Five months later
Cienne's POV
"Hoy mang Thomas sa cementeryo lang ang punta natin at hindi fashion show kaya bilisan mo naman ang pagbibihis mo!" saway ni Carol sa kanya! High blood kasi ang beauty ng bakla kay Thomas kasi kanina pa kami naghihintay sa kanya.
"Im good to go now Cars." Sabi naman ni Thomas nang makababa na.
"Sa wakas Torres natapos ka na rin." Camille.
"Eto naman kasi eh. Kung makabihis akala mo naman aakitin ang mga patay sa cementeryo." Komento ko. Naiinisi na rin kasi ako.
"It's not like that naman Cienne. Kailangan ko lang talaga magbihis para makita naman ni Ara ang effort ko."
"O siya na! Tama na 'yan at baka mag change outfit naman 'yan si Torres" sabi naman ni Kim sabay kuha ng body bag niya sa sofa. "Ikaw pala mag drive dahil ikaw ang late!" dugtong pa niya sabay haggis ng susi.
Hindi naman traffic kaya madali kaming nakarating sa Pampangga. Nauna na palang dumating sina Kib at AVO. Too bad kasi wala si Gabby kasi siya munang naatasan na linlangin si Jeron. Linlangin talaga eh. The last time kasi nagtampo ang king archer dahil hindi daw siya nakasama sa labas ng barkada which is plinano namin dahil ayaw din naman siyang kasama ni Thomas.
"How was your trip?" tanong ni AVO ng makarating kami.
"Fine na sana kaso pagong talaga si Thomas eh." Sagot naman ni Carol.
"Sorry na nga diba Carol?" Thomas.
"Che! Yan ang ayaw ni Ara eh. Ang mga kukupad!" Wala eh. Inis talaga ang bakla. Ewan ko ba kung saan siya naiinis. Yung na late kami dahil kay Thomas or dahil wala si Gabby?
"Okay. Last na 'yun Cars. Puntahan ko muna si Ara ha!" pamamaalam niya at umalis na.
******
Thomas' POV
"Happy death Anniversary!" sabi ko sabay lagay ng basket of flowers sa tomb ni Tita, ang mommy ni Ara. "At syempre sa'yo din, Ara. Long stem for my queen" Sabay abot ng isang long stem na white rose sa kanya.
"Thom naman eh! Change topic ka eh!" inabot naman niya. Naiinis nga lang.
"Its okay Ara. Botong-boto pa nga sina mom and dad eh." Sabi ko sabay akbay sa kanya.
"Pero tinanong mo ba ako kung okay sa akin? Ka-kagraduate mo lang Thomas tapos sasama ka?" tanong niya sabay kuha ng kamay ko sa mga balikat niya. Humarap siya sa akin at ako rin sa kanya. "Hindi mo ko kailangan samahan Thomas. Hindi mo kaialangan sirain ang ang buhay mo para sa akin. Kaya ko naman 'to eh."
"Ara, who told you na sisirain ko ang buhay ko kung sasama ako sa'yo? Im just ensuring my future pa nga eh." Sabi ko naman sabay kindat.
"Kadiri ka!"
"Oh bakit? Masama bang habulin ang future ko?"
"Hindi nga ako ang future mo! May buhay kang iba Thom. Hindi ako."
"Pero ito ang gusto ko. Ang samahan ka. Hayaan mo na lang ako Ara kasi masaya ako kapag kasama kita." Ngumiti lang siya kasi kinilig na eh. Wala eh Thomas Torres yata 'to. "Payag na 'yan! Uy! Aalis na kami next month!" biro ko pa sabay back hug sa kanya.
"I love you Ars."
********
Ara's POV
"Sure ka na ba diyan Ara? May isang buwan ka pa para mag back out sa job offering sa'yo." Tanong ni Kim sa akin nagse-set up kami ng court dito sa La Salle.
"Oo nga. Sayang yung opportunity and at the same time para maayos ko na rin ang buhay ko kasama si Thomas."
"Kung makakasama si Thomas ka naman diyan Ara akala mo naman ikakasal na sila pero Baby Bully, bilib din ako kay Torres ha! Sasamahan ka talaga?"Cienne
"Ayaw ko nga sana eh pero anong magagawa ko? Nag-decide na siya."
"Alam mo na bang lumipat na si Mika? Hindi na siya PLDT, nag meralco na siya kasama namin." Pagbabalita ni Carol.
"Edi mabuti nga yun para magkakasama na kayong lahat." Sabi ko naman.
"Hindi mo ba namimiss maglaro?" tanong ni Kim.
"Na-mimiss syempre."
"Eh si Mika"
"Malamang oo."
"Eh si King Archer, queen Archer?" mapanuksong tanong ni Camille sa akin.
"Ibang usapan na yan tsaka hindi na ako Queen Archer noh kaya kailangan ko na rin kalimutan yan."
"Pero ang bitter mo pa din." Komento naman ni Cams.
"Che! Tawagin niyo na lang ang spikers at makapag-ensayo na sila." Utos ko sa kanila ata agad naman nilang sinunod.
*******
Thomas' POV
"Paps, ikaw naman kaya ang sumama kay Jeron? Nawawalan na ako ng dahilan eh. Bakit di daw natin siya sinama last week." Pagrereklamo netong si Gab nang makapasok sa office ko.
"Ang arte mo naman. Edi ba jan ka magaling? Sa palusot?" sabi ko sa kanya. "Bakit ano na naman ba ang mga itinatanong?" dugtong ko.
"Bukod sa kung may balita na ba tayo kay Ara. Kung may alam na ba ang bullies tungkol kay Ara. Kung alam mo ba kung nasaan si Ara, kung kamusta si Ara basta lahat tungkol sa queen archer!" inis na sagot naman ni Gab. "Basta Paps, ikaw naman ang sumama kay Teng kapag may labas tayo."
"Hindi na kailangan Gab. Ako na lang ang hindi sasama."
"Ars?"
"Hi Thom. Hello Gab." Bati niya sa amin. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng halik sa pisngi.
"Hay buhay nga naman! Sige! Iwan ko muna kayo rito at tatawagan ko lang ang donkey ko." Pagpapaalam ni Gab at tsaka umalis. Kami na lang ni Ara ang naiwan at eto na naman po ang tukso. Nagiging clingy na naman po siya sa akin.
"Ars... About what you said kanina, you don't have to do that naman eh. Siya yung may dahilan kung bakit tayo nagkakaganito." Sabi ko as I hug her from the back.
"Shhh... Thomas naman eh. Okay lang naman sa akin."
"kasi mahal mo pa?" at hindi ko intension na tanungin siya ng ganon. Humarap siya sa akin and she look at me na parang her eyes is telling me to believe her. "Im sorry Ars."
"No Thomas. For the nth time, hindi ko na siya mahal."
"Eh ako? Ano tayo?"
Naghintay ako ng sagot ng ibahin niya ang usapan. "Thom, okay na yung papers natin. Two weeks from now pwede na tayong umalis."
"Okay." I answered coldly at nahalata naman niya siguro kaya eto na naman siya. Minasahe niya yung balikat ko sabay halik sa pisngi ko. "sa ngayon Thomas wala akong maipapangako sayo kasi alam kong hindi pa ako buo pero sa panahon na okay na ako, naka reserve na sayo 'tong puso ko. I love you Thomas."
"I love you more than you love me Ara."
********
So ano readers? THOMARA na ba? 😁😁😁😁
BINABASA MO ANG
She's Dating The King Archer
FanfictionWould two people that were not meant for each other, meant together? A Jeron Teng and Ara Galang Fan Fiction. Inspired by the story "she's dating the ganster" but with some twist and some change of plot.