"Kaya pala ayaw din ni kuya na ipa imbistiga satin ang tungkol sa mga mafia dahil isa pala si miguel sa mga yon at ganon din si drevon at devash." dagdag ni ella ng makabawi sya.
"Kailan mo pa nalaman ang lahat ng to?" tanong ko sa kanya.
"Nitong nakaraang buwan lang unti unti lang syang bumabalik at hinahayaan ko lang dahil kapag pinipilit kong maka alala sumasakit ng sobra ang ulo ko, pinaliwanag na sakin ni devash ang totoong nangyari at kung anong meroong organisasyon meroon sila ni drevon at ang about naman kay freya hirap pa din akong i approach sya dahil iniisip nya pa din na iniwan ko sya at hindi na binalikan pa." malungkot na sabi nya sakin naalala ko naman yung sinabi ni freya na bumalik ako at binalikan ko sya hindi gaya ng mommy nya.
"Sino ang tumulong sayo na maka alala at malaman lahat ng yon?" dagdag tanong ko pa.
"Si drevon talaga ang tumulong sa kanya na maka alala drevon did a lot of works kahit na masama na talaga ang lagay nya simula pa lang I do some retouch nung naisipan nyang mag focus na lang sayo." sagot ni devash.
"So you mean matagal ng may contact sa inyo si drevon?" tanong ko.
"Oo, sya din ang kumakalap ng mga ebidensya para makulong si miguel at sya din ang bumulgar ng mga ginawa ni miguel noon para tuluyan syang makulong at hindi na makalapit satin." sagot ni ella.
"At hindi ka maniniwala sa ginawa nya magawa lang lahat ng bagay na yon." naiiling na sabi ni devash natawa naman si ella.
"Bakit ano bang ginawa nya?" tanong ko.
"Nakipag karera lang naman ang kakambal ko makuha lang ang ebidensya na kailangan nya at kanino? Sa mga kinakapatid ko lang naman na kasama namin sa mismong organisasyon namin masama na talaga ang lagay nya pero mas pinili nyang ayusin ang gusot na yon para daw ma proteksyonan ka nya kapag binalik ka na nya dito." sagot ni devash hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"He always do that fran kahit nung nasa malayo pa lang ginagawa nya na talaga yon remember all the criminal we gave you as a gift?" paalala ni devash tumango naman ako.
"Si drevon lang naman ang isa isang humuli ng mga yon I tried to stop him but he refused to paulit ulit lang kaming ganon at paulit ulit lang din kami na pabalik balik sa ospital dahil sa katigasan ng ulo nya hindi ko na nireport kanila mom and dad dahil alam kong ikukulong nila si drevon sa ibang bansa para mag pagaling at ayaw ni drevon yon kaya mas pinipili ko na lang ang manahimik at sumabay sa trip ng kakambal ko." proud na sabi ni devash sakin nailing naman ako.
"Mabalik tayo sa usapan, dahil ngayon na naka confine si drevon ay hindi sya pwedeng humarap sa organisasyon hindi pwede na mapilayan ang organisasyon namin dahil madami ang nakataya dito at madami pang trabaho ang hindi pa nagagawa ni drevon at hindi ko pwede na galawin ang mga yon dahil hindi ako si drevon at mag kakaroon ng problema kung ako ang papalit sa kakambal ko." sabi ni devash sakin.
"Teka nga ano ba talagang meroon sa organisasyon nyo? Kahit ako hindi ko maintindihan kung ano ba talagang nangyayari at ano bang meroon." naguguluhan kong sabi kay devash.
"Ang organisasyon namin ay namana pa namin ni drevon sa mga magulang namin gaya ng mga magulang namin we helped people in a legal way, oo pumapatay kami pero hindi yon sinasadya gaya ng mga pulis pumapatay kami kung kinakailangan namin at kinakailangan na talaga ng sitwasyon madaming tao ang kumukuha samin para humingi ng tulong kapalit nun ay itatago nila kung anong klaseng organisasyon meroon kami madami kame sa organisasyon kasama namin ang mga kinakapatid namin pero hindi namin nilalabas ang mga muka namin kahit ang totoo naming muka at pangalan ay sekreto gumagamit kami ng code names para mas lalo naming matago ang mga personalidad namin, si drevon ang pinaka leader namin at ako naman ang kanang kamay magaling si drevon sa pag iisip at pag pa plano kaya sya ang napili ng buong grupo para namuno at ako naman ay bilang kanang kamay. Kami ni drevon ang mga prince's na hinahanap nyo ni maria noon ang mga magulang namin ang mga emperor at empress si mommy talaga ang empress dahil si lola ang queen ng organisasyon na meroon sila noon at ng mamatay si lola ay pinamana yun kay mommy at ngayon naman ay nasa amin na ni drevon yon."
"Bawat membro ng organisasyon namin ay may kinakailangan na magkaroon ng partner at dahil wala naman akong ibang nakikita na kasama ni drevon maliban sayo siguro ay ikaw ang napili nya maging princess nya at akin naman ay si maria." devash
"Maria? Who?" tanong ko.
Nag taas ng kamay si ella kaya napatingin ako sa kanya. "Maria ang totoong pangalan ko frances hindi ella." sabi ni ella sakin napatulala ako sa kanya.
"Pulis ka ella don't tell me pumayag ka?" tanong ko sa kanya tumango naman sya WTF!?
"Pumayag ako at nag pasyang umalis na sa pagiging forensic andon si devash kaya don din ako nag kahiwalay na kami noon fran kaya hindi na ko papayag na mahiwalay sa kanya ulit lalo na at involved pa ang anak namin dito." sabi ni ella sakin.
"Ayos lang naman fran kung ayaw mo alam kong mahal mo ang trabaho mo at alam kong mali ang organisasyon namin hindi mo kailangan I pressure ang sarili mo naiintindihan ko naman yon wag kang mag alala sasabihin ko kay drevon ang magiging desisyon mo kahit na pareho naming alam na tatangihan mo kami." devash
Hindi ako halos makapag isip ng maayos pakiramdam ko umiikot ang paligid ko at hindi ko maaninag ng maayos ang paligid panay lang tawag ni devash at ella ang naririnig ko maliban pa don ay wala na nag tuloy tuloy yon hanggang sa lumabo na ng tuluyan ang paligid ko at kinain na ko ng dilim.
BINABASA MO ANG
Your mine , mine alone
Storie d'amoreTHIS STORY IS NOT A SEQUEL OKAY? if you already read my story you already know what i am talking about ^-^v