CHAPTER FORTY NINE

446 18 0
                                    




King Archer's POV


Twenty one years ago, masasabi ko na I am one of those worse guy living. Babaero, rude, mean, a player, gago, matapubre, name it all kasi ako yun. I am a guy who only thinks about my image. Wala akong pakealam sa iba. Siguro kung may iba pa akong inaatupag, basketball siguro at yung pagiging King archer lang yung kinacareer ko talaga.



Not until I met Ara. It was an accident actually. Hindi ko plinano na makilala siya kahit siya, ayaw din sa akin. But ironically, she's my queen na kahit di kami close. Queen archer kasi siya dahil siya team captain ng lady spikers. Ako kasi yung gago na nainlove sa best friend niya at siya rin naman yung tanga na nakinig sa usapan namin ng best friend niya. Sakto pa na binusted ako pero nagpapasalamat ako because it happened. Ara is the real life changer.


Binago niya ko. Yung pagkatao ko kahit yung takbo ng buhay ko. She is indeed my great love.


At ngayon, nasa harapan ko yung bunga nang pagmamahal na yun. Walang salita ang katumbas ng galak na nararamdaman ko ng makilala ko si Victoria Alvira. Pinawi niya lahat ng sakit na idinulot sa akin ni Ara ng iwanan niya ko and the only thing I know right now ay yung bumawi sa lahat ng oras ng pinagkait sa amin ng anak ko.


"Anak!" pagtawag ko ng pansin sa anak ko. "Mabuti naman at pumayag ka makipag lunch with me. First time."



"Uhmm.. Hindi naman po ako magtatagal. May naghihintay po kasi sa akin sa labas and kakagaling ko lang po sa sementeryo, kay Tita Mika." Nalungkot ako sa sinabi niya. Wala siyang pinagkaiba sa mommy niya. Bawat  salitang lumalabas sa bibig nila ay maaring magbigay sa akin ng sobrang saya o di kaya sobrang pasakit naman.



"Ganun ba. Okay lang, susulitin natin yung oras na pwede mong ibigay sa akin."

"Katulad ng pagsulit niyo rin ni mommy sa mga huling sandali niya rito?" Seriously anak? Masyadonh spg naman yata 'yan? "Joke po. Hehe"


Mabuti naman at binawi niya. Kumain kami ng tahimik. Kinakapa ko pa ang anak ko. Napangiti na lang ako kasi kabaliktaran siya sa mommy niya pagdating sa pagkain. Si Ara kasi, kahit sino pa yung kasama niya, lalamon talaga basta may pagkain. Unlike Ara, yung anak namin, kulang na lang subuan ko pa para kumain.



"Anak, nung bata ka, naghanap ka rin ba ng father figure?" I asked habang hinihintay namin na i-serve yung dessert.


"Yung totoo po? Hindi po." Ouch doble kill na ko sa mag-ina ko. "Tito daddy was there for us. Siya yung naging daddy ko nung hindi ko pa po kayo kilala. Batman pa nga yung tawag namin ni mommy sa kanya eh."


"Thomas?" tanong ko ulit para makasigurado dahil baka sa sobrang ganda ni Ara may mga kano siyang nakilala aside sa bansot kong best friend. And I do consider him as my best friend despite sa mga ginawa niya. Tumango naman ang anak ko bilang sagot.



"Kilala niyo po siya?"


"Best friend."



"Ooww... Sorry for that. I don't know the whole story pero I know that there is something bad happened siguro before."


"Uhmm... Ara?" tinignan niya ko and those eyes, naalala ko si Ara. Yung Kilay niyang sobrang perfect pati na rin yung cute niya ilong. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko which causes sa pag-alala ni Victoria.


"Mr. Teng bakit po?"


"Wala. Naalala ko lang yung mommy mo."


"She's happy Mr. Teng and don't worry about her pero pagnalaman 'to ni mommy for sure hindi na siya magiging okay." Sabi ni Vic. Hinawakan niya ang kamay ko. "Sa tamang panahon po. I'll fix this."


She's Dating The King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon