Thomas POV
Maaga akong nagising for the first time, I guess. Ako kasi yung isa sa mga tulog mantika siguro epekto yun ng gatas. Hindi talaga maganda ang epekto ng Nido pag nasobrahan. I alredy told mom na huwag na siyang magpadala ng supply ng nido dito sa dorm pero she said, she'll going to tell uncle about it if I stop drinking milk. For sure papagalitan ako ni uncle nun. Kami kasi yung nagmamanifacture ng nido sa Luzon kaya dapat support your own product daw dapat. Kaya siguro nahawaan na ang ibang archers sa akin. Paborito na rind aw nila yung nido. Hindi na sila nakakatulog kung hindi madadaplisan ng kahit isang patak ng nido ang bibig nila.
"Bimbs! Ang aga mo 'yatang nagising?" kuya Robert.
"Haven't drink your milk ba kagabi?" kuya Almond
"Hindi na ba pwedeng mag bago ang isang tao?" sagot ko sa kanila habang naglalagay ng mga pinggan sa lamesa para sa almusal.
Tinawag ko na rin ang ibang archers para makapasok na kaming lahat. Kaka-start pa lang kasi ng second sem kaya dapat bawal ang late. Pumasok na rin ako sa kwarto namin oara tawagin ang dapat sana early bird na king archer.
Pagpasok ko sa kwarto agad ko siyang nakita na nkatulala lang sa may pinto. Agad ko itong sinara at nang sundan ko ang paningin niya, sport bra ni Ara ang nakita ko.
"Paps? You okay?" tanong ko sa kanya pero ang sakit pa rin ng tingin niya sa sports bra ni Ara.
"Don't tell me you want to wear that one Paps." Tanong ko ulit sa kanya pero wala. Still the same Jeron. If only looks could harm, kawawa ang sports bra ni Ara.
"PAPS ANO BA?!" sigaw ni Jeron sa akin. Kinuha ko lang naman kasi yung sport bra ni Ara at nilagay sa bag ko. Ibabalik ko kasi sa kanya 'to later.
"Oh ba't galit ka? May gusto ka kay Ara noh?" tanong ko sa kanya. Oo binibiro ko lang siya pero still Im hoping na wala. I love Arra but I do care for Ara. Kilala ko ang best friend ko. Kawawa lang ang queen archer sa kanya.
******
King Archer's POV
Eto ako ngayon. Mag-isa akong naglalakad patungo sa La Salle. Paano ba naman, ang dapat kong kasama na si Mang Thomas ay iniwan ako. Sasamahan daw niya si Arra mag breakfast. Tapos mamayang gabi magsusuka dahil nasobrahan sa pagkain. Naka break fast na kasi sa dorm, kakain ulit para may kasama lang ang girlfriend. Kaya ayoko ng ganyang relasyon. Masyadong mahigpit.
"King Archer!" bati ni Maxene, isa sa mga tropa kong tinatawag kong "The soldiers". Sila ang mga barkada ko dito sa school maliban sa archers.
"Natulog ka ba kagabi, king archer?" tanong naman ni Gwen. Katropa ko rin na myembro ng "the soldiers".
"Hindi nga eh! Nasaan na ba yung iba?" tanong ko ulit sa kanila.
"Si Josh, Ian, Mark at Gail may mga pasok ngayon kaya kami muna ang mga kawal mo habang wala sila." Sabi naman ni Gwen. First time yatang pumasok ang apat na 'yun, Naga-langhap siguro ng masamang hangin.
"Ba't hindi ka nakatulog? May bumabagabag ba sa hari namin?" tanong ni Maxene habang ako naka tanaw sa malayo na kung saan natatanaw ko ang bullies. Kompleto pa silang naglalakad sa hallway pero biglang nag paiwan si Mika. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hangang sa may tumapad na itim na kotse sa harapan niya. May bumaba na lalaki. Isang agila. Halos isang lingo na ang nakaraan pero hindi ko pa rin matanggap ang pagkabigo ko. Ngayon ko lang ginawa 'yan sa isang babae tapos ano? Wala? Tse. Hindi pwede sa akin 'yan.
"Uy Jeron! Kwento mo naman 'yan? Para saan pa at naging sundalo mo kami tapos magtatago ka sa amin?" si Maxene.
"Mamaya ko na lang ikwekwento sa inyo pag kompleto na ang kayo. Ayokong paulit-ulit ng kwento." Inis kong sagot at umalis na rin.
*****
Eto ako ngayon. Tambay sa ilalim ng puno na kung saan madalas kung mahagilap ang bullies a ganitong oras. Actually hindi naman bullies ang sadya ko. Isa lang sa mga myembro nila, ang reyna. Kung tinatanong niyo kung bakit tila wala akong klase, pumasok naman ako pero dalawa lang ang pinasukan ko.
Hindi rin naman ako makakapag concentrate kung inaalala ko kung narinig nga ba ni Ara yung usapan namin ni Mika. Masisira ang image ko ng dahil sa kanya eh. I know that Mika will not tell to the world what happened between us. Good girl kasi yun pero eto? Si Ara? Sa harap ng nakakarami, mabait siguro pero duda ako dito.
Nakita ko na siyang papalapit dito pero walang kasama. Wala pa siguro yung ibang bullies kaya nice timing king archer. Umupo ako sa harapan niya. At first hindi niya napansin kasi naka earphone siya at nagbabasa ng libro.
Kaya bilang papansin at lahat dapat ng estudyante dito ay obligadong pansinin ako, inapakan ko siya sa paa.
"Aaray!" sigaw niya habang sinisilip ang paa niya sa ilalim.
"PROBLEMA MO?!" sigaw niya pero halatang nagulat siya ng makita niya ako. Pasimpleng nililigpit niya ang mga gamit niya tsaka biglang tumayo at naglakad ng mabilis. Pero sorry siya dahil injured pa 'to at hindi pa ganito kabilis maglakad.
"QUEEN ARCHER HINDI PA AKO TAPOS SA'YO!" sigaw ko habang hinahabol siya. Pinagtitinginan kami tuloy ng ibang estudyante. Nang maabutan ko siya agad ko namang hinawakan ang collar ng polo shirt niya at hinarap sa akin.
"Mag-usap tayo." Mahinahon kong pagkasabi sa kanya.
"Paano kung ayaw ko?"
"Obligado kang kausapin ako." Chill pa rin ako pero tila inuubos niya ang pesenya ko at kinuha ang kamay kung nakahawak sa collar niya at nagsimulang maglakad ulit. Kaya naman kinuha ko ang kamay niya at hinatak. Dinala ko siya sa likod ng isang building dito na walang masyadong nakakaalam.
Ay mali pala. Marami na pala ang nakakaalam kasi dito ko dinadala ang mga babae ko kung may gagawin akong medyo milagro at marami-rami na rin sila.
"Isang tanong, isang sagot. Narinig mo ba yung usapan namin ni Mika?" diretshan kong tanong sa kanya.
"Yung binusted ka ni Mika? Oo, King archer. Rinig ko lahat."
Sinasabi ko na nga ba eh.
"Oh ano ngayon? Pwede ng umalis?"
"Nasabi mo na ba 'yan kay Mika?"
"Ang alin? Ay teka, isang tanong isang sagot lang pala kay babush!" Agad siyang tumakbo. Talo ako doon ha? Pero kung inaakala niya na tapos na ako sa kanya, pwes hindi pa! Lalo't nalaman ko na alam pala niya ang lahat. I have to do something bago pa niya masira ang image ko.
BINABASA MO ANG
She's Dating The King Archer
FanficWould two people that were not meant for each other, meant together? A Jeron Teng and Ara Galang Fan Fiction. Inspired by the story "she's dating the ganster" but with some twist and some change of plot.