Jeron Teng, DLSU's King archer. He's a good basketball player. Actually he's the captain of their team kaya nga siya naging king archer. Aside from that he's well known for being a heartthrob and a womanizer. Halos lahat ng babaeng nililigawan niya, napapasagot niya and after a month, a week, a day and even an hour, hinihiwalayan niya. Depende sa trip niya. May pagkamayabang, bastos at sutil pa ito. Pamilya nila Jeron ang may ari ng isa sa pinakamalaking kompanya dito sa bansa. Wala eh. Pinanganak na swerte.
Ofcourse, kung may King archer dapat may queen archer. And the queen archer is no other than, the great Victonara "Ara" Galang and now the current captain of the legendary women's volleyball team of DLSU, the Lady Spikers. Unlike Jeron, she's not that so much popular. Umpisa lang siya nakilala dahil sa galing niya sa volleyball. First season pa lang niya sa UAAP, nakakuha na agad siya ng dalawang awards. And unlike Jeron, hindi ganun ang ugali niya. Hindi siya kasing yaman nila Jeron pero nagmamay-ari sila ng isa sa pinakamalaking hacienda sa Pampangga. She's pretty pero mas bagay sa kanya ang tawaging cute. Boyish siya kung manamit sa Maynila pero kung sa Pampangga, hindi naman. "Gender Bender" bagay din sa kanya yun.
Friends? No they were not pero hindi naman sila enemies. Magkakakilala lang because of some events involving athletes or team captains pero other than that? Wala na.
******
Queen Archer's POV
Ako 'yung team captain dapat ako ang masusunod pero hindi eh! Ako yung dihado. Ako ang palating inuutusan. Since rookie days, kawawa ako dito sa dorm. "Ara, bili ka neto!" "Ara, gawin mo 'to!" "Ate Ara, please" "Ara, paki ganyan, ganito" Wohooo!!! LAHAT NA LANG BA SPIKERS?!
At heto ako ngayon, kakatapos ko lang gawin ang inuutos ng magagaling, masisispag at magaganda kong team mates, ang mag grocery. Baby bully nga.
-____-
Pabalik na ako ngayon sa dorm. Pinark ko muna yung kotse ko sa parking area tapos nilakad ko na lang. Ganito ko sila kamahal. Bitbit ko ang apat na grocery bags lang naman at ang isa dito may laman pang isang can ng fruit cocktail.
Lakad! Lakad! Konti na lang talaga Ara. Ayan na ang gate ng dorm oh! Tanaw na tanaw mo na! Tiisin mo lang ang sakit ng kamay mo! Kaya mo 'yan.
*****
"Miks, its been a while already. It's been what? Three months? Four, Five? Gosh Mika, its been five months already!"
Teka! Kilala ko 'to ha? J-Jeron?! Jeron Teng?! JERON TENG, THE KING ARCHER?! Ba't nandito siya? Mabuti pa magtago muna ako dito. Thanks to you puno. Hehe!
"Diba sinabi ko na sa'yo? Je, tigil na! Kami na ni Kiefer eh!"
Si Daks ba 'yun? Syempre Ara si Mika 'yan! Alangan na mang si Kim 'yan Ara. Sa laki at puti ng babaeng kausap ni Jeron, malayong maging si Kim 'yan!
"Please Mika, just one chance. Promise I'll do my best to make you happy. Just one chance...Mika please."
Hala! Si king archer nagmamakaawa kay Daks! Lakas netong best friend ko! Wohooo!!!
*toot* *toot*
Shit! Wrong timing naman 'tong phone ko! Andiyan na eh! Nasa peak na yung eksena. Kung sa pelikula pa, nasa climax na ako.
Grrrrhhhh!!! Notification lang pala ng Candy crash!!! Walangya!!! Okay balik na ako sa pagsilip at pakikinig sa kanila.
"You'll regret this Mika! Sa dinami-dami pa naman ng pwede mong ipagpalit sa akin, isang agila pa?! Ma-rerealize mo rin ang ka--"
AAAAHHHHHHHHHHH!!!! WOHOOO!!! ANG SAKIT NETONG MGA LANGGAM NA'TO!!!! WOHHOOO GUSTO KO NANG SUMIGAW PERO BAKA MAKITA PO AKO NI JERON!!!
Kamot dito, pagpag ng paa doon. Ahhhhaaa! Ang sakit na talaga! Ouch! Wohooo! Ang kati! Lord? Parusa na ba 'to ng pakikinig ko sa usapan ng may usapan? Lord promise hindi na talaga!
0______0
"K--Ka-Kanina ka pa ba diyan?!"
Sh*t! Si Jeron!
"O-oo este hindi kakarating ko lang!" sana malusutan ko 'to. Fingers crossed.
Nilapit ni Jeron ang mukha niya sa akin. Napaatras naman ako at naramdaman kong naapakan ko naman 'yung colony ng mga langgam sa ilalim ng puno.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!! ANG SAKIIIIT!" Tumakbo na ako ng tumakbo habang kinakamot ko ang paa ko at nasa tapat na talaga ako ng dorm ng ma-realize kong naiwan ko ang grocery sa ilalim ng puno!!!!
-__________-
BINABASA MO ANG
She's Dating The King Archer
FanfictionWould two people that were not meant for each other, meant together? A Jeron Teng and Ara Galang Fan Fiction. Inspired by the story "she's dating the ganster" but with some twist and some change of plot.