CHAPTER EIGHTEEN

625 27 0
                                    

KING ARCHER'S POV

"Wooooow Je!!! Andami!!!" sabi ni Ara ng makalapit na ako sa kanya dala-dala ang isang tray na puno ng pagkain. May waiter pang naka-sunod sa akin na dala-dala rin yung mga orders namin.

"Ang takaw mo kasi." Sabi ko.

"Thank you po kuya." Sabi ni Ara habang kumukuha na ng pagkain sa tray na dala nung waiter. Umupo na rin ako sa bakanteng upuan sa harapan niya. Kumuha na rin ako ng pagkain.

"Shaawrap neto Je!" sabi ni Ara habang kumakain at nagnining ang kanyang mga mata. Para siyang bata tuwing may pagkain sa harapan niya.

"Tsss... Lahat naman para sa'yo masarap eh... Ang takaw-takaw mo." Sagot ko at umirap lang siya. Pinagpatuloy na rin namin ang pagkain. Walang pansinan kasi pareho kaming gutom. Intense kasi ng training namin kanina kaya eto, gutom kung gutom.

*****

"O? Ba't mo pala ako gustong maka-usap?" panimula ni Ara nang pareho na kami nakatapos ng pagkain.

"Napapansin kasi ng mga archers na hindi tayo madalas magkasama. So, nagdududa sila kung tayo ba talaga." Kumunot naman ang nuo niya sa sinabi ko.

"Ano ba dapat gawin ko? Di pa ba sapat yung kahihiyang ginawa ko ng magharana ako sa harapan ng dorm niyo?"

"Anong klaseng tanong 'yan ha? Hindi mo ba alam ang girlfriend duties?" tanong ko at mas lalong kumunot ang nuo niya. "Tsss... No boyfriend since birth ka yata eh!" sabi ko tsaka inirapan niya ko.

"Malas ko nga eh. First boyfriend ko, kunwarian lang at sa'yo pa. Tsaka wala namang masama kung NBSB eh. Tsk."

"So what do you want? Totohanin natin tapos mag break na lang tayo pagtagumpay na ang plano ko?"

"Kapal mo ha! Gawin na lang natin yung plano mo para matapos na 'to."

"Ayoko munang tapusin 'to. Nag eenjoy pa ko eh." Kalahating totoo at kalahating joke yung sinabi ko. Im enjoying Ara's company naman talaga eh. "Tsaka wala pang nangyayari eh. Ang usapan ay usapan."

"Kung nag-eenjoy ka, ako hindi!" at umirap na naman siya. Sungit talaga. "Kaya naman Jeron, itigil na natin to please. Gusto ko na ng mapayapang buhay."

"Oh bakit? Inaano ba kita? Kung makapayapang buhay ka naman diyan."

"Hhhmmmpp!"

"Ayaw ni Thomas ng masusungit." At bigla siyang nagka-interest sa sinabi ko. Tsss... "Mahinhin, mabait, mga girly, he also likes sporty tsaka gusto niya yung mga charming."

"Ano pa?" tanong niya at nagpa-cute. Kainis.

"basta hindi ikaw 'yun." Sabi ko na lang. At halata sa kanya yung lungkot niya.

"Grabe, Teng. Suportado nga kita sa lovelife mo tapos ikaw ayaw mo kong tulungan? Now, I know." Sabi niya tsaka umirap na naman. Ilang beses ba umirap 'to sa isang araw?

"Suportado daw"

"Supportado naman talaga. Di nga lang sa best friend ko. Di kayo bagay. Masyado siyang mabait para lokohin mo lang."

"Eh sa'yo? Pwede ba ko?" for sure iirap na naman 'to and on quque umirap nga! "At paano ka naman nakakasigurado na lolokohin ko si Mika? Yes Ara, womanizer ako pero 'wag mo naman lahatin. I can change for good naman eh." Seryosong pagkasabi ko. Tinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko na siya.

"Kamusta na sila ng Agila" tanong ko ulit.

"Uhhmmm... Okay naman. Pumupuslit pa nga para lang magdate eh." Okay then.

"Laki siguro magiging problema ng magiging boyfriend mo if ever."

"Bakit naman?"

"Di ka man lang pumupuslit para makipagdate sa BOYFRIEND MO!" I put emphasis sa BOYFRIEND MO.

"Psssshh... Captain ka kaya dapat naiintindihan mo ko and kung makakaboyfriend man ako, baka may chance. Pero dahil IKAW, no way. Papatayin ko na lang ang katawan ko sa practice." At ganyan nga siya ka dedicated sa volleyball. Volleyball over love life.

"Alam mo ba kung ilang babae ang handang makipagpatayan para lang maging girl friend ko?"

"Hindi ko alam at wala akong balak alamin. Che!"

"Okay okay!" at yun sumuko na nga ako. "pwede ba kahit isang araw lang, 'wag naman tayo mag-away?"

"Malabo yang gusto mo kasi tuwing nakikita kita, kumukulo 'tong dugo ko." Aba! Sa mukhang 'to?

"Okay, impossible nga 'yan pero baka pwedeng bawasan? Nagdududa na ang team mates ko and even yung mga fans natin. Especially yung akin. Mas kinikilig pa sila sa inyo ni Thomas kaysa sa atin."

"Ganun talaga. May chemistry eh." Aba humangin din. "Speaking of Thomas? Na delete mo ba?" tanong niya.

"Oo nga. Pasalamat ka at tulog siya. Kung gising kaya siya at nabasa niya 'yun, anong gagawin mo?" tanong ko kaya namula si Ara.

"Magtatago ako sa pinakasulok na bahagi ng mundong 'to." Labas sa ilong niyang pagkasabi. For sure kikiligin din 'to kapag nabasa nga ni Thomas. Mga babae talaga.

"Okay. Balik tayo sa main reason kung ba't kita kinausap. Let's make this one looks so real." Sabi ko.

"Paano ko gagawin 'yun? Tsaka kailangan pa ba 'yun? Hindi naman importante yung ibang team mates mo eh. Ang importante si Mika at Kiefer."

"Yun na nga. Nagpaplano sina AVO ng group date. Malamang kasama si Kiefer at Mika dun."

"Eh anong kinalaman ko dun?" tanong ni Ara.

"Kasama tayo." Im expecting na mag react siya sa sasabihin ko pero wala.

"kasama din ba si Thomas?" at kinikilig pa.

-________-

"syempre papi din yun eh!"

"Pwede ba siya na lang ka-date ko tapos kayong tatlo? Hehe"

"Hindi pwede!"

"Eh bakit naman? Kunwari lang naligaw kami ni Thomas."

"Hindi nga pwede!"

"Please Teng! Isang araw lang please..." Pagmamakaawa pa niya.

"Hindi nga pwede."

"Bakit ba?!"

"Kasi tayo yung nay relasyon Ara at hindi kayo."

"Edi sabihin na lang natin kay Thomas para naman madali ang magpanggap."

"Sige try mong sabihin...Masisira yung image ko!"

"Ayan na naman tayo sa image eh! Daig mo pa yung mga artista!"

Napagod din siguro kami pareho kaya nagsitahimik na kami.

"Je?"

"Ano?"

"Hangang kailan ba tayo ganito?"

"Di ko alam. Siguro hangang sa...makaganti at makuha ko na rin si Mika."

"Tagal naman."

"Mas okay nga eh para...matagal pa tayong magkasama."

"Ano sabi mo?!"

She's Dating The King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon