CHAPTER SIX

620 26 1
                                    

Queen Archer's POV


"Kuya naman eh!"


"Sige na kuya please...Kahit sa terminal mo lang ako ihatid." Kanina pa akong nagmamakaawa kay kuya naihatid niya ako pabalik ng maynila. Nandito kasi ako sa hacienda namin sa Pampangga dahil may nangyaring hindi maganda. Sabi nila aksidente daw pero alam ko naman na hindi eh.

Hindi naman aalis yun sa loob ng bahay kung walang magdadala sa kanya sa labas. Matalino ka yun tsaka sa akin lang sumusunod nun noh! Sobra niya akong pinag-alala. Akala ko hindi ko na siya makikita. Pero salamat na lang at may nagmagandang loob na ibalik siya kahit alam nila na maypabuyang ibibigay pag hindi ko pa rin siya makita.


Ang tinutukoy ko lang naman ay ang aso ko. Isa siyang Chiuaua na ang pangalan niya ay "Bans". Sobra talaga akong nag-alala. Tumawag kasi si kuya kahapon ng umaga na nawawala daw siya. Eh umuwi naman ako agad dahil nga sa sobrang mahal koi to at mahirap din itong hanapin dahil sa laki ng lugar at sa liit niya. Pag si Bans, natuluyang mawala, hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Jeron! Ipapakain ko siya ng buhay kay Kim.


Okay! Back to business na nagyon. Kailangan ko ng kumbinsihin 'tong kuya ko na ihatid ako sa Maynila. Wala naman kasing sasakyan or jeep na dumadaan sa loob ng hacienda. Maliban sa 4x4 nasasakyan, dapat kabayo ang gamit dito.


"Kuya please..."


"Ara, hindi mo ba naiiintindihan? Manganganak ang kalabaw ko kaya dapat nandun ako." Paliwanag ni kuya. Bakit ba ka-level ko na ang kalabaw?


"Eh di pahiram na lang ng kotse mo! Iwan ko na lang sa bahay natin doon sa maynila. Kunin mo na lang." sabi ko sa kanya habang naghahanda siya ng gagamitin niya sa pangnaganak ng kalabaw niya.

"Ipagbukas mo na lang kasi yang pagbalik mo sa Maynila. For sure bukas, ihahatid na kita." Sabi ni kuya kaya naman sumimangot na ang mukha ko. Hindi ba niya naiintindihan na sasabunin ako ni coach pag wala ako sa training bukas? Grrrgghh!


Padabog akong umalis ng bahay dala-dala ang gamit ko. Isang back pack lang naman ang dala ko kaya hindi mahirap dalhin 'to. Lalakarin ko na lang palabas ng hacienda para kung malaman ni Papa na hindi naibigay ni kuya ang gusto ko, for magagalit 'yun.

Pagkalabas ko sa bahay agad ko naman natanaw na kung ano kalayo pala ng lalakarin ko at naka dress pa ako!!! Ayaw kasi ni Papa yung get up ko sa Maynila. Hindi daw bagay yun sa isang unica hija. Nagpasya na lang ako na bumalik ulit sa loob at nagbihis.

This time naka shorts na ako at polo shirt. Nagsuot rin ako ng hoodie para hindi naman masunog 'tong balat ko. Running shoes na rin ang ginamit ko para kunwari training lang 'to.


Magpapaalam na sana ako kay Bans pero hindi ko naman siya ulit nakita. Hinanap ko siya sa buong bahay. Nagpatuong na rin ako sa kasama namin dito sa bahay pero wala naman siya dito sa loob.

"Ara, wala talaga si Bans sa loob eh!" sabi ng kasama namin dito. Nag presenta na lang ako na ako na ang maghahanap sa labas. Pag labas ko ng veranda, si papa agad ang sumalubong sa akin at kasama pa si kuya.

"Magpapahatid ka pa eh may sundo ka naman pala!" nag ningning ang mga mata ko. Yes naman! Ihahatid ako ni Papa pero hindi ko pa nakikita si Bans.

"Eto ba ang hinahanap mo?" Teka? Kilala ko ang boses na 'to ha? Isang lalake ang nasa likod nila Papa at kuya and on cue, tumabi sila para makita ko ang lalake.

She's Dating The King ArcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon