak sya ni ella.

"Ikaw ang hindi dapat pa mabuhay pa miguel! Nang dahil sayo nalayo ako sa anak ko! Sa ama ng anak ko at nawalan ng pag kakakilanlan! Hindi ka na dapat mabuhay ikaw yon dahil demonyo ka walang hiya ka ang kapal ng muka mo sobrang kapal hindi ko alam paano mo nakakayanan humarap samin ni fran na parang wala lang sayo ang lahat! At talagang nagawa mo pang mag trabaho bilang pulis ang tigas ng muka mo! Walang kasing kapal yang muka mong hayop ka dapat sayo hindi na mabuhay pa sa mundo." galit na sabi ni ella saka nya tinapatan si miguel sa sintindo ng baril nagulat at agad na inawat si ella sa balak nyang gawin.

Imbis na matakot ay natawa pa si miguel. "Sige maria gawin mo! Para ano manahimik ka!? Wag kang umasa maria hindi ka patatahimikin ng konsensya mo alam ko kung gaano ka kahina pag dating sa pag patay maria kaya sinong niloko mo!? Sige iputok mo! Putok mo! Hindi ako takot sa kamatayan!" sabi ni miguel saka tumawa ng tumawa na para bang nasisiraan na sya ng bait.

Inalis ni ella ang baril sa sintindo ni miguel saka kami tumayo at lumayo kay miguel tumayo naman sya saka pinagpagan ang damit nya. "Gaya ng dati maria mahina ka pa din at sa totoo lang alam ko naman na hindi mo kayang gawin yon lalo na sakin dahil boss mo ko at alam ko lahat ng baho mo kaya mabilis lang sakin na manipulahin ang utak mo." nakangiting sabi ni miguel saka umupo ulit.

Lumabas na ulit si ella at kami na lang ni miguel ang naiwan. "Ito na ang huling pag kikita natin miguel gusto kong mag pasalamat sa lahat ng bagay ba ginawa mo para sakin naging mabuting kaibigan kita at hinding hindi kita makakalimutan alam kong hindi mo ko mapapatawad sa mga ginawa ko sayo pero ganon din ako sayo siguro naman ay patas na tayo paalam miguel at salamat sa lahat." Huling sabi ko sa kanya bago ako tuluyang umalis at saka napag isip isip na kailangan ko ng mag move on at mag focus kay drevon mula ngayon at sa magiging anak namin.

---

Your mine , mine aloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon