CHAPTER NINETEEN

656 25 1
                                    

Queen Archer's POV



"Tignan mo yung dalawa dun." Sabi ni Jeron pero di ko alam kung saan yung tinutukoy niya. "Saan diyan?" tanong ko. "ayun. Yung malapit sa fountain." Aaaahhhh.



"Sweet ng babae diba" nakasandal kasi ang lalake sa balikat ng babae.



"Ayun naman, tignan mo." Turo niya sa pamamagitan ng nguso niya. "sweet din nila diba?" magkahawak kamay yung couple na mga mid 60's na siguro.




"How about them" sabi ulit ni Jeron. Yung tinutukoy niya eh yung mag-jowa na estudyante na magkasamang nag-lulunch.




"Anong special diyan?" tanong ko.



"Duh? Dapat yung magkarelasyon, magkakakasamang mag lunch." Sabi niya. "Look at them" binalin ko naman ang tingin ko sa tinuturo niya. Yung lalake, nakahiga sa lap ng babae. Ganyan ba dapat kung magkarelasyon kayo?




"Punta tayo dun sa may court. Mukhang may laro dun eh." Sabi ulit niya at nagsimlua na kaming maglakad. Naka-akbay siya sa akin. Nakasuot din kami ng hoodies para hindi daw kami makilala. Yabang talaga. Akala niya dudumugin talaga siya -___-



Kung nagtatanong kayo kung nasaan kami, nasa Luneta lang naman po kami. Pinapakita niya sa akin ang dapat ko daw gawin bilang isang girl friend. Kaninang umaga sa manila bay kami at ngayon dito. Mamaya daw sa mall para mas maraming langgam. -____-




"Je, hubarin ko na kaya tong hoodie ko? Mainit eh."




"Eh kung makilala tayo? Poprotektahan mo ko sa mag taong dudumog sa akin?"


-________-



Artista nga hindi dinudumog sa mall eh. Ikaw pa kaya? Yabang!



"I know what's on your mind. Im not being mayabang. Im just think a worse case scenario."



"Tsss..."



Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hangang sa maabot namin ang gym malapit dito sa luneta. Tama nga si Jeron, may laro nga. Liga yata 'to at madam rin tao. Umupo kami sa may bleacher na malapit lang sa labasan.



Hindi naman kami nanunood ng game eh. Mas focus kami sa players during time out at sa mga "supportive girlfriends" nila.



"Je, cute nung number 16." Sabi ko.



"Pssshh... may girl friend na 'yan." Sabi niya tsaka sinundan ng mga mata ko ang naka-suot ng number sixteen habang lumapit siya sa bleachers. Okay. May girl friend nga.



"Sabi na eh!" at natuwa pa siyang nasasaktan ako.




"Malay mo naman nanay niya 'yan." Pag depensa ko.



"Hahaha! Nanay? Bata pa 'yan para maging nanay. Bagay naman sila eh kaya 'wag kang bitter diyan,"



"Sabi ko nga eh. Dun na lang ako sa number eighteen ng Taft. Hehe"



"Malandi."



"Pssshh... Atleast hindi ako desperada na manlimos sa pagmamahal ng iba." BOOM! Natamaan ang instsik. Haha.



"Ouch!"



Masusi kong pinag-aralan yung mga "girlfriend duties". Malaswang tignan pero evident yung love sa actions nila. Siguro kung gawin ko yan kay Jeron, napaka-laswa siguro kasi walang pagmamahal eh. Pero diba dapat hindi naman ako maiilang ksi wala namang malisya 'to?




She's Dating The King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon