Queen Archer's POV
"VICTONARAAAAAAA!!!!" Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses. Alam kong si Carol yun.
"Anong problema nun?" tanong ni Kim. Magkakasama kasi kami ngayong mga bullies at tanging si Carol na lang ang aming hinihintay at ayun sumigaw na!
"VICTONARAAA!!!" sigaw ulit ni Carol habang papalapit na siya sa amin.
"Ano ba Carol, kung sa dorm okay lang 'yang pagsigaw-sigaw mo pero nandito tayo sa Campus kaya hinaan mo naman 'yang boses mo." Saway sa kaniya ni Mika.
"Sorry naman Damulag pero worth naman kasi isigaw 'tong chika ko." Naghihingal siyang lumapit sa amin. "Bakit ba?" tanong ko pero hinihila na niya ako. "Teka lang Carol, please ingat naman oh. Kaka-recover ko lang!" saway ko naman sa kaniya pero tila bingi 'tong si Donkey.
Nakarating kami sa may isang hall at tumigil na si Carolina sa kakahila sa akin. Sumunod rin pala ang ibang bullies. Pagdating namin, marami ng tao dito. Parang may dinudumog sila sa gitna. Pagdating naming mga bullies, nagbigay daan sila. Ewan ko ba parang feel na feel ko ngayon ang pagiging queen archer.
"Sino sila?" bulong ko kay Carol nang makita ko ang grupo ng kababaihan na pinapalibutan ng mga tao dito sa hall. Naka-upo lang sila sa sahig at nakayuko. "Hindi ko knows baks!" sagot lang ni Carol.
"Queen Archer, sila yung naglagay ng answer key sa bag mo!" sigaw ni Maxene.
"Hala Ara mga ex ni Jeron 'yan." Bulong naman ni Camille.
"Baka na inggit sa'yo." Dugtong naman ni Cienne.
"Pero diba mga kabarkada ni Jeron yan?" tanong ni Kim at ang tinutukoy niya ay ang "The Soldiers". Tumango na lang ako.
"Daks, kalma lang ha!" si Mika. Good girl talaga.
"ANO VIC? UPAKAN KO NA?!" malakas na tanong ni Kim sabay reflex ng mga muscles niya. Nang marinig 'yun ng mga babaeng nasa sahig, tila natakot ata sa muscles ni Kim kaya natawa ako. Alam kung di kayang gawin ni Kim ang manakit noh?
"HOY MGA BABAE, AYAN NA SI ARA OH! ANO NA ANG SASABIHIN NIYO?" tanong naman ni Gail.
"SORRY QUEEN ARCHER. HINDI NA MAUULIT." They all said in unison. Actually okay lang naman sa akin eh kasi hindi naman naniwala ang dean pero dahil sa kanila, uulit ako ng exam.
"Kim, kung hindi sila tumakbo in three counts, please, upakan mo na." utos ko kay Kim pero tinignan ko muna siya na parang ang mga mata namin ang nag-uusap. Na-gets naman niya siguro yung ibig kung sabihin na takutin lang.
"Ara, tulong ako. Sayang naman 'tong baba ko kung hindi ko gagamitin diba?" sarcastic na pagkasabi ni Camille.
'May itututulong ba ang nuo ko Ara?" tanong naman ni Cienne.
"Eh yung height ko Daks?"
"Ako na bahala sa sabunutan mga baks!" Natawa na lang ako sa kanila. Nagbilang na ako at agad naman silang umalis.
"HAHAHAHAHHA!" tawang-tawa naman 'tong mga bullies. Bullies nga diba? Hangang pagbubully lang naman kami eh and hindi naman kami nagbubully ng walang dahilan. For fun lang at kung naapi na kami. Hindi naman namin inaasahan na igagalang kami dito sa campus.
BINABASA MO ANG
She's Dating The King Archer
FanfictionWould two people that were not meant for each other, meant together? A Jeron Teng and Ara Galang Fan Fiction. Inspired by the story "she's dating the ganster" but with some twist and some change of plot.